Episode 22

1.3K 57 3
                                    

"Ayos lang ba si Intoy?" Bungad na tanong ni Laura kay Jek-Jek, kasama niya na pumasok si Torlax at sumama na rin ang kapatid nito na si Teri. Bakas sa mukha nila ang pangamba maliban kay Torlax.

"Nandito siya" sabi ni Jek-Jek at sinamahan ang tatlo papunta sa kinaroroonan ni Intoy, pag tangal ng kulay asul na kurtina ay nakita nila si Intoy na nagbabasa ng libro habang nakahiga.

"Sa wakas..." mahinang sabi ni Teri.
Nilapitan siya ni Laura at hinawakan ang mga sugat niya, nakaramdam si Intoy ng kakaibang pag-aalaga kay Laura.

"Mabuti naman at nandito na kayo" sabi ni Abbie na sabay sabay nilang nilingon.

"Ano pong ginagawa niya dito?" Tanong ni Laura

"May pinapa-abot lang ang hari kay Intoy na mga gamot, espesyal tong mga gamot na to ah" Sabi ni Abbie, bahagyang nakunot ang nuo ni Torlax sa narinig.

"Eto oh" inabot niya ang gamot at kinuha naman iyon ni Laura, biglang umalis si torlax ng hindi nagpapa-alam.

"Anong nangyari don?" Tanong ni Abbie.

Inangat ni laura ang balikat bilang pagsagot sa tanong ni abbie.

*****

Dinalaw ni Haring Laurel si Intoy na kasalukuyan ay nasa kwarto niya na.
"Intoy?" Sabi niya habang kumakatok sa pinto

"Wait po!" Binuksan ni Intoy ang pinto at pinapasok si Haring Laurel.

"Bakit po kayo napadaan dito?" Tanong ni intoy

"Nais ko sanang tingnan kung ayos ka, ayos ka na ba?"

Tumango si Intoy bilang pagsagot "anong bang ginawa sa iyo ni Lucas?" Huminga ng malalim si intoy "Wala po"

"Hindi pwedeng wala, tingnan mo oh, nagkapasa ka? Gusto mo bang kausapin ko siya?"

"Nako wag na po, hindi niya po ito kasalan, kasalan ko po ito, Hinamon niya po ako, pumayag ako... ibig sabihin ginusto ko rin to, wala po siyang kasalanan" pagpapaliwanag nito

"Napakabuting bata mo talaga Intoy" sabi ng hari sa sarili

"Ganon ba? Sige magpahinga ka na Intoy at maaga pa ang gising mo bukas"

"Huh? Bakit po?"

"Wala" Nagpa-alam na si Haring Laurel at lumabas na ng kwarto ni Intoy

Pagkalabas niya ng pinto ay naka-abang na sa kanya si Heneral Tunying.
"Ihanda mo na ang mga Gwardya mo bukas" Sabi ng hari

"Opo"

******

Kinabukasan

Nagtataka ang karamihan kung bakit pinag tipon tipon ang lahat ng mamayan sa isang sikretong taguan.
Ginagabayan sila ng iilang Gwardya papunta duon "Ano bang nangyayari?" Tanong ng isang Lambana

"Sasabihin po namin ang lahat sa tamang panahon" sagot ng Gwardyang Tikbalang.

Nagtataka rin si Intoy kung bakit kasa-kasama niya si Torlax at si Laura. Tinanong niya ang mga ito ngunit ang sagot lang ni laure ay "wala lang"
Samantala sa opisina naman ni Haring Laurel sinuot niya na ang damit niyang panlaban.

"Nasa ligtas na bang lugar ang lahat ng mamayan?" Tanong nito kay Abbie.
"Opo, nasa ligtas na silang lugar"

"Mabuti, hihintayin nalang natin ang pag-sugod ng kampon nila Valu"
Ngunit makalipas ang ilang minuto ay mabilis na pumasok si Heneral Tunying

"Mahal na Hari" sabi nito bilang tanda ng pag-galang

"Nakahanda na po ang lahat ng Gwardya, handa na po ang lahat na lumaban"

"Mabuti naman kung ganon, hihintayin nalang natin ang pag-sugod nila Valu"

Ang Tagapagtangol : Ang batang santelmo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon