CHAPTER 15 🌵

12K 300 7
                                    

Chapter 15

LEY's POV

Nagising ako dahil may kumakalabog sa baba ng rest house ni End. Easy lang Ley, kaya mo 'yan. Bigla nalang may malakas na kumatok sa pintuan. Shit! Baka may magnanakaw!

"Ley si Shannon 'to! 'Yong asawa mo duguan!" Sigaw ni Shannon sa akin, naalarma ako kaya naman lumabas ako ng kuwarto namin ni End.

"Nasaan siya?" Tanong ko

"Nasa clinic, ginagamot na ni Blue. Bakit hindi mo pinapasok dito si End? Alam mo ba kung anong nangyari? May magnanakaw na nakapasok dito at naabutan siya ni End. Nasaksak si End at ikaw nakalock ka lang dyan sa loob! Nasaksak na 'yong asawa mo wala ka pang kaalam-alam buti na lang napadaan kami dito nila Johan! Nakita namin nakahandysay sa sahig ang asawa mo at naliligo sa sarili niyang dugo." Galit na sabi niya sa akin. Hindi ko mapigilan ang luha ko sa pag-agos, tumakbo ako ng tumakbo at pumunta sa clinic na sinasabi ni Shannon. Nakita ko si Blue doon na nakangiti.

"Ang daming alam ng asawa mo! Oh" Sabi ni Blue at binigyan ako ng isang rosas at may papel na kasama.

'Sorry na Ley, hindi na mauulit. Sorry kung niloko kita na nasaksak ako. Sana magustuhan mo'

-END


Ang luha ko ay hindi na tumitigil sa kakaagos, nakakainis! Nawawala na ang sakit na naramdaman ko noong binalita na may nangyaring hindi maganda kay End at napalitan ng kung anong hindi ko maisplika.

"Suotin mo 'to tapos pumunta ka sa cottage" sabi ni Blue at nakalatag sa kama ng clinic ang isang puting dress na hindi aabot sa tuhod ang haba. Napangiti ako habang nagpupunas ng luha

"Pang mental na nga talaga" bulong ni Blue pero sapat na para marinig ko kaya naman pinalo ko ang braso niya.

"Anong kalokohan 'tong binabalak niyo?"

"Sila lang hindi ako kasali. 'Yong mga may saltik lang ang nagplano nito." sabi ni Blue. Kinuha ko ang dress at pumasok sa loob ng banyo tiyaka nagbihis. Paglabas ko ng banyo ay nakita ko si Blue na nakatingin sa akin.

"He's lucky as fuck" sabi ni Blue at may isinuot sa ulunan ko. Mga bulaklak na nakapabilog.

"Para mukha kang paso" sabi niya pa, pinalo ko siya sa braso.

"Alis na 'ko." Sabi ko at lumabas ng clinic, pagpunta ko ng cottage naandoon si Johan at Hunter.

"Epal ka talaga, chocolate muna tanga!" Sabi ni Hunter.

"Eh, paano 'tong teddy bear? Sabi nila ito muna!" Sagot naman ni Johan.

"Hahah, basta iabot niyo na saakin 'yan" singit ko sa pagtatalo ng dalawa at parang mga bata na nagsisipag-unahan sa pagbigay ng chocolate  at teddy bear

"Para magka-diabetes ka daw" sabi ni Hunter.

"Teddy bear for a beautiful lady like you" sabi ni Johan at inabot ang life size na teddy bear. Napangiti lang ako.

"Pumunta ka sa batuhan" sabi ni Hunter at kinindatan ako.

"Mga pakulo niyo!" Sabi ko habang nakangiti at sinunod ang sinabi ni Hunter na pumunta sa batohan

Pagpunta ko sa batuhan naandoon si King at Hier.

"Here" sabi ni King at binigay sa akin ang isang letter.

Fucker Series #1: END (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon