Chapter4

309 11 3
                                    

"Dito... Dito ako pinatay..."

Napaatras ako ng bahagya sa sinabi niya dahil nagulat ako. Dito? Dito mismo siya pinatay!? Sino gumawa sakanya nun at bakit?

"Sigurado ka? Bakit? Saan dito?" tanong ko na may halong kaba at takot. Grabe di ko na keribels ang ganito natatakot na ko.

Dahan dahan siyang lumapit sakin na para bang may inaabot dahil nakaangat ng bahagya ang kanyang kamay. Ano ba ang dapat kong gawin! Star mag isip ka! Gumawa ka ng plan! Ok! Ok! Ganito ang gagawin ko

A. Once na hawakan niya ako iiikot ko yung braso niya sabay takbo?

B. Makikipagshakehands nalang ako? or

C. Tatakbo ako at magsisigaw na may multo para magmukha akong papansin ganun?

Sa kakaisip ko ng gagawin hindi ko namalayan na bigla nalang nya akong hinawakan sa braso ko at...



"Star! Ano bang ginagawa mo dito? Kanina pa kita hinahanap buti nalang may nakakita sayo na pumunta ka dito" napalingon ako sa likod dahil sa narinig kong pagsigaw si Leona lang pala. Grabe muntik na akong atakihin sa puso! Lumingon ako sa likod kung nasan si Eunice pero bigla nalang siyang nawala. Saan naman kaya sya nagpunta?

"Grabe ka naman Leona nagulat ako sayo muntik na kong atakihin jusko!" sabi ko sakanya sabay hawak sa bandang dibdib kung nasan ang puso.

"Ano bang ginagawa mo dito? Ang creepy naman dito" sabi niya habang pinagmamasdan ang paligid.

Lumingon ako sa likod pero biglang nawala si Eunice. Saan naman siya kaya nagpunta.

"Tara na umalis na tayo dito nakakatakot at ang baho dito oh" maarteng sabi ni Leona. Well tama naman siya mabaho din dito parang may something bigla tuloy tumaas mga balahibo ko.

Umalis na kami ni Leona sa likod ng building nagtitingin din ako sa paligid baka makita ko si Eunice pero mukhang ayaw niya magpakita. May itatanong pa naman ako sakanya ano bang sinasabi niya na doon siya pinatay ang creepy naman talaga.

Naglalakad kami ni Leona papunta sa canteen malamang para kumain.

"Tapos naba ang klase natin?" tanong ko sakanya.

"Oo girl kanina pa. Eto oh kinuha ko na din bag mo kanina ko pa hawak 'to pero parang wala kang balak kunin." inabot naman niya sakin yung bag ko. Bakit nga ba iniwan ko sa room 'to haha.

"Hahaha sorry akala ko gusto mong bitbitin eh" natatawa kong sabi sakanya

"Yan pala kanina mo pang iniisip dapat pala hinampas ko na sayo yan bago ko ibigay haha" may pagkapikon niyang sabi.

Ang bait din nito ni Leona buti nalang may kaibigan akong kagaya niya dito sa school. Mga may attitude kasi yung ibang studyante dito akala mo naman talaga kung sino.

"Star tara magshopping tayo. Bonding na din natin haha diba ang saya" nakangiting sabi niya. Shopping? May allowance pa kaya ako? Tignan ko nalang mamaya.

"Saan naman tayo magsshopping?" Tanong ko.

"Ahmmm... Saan nga ba? Mas maganda kung sa simple pero maganda at mura" sabi niya na parang nag iisip. Totoo ba yan?

"Ahmmm.. Alam ko na! What if sa UK nalang tayo mamili?" nakangiting kong sabi. Ang galing mo talaga Star ang talino mo!

"La? Ang layo naman! Sa UK pa talaga ha maganda pero mahal dun may passport kana ba ang yaman mo siguro kaya gusto mo sa UK nalang tayo mamili" tuloy tuloy sabi sakin. Habang ako nakatulala lang sakanya at hinihintay matapos ang pinagsasabi niya.

"Baliw! UK means Ukay-Ukay Anong passport pinagsasabi mo jan wala din akong ganun kalaking pera kung mamimili tayo sa UK na United Kingdom baka nga isang piraso lang mabili ko sa 25,000 eh" tuloy tuloy kong sabi.
"Ayos din minsan yung nakanganga ka hahaha bagay sayo girl" dugtong ko

"Oh sige na gora na tayo haha" sabi ni Leona. Since may sasakyan naman siya pumunta na kami sa parking lot.
_
Hi guys! Eto muna for now kasi busy pa si ate nyo. Thanks for reading :)

Ghost Friend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon