Prologue

828 27 2
                                    

"Leona pwede ba magtanong?" nandito kami sa picnic area. Wala kasi yung prof namin.


"Oo naman.. Wag lang sa math ha.. Hahaha" biro na sakin. Abnoy talaga ang isang 'to haha.

"Are you believe in ghost?" tanong ko sakanya tumingin naman sya sakin ng seryoso na halata mong kabado.

"Bakit?! Meron ba dito?!" humawak sya sa dalawang braso ko at tumingin sa kaliwa't kanan. Pano kaya kung sabihin ko sakanya na meron? Ano kaya magiging reaksyon nya?

"What if yes?" seryoso kong sabi pero sya nakakunot ang nuo tsaka nagtatawa. May mali ba sa sinabi ko? Totoo naman na meron eh!

"Takte ka Star! Hahaha don't me! Di mo ko mauuto no tss.. Di totoo yun.. Kung totoo yun edi sana-" hindi nya natuloy ang sasabihin nya. Bakit parang lumungkot mukha nito?

"Hoy! Sana ano? Tignan mo 'to ang daldal kanina tapos ngayon tumahimik"

"W-wala.. Review nalang tayo baka may biglaang quiz mamaya" halata sa boses nya ang pagkalungkot. Ano kaya ang problema nito. Ayaw manlang sabihin sakin naturingan na best friend nya ko!

Tinamad na kong magsalita at magtanong kaya nagreview nalang din ako. Hindi ako makapagfocus! Naiisip ko si King nasan na kaya ang lalaki na yun? Siguro may ibang kaibigan na yun! Nakuu.. Baka may iba na babae yun! Lagot talaga sakin yun ihahampas ko sa pagmumukha nya ang heels ko na may 4 inches! Hindi nya ba alam na namimiss ko na sya! Wait! Did I say miss ko na sya? Forget about that ok. Nagseselos lang ako! Arrgh! Did I said that!? Napalingon ako kay Leona dahil may tumatawag sa phone nya.

"Hello? Yes po Tito?" ah Tito nya pala. Pero nagulat ako ng bigla nalang syang sumigaw

"What!!? Ok! Ok! I'm on my way na po" dali dali nyang inayos ang gamit nya. Hindi ko alam kung anong nangyari kaya tinanung ko na sya

"Leona what happened? Are you ok?" nag aalala kong tanong sakanya.

"Come with me.. Dali" bigla nya akong hinigit at nagmadaling pumunta kami sa parking lot. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero isa lang ang alam ko kung saan...

"Leona.. S-sa l-langit b-ba p-punta
n-natin?" kinakabahan kong tanong sakanya. Sino ba ang hindi kakabahan kung sobrang bilis ng pagppatakbo ng kotse na parang nakikipagkarerahan na kami!

"Kailangan pa natin bilisan dahil-" hindi na naman nya tinapos ang sasabihin nya. Lagi nalang pabiten 'to nakakainis. Tumingin ako sakanya at kita ko na may luha na sa mga mata nya. Hindi na ko nagsalita at tinuon ko lang ang paningin ko sa daan. I'll comfort her later hindi ko sya pwede guluhin sa pagmamaneho kasi baka langit talaga diretso namin.



Saint Luke Hospital? Taka kong tanong sa sarili ko. Hala! Baka may kamag anak si Leona na nakaconfine dito. Pumasok na kami sa loob at pumunta sa 4th floor. Hinintay namin ang elevator dahil nasa 2nd floor pa lang. Pagbukas ng elevator nagulat ako dahil may ghost dun! Isa syang babae na pasyente sobrang puti nya nangingitim din ang ilalim ng mata nya. Nakatingin sya sakin hindi ko magalaw ang paa ko dahil titig na titig sya!

"Star! Tara na bilis" hinila ni Leona ang kamay ko para pumasok sa loob ng elevator. Takte naman ano ba 'to titigan moment ganun? Alam ko naman na maganda ako hindi na ko kailangan titigan ng multo na 'to!

Nasa kabilang side sya ni Leona at ako naman nandito sa gilid. Kita ko sa peripheral vision ko na papalapit sya sakin. Hutang inish! Wag kana lumapit please lang! Maawa ka sakin. Pero parang hindi naman nya ako naiintindihan. Nasa tapat ko na sya as in isang ruler nalang ang layo nya sa mukha ko. Pinagpapawisan ako dahil nakakatakot ang mukha nya! Pinikit ko nalang ang mata ko at nagdasal na mawala ang ghost na 'to sa harap ko.

"Star lets go"

Nagulat ako ng biglang hawakan ako ni Leona dumilat ako at nawala na ang ghost! Buset yun pinakaba ako! Nakalimutan kong marami pala dito sa hospital na multo dahil sa mga pasyente na namatay.

Lumapit kami sa isang babae at lalaki tuluyan ng umiyak si Leona at sinalubong sya ng yakap ng magandang babae. Tumingin ako sa room na katapat namin 131? Sabi ko sa isipan ko.

"Tito how is he?" tanong ni Leona. Bigla naman lumabas ang doctor sa silid na katapat namin.

"Doc. How's my son? Ok na ba sya?" tanong ng Lalaki na Tito nya yata.

"Didiretsohin ko na po kayo.. Hindi na po magtatagal ang buhay ng anak nyo.." nagulat ako sa sinabi ng Doctor hindi ko alam pero bigla nalang din akong naiyak.

"HINDI! MABUBUHAY PA ANG ANAK KO! DIYOS KABA! HOW COULD YOU SAY THIS!? DOCTOR KA LANG HINDI KA DIYOS! KAYA WAG NA WAG MONG SASABIHIN NA HINDI NATATAGAL ANG BUHAY NG ANAK KO!!" Galit na sigaw ng babae sa Doctor. Hindi nya kinaya ang nararamdaman nya kaya bigla nalang syang nahinamatay.

"Honey!.. Doc? Pwede na po ba kami pumasok sa loob?"

"Yes po"

Binuhat ng Tito ni Leona ang asawa nya at inihiga sa sofa. Ako ang huling pumasok hindi ko alam pero parang nasasaktan ako! Feel ko nadudurog ang puso ko habang papalapit ako sa loob hindi ko alam kung bakit. Ayaw ko man pumasok pero pinilit ko gusto ko din makita kung sino ang nakahiga dito kasi may pagkadakilang chismosa din ako haha. Biglang bumuhos lalo ang luha ko sa mata at dumaloy sa pisngi ko! Hindi ko kinaya kaya napaluhod ako nanlalabot ang tuhod ko sa nakikita ko. Lumapit sakin si Leona at niyakap ako. Kita ko sa mukha nya ang pagtataka pero hinayaan nya lang ako umiyak.

Ghost Friend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon