CHAPTER 27 🌵

10K 266 2
                                    

Chapter 27

"Akala ko ba iiwasan mo na si Ley? Ikaw ang may gusto ng ganito End. Mahal ka naman ng asawa mo bakit kailangan mo pa siyang pakawalan? Matatanggap ka naman niya" Naiyak ako sa sinabi ni Ul. Kailangan kong magpagaling, hindi puwedeng ikulong ko si Ley sa mundo ko.

"Ayoko na, di ko kayang makasakit. Alam ko tumatakbo sa isip ng asawa mo, babae-

"Be professional, nurse kita at kailangan ko ng treatment ngayon. Kung kailangang iwanan ko siya kahit hindi ko kaya... gagawin ko wag lang siyang lumayo. Ayoko ng maulit ang nangyari noon. Hindi ko kaya kung lalayo siya tulad ng ginawa mo noon-

"Kaya ba ikaw ang lalayo ganun ba? Isipin mo naman ang asawa mo End. Babalik ka na naman ba noon? Patawad dahil sa ginawa kong paglayo nasasaktan tayo-" para namang binuhusan ng malamig na tubig si End sa narinig. Tayo? Bakit nasasaktan din ba si Ul?

"Tayo?" Naguguluhan si End sa sinabi ni Ul.

"Bingi ka na sabi ko KAYO" tumawa si Ul para mapagtakpan ang sinabi niya.

"Ahhh" hindi na lang inungkat ni End ang sinabing iyon ni Ul ayaw niyang mas maging kumplikado ng lahat.

"Hindi ko alam huli na pala ako, masakit pala 'no" Nakita ni End ang luhang umagos sa mata ni Ul, hindi na niya kayang itanggi pa, mahal niya ang taong pinagtaguan at iniwan niya noon.

"Ang alin?" Nalilito na si End sa kinikilos ni Ul.

"Wala, hahaha" Kung dati parang mababaliw si End sa pag-iisip kung bakit umiiyak ang babaeng nasa harapan niya ngayon naman ay wala na siyang pakialam.

Tumunog ang cellphone ni End at dali-dali niyang sinagot ang tawag.

"Oh bakit Blue?" Istorbo naman si Blue, wala namang mangyayaring masama kay Ley dahil nandun si Elli.

Hahayaan na niya si Ley sa kamay ni Elli, ang taong alam niyang mag-aalaga kay Ley lalo pa't nalaman niya na matagal ng may gusto si Elli kay Ley. Noon pa bago sila magkilala sa wedding anniversary ng magulang ni End.

"Tangina mo ka si Ley dinugo sinugod ni Elli dito sa hospital bilisan mong gago ka pumunta ka dito!"

Nabitawan ni End ang cellphone niya at nanginginig ang kanyang mga tuhod sa sinabi ni Blue. Agad-agad siyang tumakbo at iniwan si Ul.

"Ul, binigyan na nga kita ng pagkakataon para magbalikan kayo ulit ni End hindi mo pa nagawa. Alam mo namang mahirap ang kundisyon niya, alam kong mahal mo pa si End pero bakit?" Tumingin si Ul sa lalaking nagsasalita tiyaka umiyak.

"Oo mahal ko pa siya pero... HINDI NA NIYA KO MAHAL. Nagsisisi ako kung bakit ko siya tinalikuran. Nagsisisi ako kung bakit ko siya iniwan, masama bang mapagod? Buong buhay ko nakakulong ako sa mga bisig niya. Simula bata ako magkasama na kaming dalawa. Nakakasakal, pero noong pinilit kong lumaya hindi ko alam na nasasaktan ko na siya. Ngayong malaya na ko, paulit-ulit kong hinihiling na sana... Ikulong niya muli ako. Ikulong niya ko sa mundo niya, ikulong niya ko sa puso niya na wala siyang ibang makikita kundi ako lang. Ako lang na mahal niya, ako lang" Napaluhod si Ul sa sinabi at niyakap lang siya ng lalaking nasa harapan niya.

