Si Haring Laurel

2K 75 1
                                    

Pumasok sila sa isang malaking palasyo, na nakatayo sa pagitan ng dalawang palasyo na nasa magkabilang dulo nito.

Sa loob nito meron itong napakahabang hagdan na paikot, napahanga muli si intoy sa mga disenyo na nakaukit sa dingding nito. Sa tuwing nakikita siya ni professor david ay napapangiti nalang ito at napapasabing hindi talaga ako binibigo ng batang ito na mapangiti.
Ilang sandali pa lamang, isang matandang lalake ang bumaba galing sa hagdan.

Lumuhod si professor davidn sa harap ng matandang iyon, kaya naman ginaya na rin siya ni intoy.

"Nako---Nako! Hijo! Huwag ka nang lumuhod" sabi ng matanda habang tinutulungan si Intoy na makatayo.

"Po?" Naguguluhan na reaksiyon ni intoy "David?" ani ng matanda, Tumayo na si david.

"Siya ba yung bata?" Tanong nito dito

"Opo, siya po" nagalak ang mukha ng matanda sa narinig, hindi niya napigilan ang sarili na mapayakap dito.

Hinarap ng matanda ang mukha kay intoy. "Ako pala si Haring Laurel, ang hari ng bayan ng Amadeus... ikinagagalak ko na makita ka, ang bata sa mundo ng mga tao! Ang bata na magtatangol sa buong lahi ng mga engkanto" 

"Ako naman po si Intoy, Intoy trinidad, labing tatlong taong gulang... ikinagagalak ko po na kayo'y makilala" napangiti si Haring Laurel sa narinig

"Nakakatuwa naman kung ganon" sabi ng hari.

"Nalibot mo na ba intoy ang buong lugar?"

"Hindi pa po, mahal na hari" natawa si haring laurel sa mga huling sinabi ni intoy

"Nakakatuwa ka naman intoy, huwag mo na kong tawaging mahal na hari, kahit haring Laurel na lang, masyado ka kasing pormal. Hihihi"

"Ah, ganon po ba... pasensiya na po, haring laurel"

"David, nais ko sanang ilibot mo si Intoy dito sa bayan ng amadeus... at ipapahanda ko na ang kwartong matutuluyan niya, pagkatapos niyong maglibot ay dalhin mo siya dito para sa hapunan, para na rin ipakilala siya sa bayan ng amadeus"

"Opo" lumuhod si Prof David bilang pag-galang at agad umalis kasama si Intoy.

Habang palabas na sila ay nakasalubong nila si Heneral Tunying, isang tikbalang.

"Kaibigan!" Bati ni Heneral tunying kay Professor David

"Kaibigan!" Nagyakapan sila at muling nagkamustahan.

"Kamusta na ang mga guwardiya na tinuturuan mo?" Tanong ni professor david.

"Ayun! Napakahusay! Hinding hindi ako napapahiya! Ang mga estudyante kong mga tikbalang ay handa na talagang makipag laban" pagmamalaking sambit ng Heneral.

"May pakikilala pala ako sayo kaibigan" sabi ni Professor.

"Sino?" Sabay tingin kay Intoy "Siya ba?"

"Oo kaibigan, Si intoy. Ang bagong tagapagtangol" sabi ni professor david na binigyang diin ang huling salita na binangit niya.

Namangha si heneral sa narinig, mistulang may nabuong pag-asa sa diwa niya.

"Totoo ba?" Pagkla-klaro ni heneral tunying.

"Oo nga kaibigan! Siya nga! Siya ang bagong itinakda"

Nagtatatalon sa tuwa si heneral Tunying at napahinto ng mapansing pinagtitingnan na siya ng mga ibang engkantong naroroon.

"Pasensiya!" Sabi niya

"O sige kaibigan, mamaya na lamang tayo mag-uusap, ililibot ko muna ito si intoy dito sa bayan ng amadeus!"

"Sige" sagot naman ni heneral tunying

*******

SAMANTALA.....

Sa palasyo ni haring laurel ay nagtitipon tipon ang lahat ng mga miyembro ng mga kabinete sa isang mahalagang pagpupulong. Lahat sila ay nakaupo sa isang mahabang mesa na mukhang gawa sa narra, natahimik silang lahat ng tuluyan ng pumasok si haring laurel, mabilis siyang umupo sa gitna.

"Salamat at nakapunta kayo rito" paunang salita ng hari "ngayon, matapos ang halos isang dekada at tatlong taon na paghihintay sa pagbabalik ng ating bagong tagapagtangol, sa wakas... ay nakarating na rin siya"

Nagsipalakpakan ang lahat ng mga engkantong nasa silid dahil sa kagalakan.

"Magandang balita pala yan hindi lang dito sa ating bayan kung di rin sa buong isla ng odus!" Sabi ng isang miyembro ng kabinete

"Tama! Dapat ay agad na natin siyang ipakilala sa madla!" Sabi ng isa pang miyembro ng kabinete

"Oo, yun na ang nais at balak kong gawin, sa kasalukuyan, ipinapalibot ko muna ang batang tagapagtangol dito sa ating bayan kasama ang isang mapagkakatiwalaan kong kaibigan, at habang sila ay naglilibot, nais ko na sanang asikasuhin na natin ang paghahanda para sa isang magandang selebrasyon na gagawin mamaya!" Mamaya ay tinawag ni haring laurel ay kanyang aswang na sekretarya, si "Abbie!!" Pagtatawag ni haring laurel dito, pumasok sa loob ng silid ang isang babaeng mukhang nasa edad labing-walo pataas na maysuot suot na napakalaking salamin at maiksing buhok

"Bakit po mahal na hari?" Pagtatanong ni abbie

"Sabihan mo ang lahat na maghanda! Kaylangan iayos ang buong entablado para sa pagpapakilala kay intoy at nais ko sana sabihan mo si heneral tunying tungkol sa sekyuridad ng lahat! Ayoko na dumating bigla si..... Valu"

Ang Tagapagtangol : Ang batang santelmo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon