CHAPTER 11 🌵

14.1K 321 4
                                    

Chapter 11

Pakiramdam ko ay may kung anong dumadampi sa labi ko kaya naman pinunasan ko iyon tiyaka dumapa sa kama.

"Hmmmmmmm." Angil ko at naramdaman ko naman na may kung anong dumadampi sa batok ko kaya naman minulat ko ang aking mata at tumihaya. Kumunot ang aking noo at ang guwapong nilalang sa harap ko ay nakangiti. Salamat 'tong lalaking 'to, guwapo siya.

"Good morning Ley." Sabi ni End sa akin at binigyan ako ng matamis na halik sa labi. Nakakainis! Ang galing niyang manggising! Hinalikan niya ako sa noo, sa tungki ng ilong, at sa labi.

"Sarap, tara na. Baka ikaw pa makain ko" Sabi niya sa akin, natawa na lang ako. Tumayo siya kaya naman napaupo ako.

"Baliw ka talaga!" Sigaw ko kasi naman nalaglag yung laman loob ko kasabay ng pagbuhat niya sa akin. Ang damuho tawa lang ng tawa!

"Kain na tayo, nakapagluto na ako. Baka ikaw ang makain ko kapag hindi tayo umalis dito sa kuwarto at hindi ako makapasok, mahirap na baka hindi ka pa makatayo." sabi niya kaya naman hindi ko mapigilan na suntukin ko siya sa dibdib.

"May nakakalimutan ka yata." Sabi niya na nagpalaki sa mata ko sabay kindat sa akin. Napanguso lang ako, siya naman ay napahalakhak. Ang sama talaga ng ugali nitong bakulaw na'to.

"Ehem" Napalingon kami sa kusina at naandoon ang walong kaibigan ni End. Nakangiti lang sila, yung ngiting may ibang ibigsabihin.

"Ley oh, inaaway nila ako." Sumbong ni End sa akin. Lumaki ang mata ko sa sinabi niya. Ano siya seven years old na bata na binully sa eskuwelahan?

"Bawal palang patapakin sa lupa ang ating kamahalan." Nakangising sabi ni Johan. Si Hunter naman ay napatawa.

"Kain na tayo! Mga gago kasi bigla-biglang sumusugod wala pa akong kinakaing umagahan." Reklamong sabi ni Yller.

"Yller, tangina mo kang gago ka! Patay gutom ka lang talagang hayop ka." Sabi ni Blue, napangiwi naman ako kasi naman kay aga-aga ang bibig ni Blue pinasakan ng bomba kung makapagsalita sumasabog sa lutong ng mga murang binibitawan niya.

"Pakiselyohan nga 'yang tanginang bibig na 'yan." Sabi ni King. Hays, grabeng mga bibig.

"Saan ba kayo pinag lihi?" Tanong ko sa mga kaibigan ni End.

"Sa guwapo." Sabay-sabay na sagot nila. Napalaki ang mata ko at nagkunwaring nauubo.

"Tangina mga gago! Tubig nga Johan! Bilisan mong gago ka!" Sigaw ni End at ibinaba ako sa upuan pinainom nila ako ng tubig at nakisakay ako sa trip nila.

"Binibigla niyo kasi!" Sisi ni End sa kanila pinisil ko lang ang pisngi niya at tumawa.

"Tangina, bagay nga sila. Parehas may saltik, Blue ipadala mo na 'tong dalawang 'to sa mandaluyong." Sabi naman ni Yller na parehas nakatikim nang masamang tingin sa amin End. Naku! Nakakawala ng dugo 'tong mga kaibigan ni End.

"Guys, si Rare na ang may sagot sa limang buwan na pamamalagi natin sa Frisch club!" Sabi ni End at ang mga mata ng kaibigan niya ay nagniningning. Si Hier tahimik lang siya, wala sa kanyang epekto ang mga pinagsasasabi ni End. Lumapit ako sa kanya at tumingin siya sa akin tiyaka ko siya nginitian ngunit nagulat ako sa ekspresyon ng kanyang mga mata, lumaki ito na parang nakakita ng multo.

Fucker Series #1: END (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon