Ang Resulta

698 31 1
                                    

Sa loob ng Arena, ipagsama-sama ni Lizardo ang mga natitirang manlalaro. Halos naubos ang karamihan at konti na lang ang natira sa unang parte pa lang ng pagsubok. Kaya kitang-kita talaga kung sino ang nararapat na makausad sa ikalawang pagsubok.

Nakatayo sa taas ng entablado ang mga importanteng kasapi upang ibalita ang ilang mga importanteng bagay. Kasama dito ay sila Haring Laurel, Intoy, Professor David, Heneral Tunying, Abbie, Lizardo, Maestro Mayan at ilan pang kasapi ng mga kapatiran. Samantalang nasa baba naman ang mga natirang manlalaro.

Tuwang tuwa si Intoy na makita na nakapasa ang ilan sa mga kaibigan niya, sobrang sabik na siya na maka-sama ang mga ito at makakwentuhan kung ano ba ang mga naging karanasan nila habang nasa gubat pa sila ng kamatayan. Napukol naman ang atensiyon ni Intoy sa kinatatayuan ni Laura na ngayon ay mukhang hindi mabuti ang kalagayan. Hawak hawak nito ang braso nito na mistulang may tinatakpan. Labis siyang nalulungkot sa kalagayan nito. Nais niya itong tulungan upang magantihan ang kabutihang ipinakita ni Laura sa kanya.

Katabi naman ni Laura ngayon ay ang nakayukong si Teri na nakahawak sa braso nito. Hindi maiangat ni Teri ang kanyang ulo dahil nakita niyang tumitig si Intoy sa pwesto nila. Biglang lumundag ang puso niya dahil parang nag-aalala si Intoy sa kalagayan niya.

Samantala, Taas nuo namang nakatayo sa gitna ang tatlong bata na mula sa bayan ng perla. Sa lahat ng mga natirang manlalaro, sila lang ang wala masiyadong galos o dumi sa katawan. Kaya namukudtangi ang itsura nila sa karamihan.

"Tingnan mo nga ang ibang manlalaro dito, napakadumi" Bulong ni Karlos.

"Tama ka, hindi lang mukhang madumi, mukha ding mahihina" dugtong pa ni Lily.

Hindi naman nagsalita si Axel at hindi pinansin ang iba pang kasama niya. Sa halip, nakatuon lang ang atensiyon niya sa taas ng entablado at tinititigan ng masama ang batang si Intoy.

Medyo nasa dulo naman si Ramuel at nilalayuan si Makaryo na naka-tayo sa gilid. Medyo hindi kasi talaga maganda ang kutob niya sa nilalang na iyon, matapos niyang malaman ang sikreto ni Ramuel at brutal na pag-atake kay Lulu. Hindi na gumanda ang pagtingin niya dito.

Nakatayo naman sa harap ang dalawang bata na si Torlax at Lucas. Ramdam ang tensiyon na pumapagitna sa kanila. Hindi pa rin kasi mabura bura sa isip ni Torlax na pinalitan na siya ni Lucas bilang apprentice ni Heneral Tunying. Habang si Lucas naman ay medyo nag-iinit ang katawan matapos siyang makagat ng binatang lobo na nakalaban nila. 

Habang ang apat na bata na sila Jek-Jek, Rosalinda, Amao at daniel ay hindi pa rin magkamayaw sa pag-kwekwentuhan tungkol sa mga labanang naganap na naranasan nila sa loob ng gubat ng kamatayan.

Maya-maya pa ay natuon ang atensiyon nila ng pumwesto si Maestro Mayan sa gitna ng entablado. Sumenyas pa ito upang patahimikin ang lahat.

Tumahimik naman sila, kaya nagsalita na ito.

"Ikinagagalak ko ang lahat na nakapasa sa unang pagsubok ng Odus Battle Exam, Masaya ako na marami mula sa bayan ng Amadeus ang nakapasa, Nakaka-tuwa yon hindi ba?

Ako nga pala si Maestro Mayan, para sa mga hindi pa nakakakilala sa akin at isa akong maestro sa bayang ito at ako ang magiging pangalawa niyong proktor sa ikalawang pagsusulit niyo na magaganap.... Sa susunod na linggo"

Nakahinga naman ang karamihan ng maluwag dahil magagawa nilang ipahinga ang mga sarili nila at magamot ang mga sugat na natamo nila sa mga labanan. Muling nagsalita si Maestro Mayan

"Alam naman natin na sa patimpalak na kagaya nito ay ang tanging paraan lamang upang magbuklod buklod at mapagsama-sama  ang mga mamamayan ng bawat bayan na may matatagal ng may alitan, kaya bilang pagtangap namin para sa mga bisita na mula sa iba't-ibang bayan, maasahan niyo ang mainit naming pagtangap!"

Ang Tagapagtangol : Ang batang santelmo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon