CHAPTER 25 🌵

10.5K 256 6
                                    

*******
Chapter 25

Binuhat ako ni End na pamprinsesa, hinatid pa siya ni King pauwi dito at halatang lasing na lasing.

"Baka mahulog ako" sabi ko nakita ko ang pagngiti niya.

"Don't worry I'll catch you" shet kinikilig ang tumbong ko.

Akala ko may mangyayaring mala fifty shades kaso wala, niyakap niya lang ako at hinalikan sa noo.

"I love you no matter what happens, I will always love you" ang pagngiti ko naman ay hindi mawala, talaga bang mahal niya na ko? Mahal ko din naman siya, so talagang mag-asawa na kami. Magkayakap lang kaming dalawa habang natulog. Ako ang naunang nagising kaya agad ko siyang nilutuan ng pagkain at nagtimpla ng kape.

"Wake up" mahina kong tinapik ang pisngi ni End at nagising naman siya.

"hmm... Goodmorning, I love you" hinalikan ko agad si End at napatakip siya sa bibig at namula.

"Bad breath ako, uminom ako kagabi ng alak tapos di pa ko nag-toothbrush" para namang babae si End sumubsob Pa sa unan, 'langya!

"End" tumingin  siya sa akin at agad kong hinalikan ang labi niya na nagpalaki sa kanyang mata.

"I don't care"

"Naughty" ang tanging komento ni End sa akin at niyakap ako. Matapos ang ilang minuto ay tumayo na kami at tiyaka kumain. Tumunog naman ang doorbell at ako ang nagbukas. Nakita ko si Ultaire na nakayuko.

"May bwisita ka" bulong ko kay End. Nakakaumay ang pagmumukha niya.

"Hey, anong ginagawa mo dito?" tanong ni Blue, so sweet naman ng asawa ko ang sarap ihambalos ang pagmumukha.

"Bumibisita lang, masama ba?" nakita ko ang pagkindat niya kay End.

"Ikaw ang sasamain sa'kin" hindi ko naman napigilan ang bibig ko, ang sungay ko ay lumalabas na naman.

"Alam mo naman na kasama ko ang asawa ko eh" mahinahon si End dapat nga tinatanggalan na ng buhok 'yang Ul na yan!

"Ahhh, okay idinaan ko lang talaga 'to" natatawa naman si Ul habang kinindatan si End. Eh kung dukutin ko kaya ang mata niya? Sarap isahog sa lugaw eh, imbis mata ng baboy mata niya ilalagay ko.

"Lokaret ka talaga" napangiti pa itong malandi kong asawa. Tinadyakan ko naman ang paa ni End na nagpahalakhak sa kanya ang galing talagang mang-asar.

"Sige, mauna na ko" buti naman at umuwi na itong si Ul... ULol. Hahahaha.

Why so sama Ley? Well, talaga namang masama ako lalo na kapag may mga higad na nakapalibot sa asawa ko.

"Putulan kaya kita? Makakapaglandi ka pa kaya?" kung nakamamatay ang tingin ko baka namatay na siya. Narinig ko naman ang halakhak ng katapusan na ito.

"Wag ganun paano tayo magkakaanak?" napaubo naman ako sa sinabi ni End. Di ko napigilang mabatukan siya.

"Wala na tayong groceries" sabi ko habang paaupo sa sofa

"Akala ko ba may pasok ka? Bakit naka ganyan ka?" tanong ko habang nagsusuklay ng buhok.

"I'm the boss" Kinindatan pa ko, kala naman niya gagana. Pinalo ko ang matigas niyang braso, bakit kasi mahilig mag gym 'tong si End? Ang sarap tuloy.

"Bahala ka na nga" lumabas na kami ng condo at dumiretso sa paradahan ng kotse. Pagkakita ko sa gagamitin naming sasakyan ay napakunot ang noo ko, ano kami? Pupunta sa party at itong sports car niya ang gagamitin? We will go to grocery for fucking sake!

Fucker Series #1: END (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon