CHAPTER 22 🌵

10.2K 277 4
                                    

Chapter 22

Natapos ang piging at kami ni End ay nakakulong kami sa kwarto. 'Yong totoo 'sex machine' ba tong si End at walang kapaguran, nakatulog pa habang nakatusok ang sandata niya sakin. Ang sakit ng balakang ko at buong katawan pero pinilit kong tumayo tangina parang virgin ulit ako ang sakit talaga. Tiningnan ko si End at para bang kala mo santo ang itsura niya ngayon na hindi gumagawa ng kahit anong kalokohan pero sugo ni satanas pagdating sa kama. Naligo na ako at nag-ayos tiyaka hinalikan ko ang tungki ng ilong ni End bago lumabas sa kuwarto.

"Blooming ka ate ahh" sabi ni Gin, napailing na lang ako. Kung ano-ano talagang pumapasok sa kokote ng batang 'to.

"Magandang umaga din sayo Gin" sabi ko na nagpatawa kay Gin.

"Ate anong magandang umaga? Look at the clock it's 5:00pm in the afternoon" sabi ni Gin na nagpalaki ng mata ko.

"ANO?!" Hindi ako makapaniwala, anong oras ba kami natapos? Bakit hapon na?!

"Ate, when you do that please be quiet because I woke up at 6 am hearing your moan... so gross." sabi ni Gin at napatanga lang ko. Diring-diri pa siya habang ako naman ay hiyang-hiya.

"Charot" sabi niya sakin at halatang-halata ang pagpipigil ng tawa, ngayon ko lang naalala na sound proof  pala yung kuwarto ni End.

"Mautot ka" sabi ko kay Gin at ang gaga humalakhak na.

"Oo nga pala mamaya uuwi na kami ni End" sabi ko kay Gin at tumango naman siya. Bigla namang sumulpot si Elli sa likuran ni Gin tiyaka kumaway sa akin.

"Ikaw pala 'yan Ley" sabi ni Elli sa akin at m si Gin ay bida-bida.

"Hindi kuya, picture lang si ate" sabi ni Gin na nagpatawa sa akin. Napatingin ako sa hagdanan at nakita ko si End at Ul na magkasamang bumaba ng hagdan, bakit hindi na lang sila mahulog nang sabay una mukha para mas maganda.

"Alam mo kasi Ley hindi yan titigil kung mananahimik ka lang at titingin sa kanila, kumilos ka naman" sabi ni Elli, nabigla ako kasi umakbay sya sa kin at dinikit ang ulo niya sa tenga ko.

"Now smile" sabi niya na nagpatigil sakin ramdam ko ang hininga nya sa batok ko.

"bu-" hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil may humatak sa akin.

"Tangina naman Ley nagpapahalik ka sa pinsan ko sa mismong bahay ko!" sigaw ni End di ko alam kung paano sya nakalapit kaagad sa akin.

"Hindi-

"Anong hindi! Fuck! I saw it Ley I'm not blind!" sigaw niya sa akin.

"Kapag sinabi kong hindi, hindi! Itanong mo pa sa kapatid mo!" sigaw ko tumingin naman si End kay Gin.

"Hindi naman talaga kuya" sabi ni Gin narinig ko ang pagmura ng malakas ni End 'PUTANGINA'

Nagulat ako kasi hinatak ako ni Elli at hinalikan sa labi.

"Oh, ayan na tutal naman pinagbibintangan mo 'ko na hinalikan ko siya, tinotoo ko na" sabi ni Elli at nakatingin kay End.

"Mauna na ko" sabi ni Elli at tumalikod sa amin nakita ko ang pangangatog ni End at ang sumunod na pangyayari ang kinagulat ko.

Pinaputukan ng baril ni End si Elli at tumama ito sa balikat. Marahang lumakad si End kay Elli at pinaupo niya si Elli na sapo-sapo ang balikat at may tama ng bala.

Fucker Series #1: END (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon