CHAPTER 7 🌵

15.5K 351 6
                                    

Chapter 7

Nagising ako dahil may naamoy akong masarap na pagkain, kinapa ko ang gilid ko at wala na si End sa tabi ko. Buti naman at wala na, hays. Ley naman kasi ang tanga-tanga mo! Bakit ba kasi hindi ka nagbabasa ng mga pesteng kontrata! Na-goyo ka tuloy ng halimaw na 'yon! 'Yong pinaka guwa-— hindi! Gago! Pinaka gagong halimaw sa buong mundo! Bumukas ang pintuan at iniluwa ang isang lalaking may abs!

"Magbihis ka nga! Nakakasuya kang tingnan!" Inis na sabi ko sabay lagok ng sarili kong laway. Eh kasi naman besh, ang aga-aga wala nang suot pang itaas si End.

"Pinagbibihis mo ko pero yung mata mo naka-glue sa abs ko. Bakit ganyan kayong mga babae? Pa-choosy? Sabagay yummy ka naman." Sabi niya sabay kindat sa akin. Ang sarap niyang batuhin ng unan tapos ipalapa sa pating.

"Napatingin lang, naka-glue na kaagad?" Mataray na pamimilosopo ko sa kanya. Napangiti siya at napailing.

"Kaya pala napapalunok ka? Oo na, sige na, kung saan ka masaya doon ako. Napatingin ka lang diba?" Pangangasar niya sa akin. Naku! Ang sarap sabunutan! Hindi ko napigilan ang sarili ko at binato ko siya ng unan. Sinalag niya ang binato kong unan at malalaking hakbang ang kanyang ginawa habang tinahak ang puwesto ko. Shit! Lumalapit yung abs niya!

Dumagan siya sa akin at hinawakan niya ang magkabilang braso ko, takteng 'yan! Para siyang rapist! RAPIST NA GUWAPO este Rapist na gago pala.

Hinalikan niya ako ng madiin, hindi naman 'yung nakakalunod na halik pero sapat na para palambutin ang tuhod ko.

"Para saan 'yon?" Mataray na tanong ko, shit hormones! Huwag kayong magwala!

"Good morning kiss iyon, at ito..." Sabi niya at nagulat ako dahil muli niya akong hinalikan, 'yong pinakahinihintay kong halik! Oxygen please!

"Para sa pagbato mo sa akin ng unan." Nakatingin lang sa mata ko, iba't-ibang emosyon ang nakikita ko sa kumikinang niyang mata pero nangingibabaw ang pagnanasa dito. Napalaki ang mata ko sa halik na ginawa niya, isang masuyong halik. Tumigil siya at tiningnan niya lang ako ng diretso sa mata ko.

"Para saan naman ang isang 'to?" Pigil hiningang tanong ko at nakita ko ang pinakamagandang ngiti sa tanang buhay ko.

"Wala lang gusto ko lang." Muling niyang inilapit ang kanyang mukha sa mukha ko. This time, pumikit ako at handa na akong magpaubaya ngunit lumapat ang labi niya sa noo ko. Hindi ko alam kung maiinis ako kasi kala ko sa lips na! Hindi pala, o kikiligin ako kasi ang sweet niya. Tumayo siya at nakangiting tumingi sa akin.

"Kain na tayo, baka ikaw pa ang kainin ko." Sabi niya na ikinairap ko. Bastos talaga kahit kailan.

"Manyak ka talaga." Sabi ko at inirapan siya.

"Sa babae lang naman." Sagoy niya na ikinalaki ng mata ko.

"So, lahat ng babae minamanyak mo?" Gulat na tanong ko.

"Kung karapat-dapat manyakin, magulat ka kung pati lalaki mamanyakin ko." Sabi niya na nagpatawa sa akin, iniisip ko palang na may minamanyak siyang lalaki ay mapapangiwi ka na lang talaga.

"Baliw ka talag—"

"Ikaw lang naman ang karapat-dapat na 'yon eh." Pagkasabi niya ay 'saka ako kinindatan, oh my lungs! Shet kang hayup ka!

"Hahahah" nagulat ako kasi bigla siyang tumawa, bakit gan'on ang sexy ng tawa niya? Ano ba Ley! Maghunos dili ka, si End lang 'yan! Ang lalaking nangloko at nang mamanyak sa'yo!

"Kumain na tayo" sabi niya at nagulat ako kasi hinatak niya ko papuntang kandungan niya! Buwisit na 'yan! May umbok ehh, yung ano niya tumatama sa puwet ko! Shit! Hindi ako makagalaw!

Fucker Series #1: END (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon