CHAPTER 3 🌵

19.1K 460 26
                                    

Chapter 3

Habang nagbibihis ako ay may nag-buzzer sa condo ko, inaasahan kong si Ley iyon ngunit ang dalawang ipis na nagkatawang tao.

" Naka-jockpot ka ahh! " Sabi ni Rare habang walang paalam na pumasok sa condo ko.

" Rule #7, chicks are just stay in hotel not in our condo " sabi naman ni Hunter, napakunot ako ng noo.

" Paano mo nalaman? " Tanong ko at napatawa naman silang dalawa, siguro kasi mukha akong timang.

" Kumain kasi ako ng gulaman " sabi ni Hunter kasabay ng pagdulas ng kamay ko sa batok niya.

" Sorry nadulas " sabi ko at sinamaan lang niya ako ng tingin.

" Alam mo kasi mangangaso, ayusin mo ang pagsagot! Nakita namin kanina 'yong babae papalabas na siguro 'yon " sabi ni Rare

" Okay lang at least hindi katapusan " pagmamayabang ni Hunter. Napangiwi naman ako, ang ganda kaya ng pangalan ko. End, ang astig!

" Gusto mong tapusin ko 'yang buhay mo mangangaso? " Sabi ko. Ngayon ko lang napatunayan na dapat hindi mo pinapaalam kung nasaan ang condo ko sa mga hinayupak na 'to. Nakakapanggigil, sarap balian ng leeg tapos balatan ng buhay lalo na 'tong mangangasong 'to.

" Madalang " tawag ni Hunter kay Rare na nagpalaki sa mata ko at halos malukot ang mukha ni Rare sa pagtawag sa kanya ni Hunter ng madalang.

" Fuck you! " Sabi ni Rare ar sabay batok kay Hunter na agad naman niyang nailagan. Napailing ako, puwede bang itapoon sa malayong lugar si Hunter?

" Putangina! Mawalang galang na sa'yong gago ka. Lumabas ka sa pamamahay ko kung ayaw mong maputulan ng ulo! " Sabi ko. Putcha! Bakit ba kasi katulad niya pa ang naging kaibigan ko, tahimik naman siya dati ehh, may panahon lang talaga siya na para bang may sinto.

" Taas o baba? " Tanong ni Hunter sa akin at napakamot lang ako ng batok.

" Tangina Rare! Bakit mo ba sinama ang isang 'yan dito? " Sumusukong tanong ko.

" Si Rare kasi, inaya akong makipagdate sa kanya after ng pagpunta na — "

Hindi pa tapos ang sinasabi ni Hunter ay biglang may lipad na baso sa kanya, buti na lang at nailagan ni Hunter kung hindi, naku! Napatingin ako sa baso at ang binasag lang naman ni Rare na baso ay galing sa ibang bansa tapos iilan na lang 'yong gan'ong klase.

" 250,000 pesos " sabi ko na nagpalaki sa mata nilang dalawa.

" Tarakya! Ikaw na siguro ang bagong disipulo ni King! " Sabi ni Hunter.

" Salamat nga kayo, hindi ko pinatungan ng bahagya ang presyo " sabi ko.

" Geh, libre na 'yong 5 months mo sa Frisch. Ako na taya " sabi ni Rare.

" Mga kotongkups kayo! Hindi, ayoko. C.A.S.H " sabi ko sabay kotong sa akin ni Rare.

" Hello, pakikuha ang tseke ko " sabi ni Rare sa kausap niya sa cellphone niya pagkatapos niya akong kotongan. Napangiti naman ako, sa totoo lang 150,000 pesos lang naman ang baso na 'yon. Hahahah.

" James, may ipapatingin lang ako sa'yo. Oo, nasaan ka ba? " Tanong ni Hunter sa kausap niya at sabay labas ng condo ko.

" Napakagaling! Gandang exit, putanginang 'yon tatakasan pa yata ako " sabi ko kay Rare. Mas maganda pa ring kausap si Hier kahit siya ay autistic, pagkasinabi ko ganito presyo, viola! Meron na kaagad. Itong dalawang 'to napakakuripot!

Fucker Series #1: END (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon