chapter22

24.7K 694 74
                                    


Carla....


Bebe!! Magiliw na sigaw ni Cris habang patakbong nagtungo sa kapapasok ko palang na pinto,nandito si Mye,si Gen at ang umagaw ng atensyon ko si Ken!!! Sigaw ko at iniwasan ang yakap ni Cris.



Ay? Bakit si Ken ang pinansin mo bebe? Ako kaya sumalubong sayo.....sabi nito sa nagtatampong tinig,hindi ko na ito pinansin at agad tinabihan ang bayaw kong mukhang di makapaniwala.


Oh bakit ganyan ka makatingin Ken? Hindi ka ba masaya na nakikita mo ang maganda mong hipag?,pa beautiful eye kong sabi rito,habang ito naman ay pilit na ngumiti.



S-syempre m-masaya ako, pero natatakot din,never ka pang naging ganyan sa akin hehehe sabi nito sabay kamot ng ulo.


Napataas naman ang kilay ko sa sinabi nito, tama nga sya palagi ko kasi itong nasisingalan at walang araw na hindi ko ito naaway at nasasktan,hindi ko nga alam kung bakit magaan ang pakiramdam ko sa kanya.



Nang makita ko kasi ito kanina ay parang nakaramdam ako ng matinding aliw rito at ngayon ko lang napansin na gwapo pala itong singkit kong bayaw.



Ken bakit ang cute mo?! Magiliw na sabi ko rito sabay kurot sa mamula mula nitong pisngi na syang kinasigaw nito,ouchhhh!!! Ate!  Stop it!! Angal nito at halos mapaluha na ito sa ginawa kong pagpisil,kita ko rin ang marka ng kamay ko sa pisngi nito.


Napangiti ako sa ekspresyon ng mukha nito,ate ha? Nagseselos na ako nyan.. ako dapat gumagawa nyan sa asawa ko..angal ni Gen na may bitbit na mga barbeque.


Bigla naman ako napatakip ng ilong dahil sa amoy na hawak nito,ay ang arte ha?, sarap kaya neto..sabi nito sabay pasok sa kusina,maya maya narinig ko si Ken na nagsalita,babe luto ka naman ng favorite ko oh.. pacute na sabi nito ng makalabas ang asawa nitong may hawak na barbeque stick.


Babe dami kong iihaw na barbeque, si teh K naman busy sa pag gawa ng salad si teh M may ginagawa rin,next time nalang ha? Love you... sabi nito sa asawa sabay lapit at halik ng mabilis sa labi nito.



Bigla tuloy may pumasok na tao sa isip ko at pilit na iwinaksi ito, ayaw ko syang maalala para san pa ang pag iwas ko kung ako mismo ang nakakaalala rito.



Ken ano bang favorite mong pagkain? Or ulam?masayang tanong ko rito,kita kong natigilan ang dalawang naglalampungan at tila ba kinakabahan,ano kayang problema ng mga ito para nagtatanong lang naman.



A-ah hahaha w-wala ate nextime nalang siguro iyon, hehe.. sabi nito sabay kamot ulit ng uli,napapansin ko lang madalas itong mangkamot ng ulo baka naman may kuto na itong lalaking ito.



The Amazona's Series2:Carla MedinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon