Chapter 16
Nakauwi na kami ni End at nasa sala na kami ng condo niya. Para siyang baliw na nakangiti lang habang nakatingin sa akin.
"Ayusin na natin 'yong gamit kesa pangiti-ngiti ka d'yan" napairap na lang ako sa kung papaano sya ngumiti, parang tanga.
"Opo kamahalan" sabi niya at pasimpleng pinisil ang puwet ko. Bastos talaga! Siniko ko lang siya at inirapan.
"Aaay!" Sigaw ko kasi hinatak niya ako at pinaupo sa kandungan niya. My ghad!
"Hahah, yakap muna ako saglit" sabi niya at sinandal ang ulo niya sa likod ko. Unti-unti kong naramdaman ang pagluwag ng kapit niya sa akin at ang pagbigat ng kanyang hiinga. Nakatulog na pala si End, tinanggal ko ang pagkakakapit niya sa bewang ko at inihiga siya sa sofa. Nagsimula na akong maglinis at ang prince charming ko ay humihilik pa, hindi ko napigilan ang sarili ko na kuhanan siya ng litrato.
"Ang cute talaga" sabi ko at hinalikan siya sa nakaawang niyang labi.
"Mmm" ungol niya, hindi naman ako ganito dati eh, pero bakit ang init ng pakiramdam ko? Pumatong ako sa kanya at yinakap ko siya, hays. Para naman akong hayuk sa sex, ang bilis uminit ng katawan ko kay End. Naramdaman ko ang pagbigat ng mata ko at tuluyan na akong nakatulog.
Nagising ako dahil pakiramdam ko ay may uuod sa loob ng aking bibig. Pagdilat ko ay nakita ko si End at hinahalikan niya ako. Tarakis na 'yan! Mga galawan ni End hayop! Napangiti ako at tinugunan ko na lang ang paghalik niya sa akin. Aarte pa ba?
"Sarap naman" sabi niya at dinampian niya ng isang matamis na halik ang labi ko.
"Bolero"
Niyakap ko siya at niyakap niya rin ako at nilaro ang aking buhok. Nakarinig namin ang tunog ng doorbell kaya napatayo ako at binuksan ang pinto. Nakangiti ang pamilya ni End habang nakatingin sa akin
"Pasok po" sabi ko at pinapasok ko sila samantalang si End naman ay nakayakap sa bewang ko.
"Ma, bakit kayo naandito? Gumagawa kami ng apo niyo- Awww" Natigil sa kalokohan si End dahil pinitik ko ang kanyang noo. Anong gumagawa ng apo? Asbaran kita eh!
"Huwag niyong pansinin si End, tuloy po kayo." Sabi ko at pinanlakihan ko ng mata si End.
"Totoo naman sinasabi ko eh" sagot ni End. Pamilya niya 'tong nasa harapan namin tapos kung tabuyin niya parang aso.
"End! Umayos ka nga! Asikasuhin mo sila, gagawa lang ako ng makakain at maiinom" sabi ko tiyaka ako pumunta sa kusina.
"Sama ko! Sila lang naman talaga ang mag-uusap eh!" Sabi ng nag-iisang kapatid ni End.
"Tara" sabi ko at nakangiting sumunod sa akin ang kapatid ni End, maganda siya at mukhang masiyahin. Pagdating namin sa kusina ay kinuha ko ang saging at asukal. Mag-bananaque kaya ako?
"Puwedeng tumulong?" Tanong niya na may ngiti sa labi, tumango lang ako at inihanda naang gagamitin.
"Paki balatan na lang 'yong saging" sabi ko, napatingin naman siya sa akin tiyaka ngumiti.
"Ano nga palang pangalan mo? Si kuya ko kasi hindi ka manlang ipinakilala sa amin" sabi niya habang nakasimangot, natawa naman ako. Magkaugali sila ni End, may pagkamatampuhin.
"I'm Ley Jimenez" sabi ko na may ngiti sa labi.
"Ako naman si Begin Hanna Y. Barcena" sabi niya habang nakangiti. Begin? Tapos End? Hahahah. Kakaiba naman magpangalan ang mom nila.
BINABASA MO ANG
Fucker Series #1: END (COMPLETE)
Ficción GeneralEnd Callif Y. Barcena is a well-known as one of the hottest bachelors in town. A ruthless and a serious businessman. He has everything in his life because of money, wealth, and power. What he wants is what he gets, all is according to his plan and e...