"Kaso hindi na ako ang mahal niya at ayaw ko silang masira, sabihin mo sakin ikaw ba nagsabi na kunin niya 'kong nurse para gumaling siya?"

"Oo, ako nga" hindi makapaniwala si Ul sa sinabi ng lalaki.

"Pero bakit? Bakit gusto mo silang maghiwalay?" Ngumiti lang ang lalaki sa kanya.

Ang hirap paniwalaan na kung sino ang lalaking nag-asikaso ng marriage certificate na dapat ay null or void dahil hindi niya pinarehistro ay kanyang inasikaso at ngayon ay may bisa na ngunit siya rin ang may dahilan kung bakit umabot sa ganito ang lahat?

"YLLER, bakit?"

"Wala lang" at tuluyan ng iniwan ni Yller si Ul para pumunta sa ospital

****

Samantalang hindi magkanda-ugaga si Elli kakaisip sa kalagayan ni Ley. Pinapunta siya ni End sa condo, naalala niya pa kung paano siya kinausap ni End at ano ang plano nila kay Ley.

"Ilayo mo si Ley, please. Ikaw na ang bahala sa kanya. Ilayo mo siya sa hindi ko makikita kahit anong gawin kong hanap. Alam kong kapag sinumpong ako ay baka mapatay din kita kaya please Elli lumayo kayo sa akin. May annulment paper sa loob ng cabinet pinirmahan ko na iyon, ikaw na bahala. Paki sabi na mahal na mahal ko siya at kung sakaling magtagpo ang aming landas, kukunin ko siya dahil akin siya tandaan.... No... hindi, huwag mong hahayaan na magkalapit kami. Bukas aalis ako kasama si Ul sa ibang bansa para sa therapy ko, ilayo mo siya"

Ngunit pagdating niya sa condo ay duguan na si Ley at walang malay.

Pagkadating na pagkadating ni End ay sinuntok siya ni Elli.

"Tangina! Bakit siya nakahandusay doon at puno ng dugo! End putangina!" Nanginginig ang laman niya sa galit.

Ang hirap isipin na ang babaeng pinapangarap niya ay sasaktan lang ng pinsan niya. Nakita niya si Ley noong college siya habang nagbabasa ng libro sa mini park ng eskuwelahan nila at walang kaalam-alam si Ley sa ginagawa ni Elli. Siya'y laging kumakain sa restaurant ni Ley at madalas ay sa VIP siya para makita niya ang dalaga. Ngunit nabigla na lang siya na asawa na pala ito ng pinsan niya.

"Hindi ko alam" parang mawawalan ng ulirat si Elli.

"Tangina paanong hindi mo alam! ASAWA KA NIYA!" Walang ni isang nagsalita sa kanila. Lahat ay tahimik pati ang mga kaibigan ni End.

Si End naman ay umiiyak, lahat sila ay napatulala. Umiiyak siya, iyong mukha niya ay parang batang iniwan ng magulang sa kalsada, walang patutunguhan.

Lumabas ang doktor at agad na hinarang ni End.

" What happened to my wife" nanginginig ang boses ni End. Mukhang nagmamakaawa na sana maayos ang kalagayan ni Ley.

"They are both safe"

Lahat ay nagulat.

They?

"Dok? They? Isa lang ang asawa ko dok" parang tanga naman si End sa paraan ng pagtanong niya.

"Yup, your wife is 6 weeks pregnant"

Pregnant?

"Buntis? Putangina! Thanks dok." parang gago naman si Blue akala mo anak niya kung makapamura.

Si End naman ay napatulala at naiyak.

"Buntis siya? Magkaka-baby na kami?" Napangiti sila sa inasal ni End. Hindi niya lubusang maisip na magiging tatay na siya.

"Ano ugok? Iiwan mo pa rin ba mag-ina mo?" Tanong ni Yller na nakatikim naman ng pabirong sikmura kay U.

"Hindi, hindi ko s'ya iiwan kahit kailan. Hinding-hindi na."

Fucker Series #1: END (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon