CHAPTER 29 🌵

10.6K 250 3
                                    

Chapter 29

"Pre, pinirmahan na ni Ley ang annulment paper nasa loob ng cabinet. Pinapasabi ni Ley kanina kaso nagkaroon ng emergency kaya ngayon ko lang nasabi" sabi ni Blue nang mahimasmasan si End. Naestatwa naman si End.

Annulment?

"Waaaah! Hindi!" Nagwala si End sa buong kwarto, pinagbabasag ang salamin at binalibag ang upuan. Agad na sumaklolo ang mga nars at sinaksakan siya ng tranquilizer. Kumalma naman si End at nanlambot tiyaka siya inihiga sa kama.

"Mommy." tumingin siya sa kanyang ina, hindi niya kinakaya ang sitwasyon. Mababaliw siya, hindi niya kayang mawala ang nag-iisang babaeng nakatiis sa kanya.

"Nak, pahinga ka muna. Kami na bahala" umiling si End sa sinabi ng kanyang ina.

"Gusto kong umuwi" ayaw niya sa ospital, gusto niyang umuwi at maghintay sa pagbabalik ni Ley, nagbabakasakaling baka bukas pagdilat ng mata niya ay nasa tabi niya ito at mahimbing na natutulog.

Ang bigat sa dibdib na ang asawa mo ay iiwan ka ng walang paalam, ganon na lang? Napapikit si End at pumasok sa isipan ang lahat ng nangyari sa kanila ni Ley.

"Pre" pag dilat niya, ang lahat ay nakatingin sa kanya. Hindi niya namalayang umiiyak siya, niyakap naman siya ng kanyang ina.

"Kaya mo 'yan. Maybe she just want to take a breath. Pahinga ka muna" yumakap si End na parang bata at umiling.

"Gusto kong umuwi" wala naman silang magawa kung 'di sundin ang kagustuhan ni End.

********

"Hello" napairap si Ul sa caller. Bakit ba nagkaroon ng walang kwentang kaibigan si End? Magkaibigan sila simula bata pa tapos ganito lang gagawin niya? Sisirain niya ang pagsasama ng mag-asawa?

"Salamat, by the way. Don't ever tell to anyone what's goin' on. You know me Ul" for the first time in history, iba ang pakiramdam ni Ul kay Yller. Nakakatakot, she just cry silently.

"Yes, promise I won't"

Ibinulsa niya ang kanyang cellphone pagkatapos ng tawag, tumingin siya sa stop light kaya napahinto siya saglit. Ngunit sa hindi inaasahan itinulak siya ng isang babae sa kanyang likuran at nakita ang isang taxi na papalapit sa kanya.

Napapikit siya, para nga naman malinis ang buong kasalanan ni Yller. Kailangan niyang mawala. Pinatay niya sa isipan ang walanghiyang si Yller. Kung mabubuhay man siya, ang gagawin niya lang ay mapag-ayos ang relasyon na kanyang nasira. Masakit man, dahil mahal niya si End pero iyon ang tamang niyang gawin.

Isang malakas na busina ang kanyang narinig. Pagdilat niya, nakita niya ang driver na masama ang tingin sa kanya.

"Miss kung magpapakamatay ka wag mo kaming idamay!" Nawala ang lahat ng kanyang iniisip ng makita ang babaeng nakatayo sa likuran ng driver.

"Ley" tuluyan siyang humagulgol ng iyak.

"Sayang manong, dapat sinagasaan niyo" mataray na sabi ni Ley napangiti naman siya at  ginantihan siya ng irap. Walang anu-ano ay hinatak niya si Ley at sumakay sila sa loob ng taxi.

"Kuya, sa pinaka malapit na parke" huli niyang pagkakataon upang makausap niya si Ley.

************

"Pre una na 'ko. May kaso pa kong titingnan" tumango naman sina Blue at lumabas na siya ng kwarto. Napangiti siya sa  nangyayari, tumunog ang cellphone niya at nakita ang demonyitang tumatawag sa kanya.

Fucker Series #1: END (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon