Chapter 12
Nakarating na kami ng Cebu gamit ang private plane ni End at si U ang piloto nito. Nasa may isang isla kami na pagmamay-ari nilang siyam kaya naman may sari-sarili silang bahay dito.
"Wala man lang tayong chikababes dito." sabi ni Yller, grabe! Babaero talaga 'tong hinayupak na 'to! Si End naman ay busy sa paglalaro ng daliri ko. Naandito kami sa rest house ni End, dito na rin sila mamamalagi, kay sa daw mag kanya-kanya sila ng bahay. Wala naman silang kasama puwera na lang kung may babae daw silang dala tulad no Johan at ni Shannon na nasa rest house ni Johan.
"Punta tayo kina Johan." Sabi ko at napasimangot naman si End, ano na naman kaya ang nasabi kong mali?
"Dito na lang tayo, King kayo na lang pumunta doon gagawa pa kami ng baby." Sabi ni End na parang wala lang. Hindi manlang nahiya sa sinabi niyang gagawa kami ng baby! Hinampas ko nga siya sa braso.
Nagulat ako kasi bigla niya na lang akong kinindatan at naalala ko ang sinabi niya sa akin, sana makatayo ako pagkaalis namin sa islang 'to, eh kasi naman eh! Ako pa mali?
"Sige! Kina Johan ako mag-i-stay!" Banta ko rito at nakita ko ang pagkunot ng noo niya at pag-iba ng awra niya.
"Bakit ba kasi gusto mo dumikit kay Johan! Porket ba nakita mo ang katawan niya? Tangina naman Ley! Itong katawan ko araw-araw mong nakikita, nahahawakan, at na—
"Baka nagsasawa na siya sayo dude." Pamumutol ni U at bigla na lang tumayo si End saka pumasok sa kuwarto naming dalawa. Binigyan ko ng masamang tingin si U tiyaka binato ng unan.
"Puwede mo siyang magustuhan Ley, bawal mo siyang mahalin. Bawal, binalaan na kita, kung ayaw mong makulong sa mundo niya ngayon pa lang umiwas ka na." Makahulugang sabi ni King. Ano naman kaya ang meron sa tropa niya? Lahat sila naghihintay sa isasagot ko.
"Wala na kayo kung mamahalin ko siya, labas na kayo doon kaya kung ano man ang binabalak niyo, tigilan niyo na. Tatapatin ko kayo, mahal ko na si End, at payag akong makulong sa mundo niya. Kung wala naman kayong magandang sasabihin manahimik na lang kayo." Sabi ko at pumasok sa kuwarto namin. Nakita ko si End nakatulakbong ng kumot. Napangiti na lang ako, para talagang bata. Lumapit ako sa kanya at yinakap siya kahit na nakatulakbong siya ng kumot. Inalis ko ang kumot sa mukha niya at tumalikod naman siya sa akin.
"Sorry na, kahit naman matcho at pogi si Johan ikaw pa rin ang pinaka matcho at pinaka pogi para sakin. " Sabi ko at hinalikan ko ang pisngi niya, hindi naman siya sumagot.
"Tiyaka, ikaw ang asawa ko. Hindi ko naman siya gusto. Ang gusto ko lang ay makasama ang kaibigan ko, sii Shannon. Alam mo ba kung ano namamagitan sa kanila?" Malambing na sabi ko dito.
"Bakit guso mong malaman kasi— "
Hindi ko siya pinatapos at iniharap ko siya sa akin tiyaka hinalikan sa labi, kailangan nating landiin, para mawala ang galit niya. Baka mamaya kasi bigla na lang mag-supersayan!
"Hmmm" Ungol niya at tumigil na ako sa paghalik sa kanya. Nakita ko ang pagkunot ng noo ni End. Hays, ang hirap naman niyang lambingin.
"Sorry na." Sabi ko at hinalikan siya sa noo, nawala ang kunot sa noo niya at niyakap ako ng mahigpit.
"Dapat kasi ako lang." Tampong sabi niya tiyaka ibinaon ang mukha niya sa aking leeg.
"Oo nga, ikaw lang ang asawa ko at gusto ko. Ikaw lang End." Sabi ko at gumanti ng yakap sa kanya. Hays, sana ganito lang kami. Naramdaman ko ang pagdantay ng paa niya sa tiyan ko.
BINABASA MO ANG
Fucker Series #1: END (COMPLETE)
General FictionEnd Callif Y. Barcena is a well-known as one of the hottest bachelors in town. A ruthless and a serious businessman. He has everything in his life because of money, wealth, and power. What he wants is what he gets, all is according to his plan and e...