Banta

626 35 4
                                    

"Intoy, ayos ka lang ba?" Tanong ni Ramuel kay Intoy. Tumango nalang ito bilang sagot dito.

"Kung may bumabagabag man sa isip mo, wag kang mahiyang mag-sabi sa akin... kaibigan mo ko... mapagkakatiwalaan mo ko" sabi nito at binigyang diin ang salitang mapagkakatiwalaan.

"Maraming salamat Ramuel" wika nito, nagpatuloy sila sa paglalakad habang si Intoy ay nakayuko.

Pero habang naglalakad sila, aksidenteng nakabanga si Intoy ng kung sino man.

"Nako, pasensiya n---" hindi na nagawang tapusin ni Intoy ang sasabihin niya dahil biglang nagtago sa loob ng bibig niya ang kanyang maliit na dila dahil sa kaba.

Nambilog naman ang kanyang mata at mukhang hindi makapaniwala. Hindi niya inasahan na sa dinami dami ng pwede niyang makabanga, mukhang kay....

Axel pa siya tumama.

Napalunok nalang siya dahil sa takot at kaba.

"Bakit ako nakakaramdam ng ganito? Bakit ako kinakabahan? Ganito ba katindi ang epekto ng nilalang na ito para kabahan ako ng husto?!"

Isang mapanlisik na titig ang ipinukol ni Axel kay Intoy na ngayon ay sobrang natatakot na.

"S-sorry!" Sabi ni Intoy na ngayon ay balisang balisa na.

"Tch, Ikaw ba yung batang tagapagtangol na mula sa mundo ng mga tao?" Tanong ni Karlo na mukhang tinamad pang magsalita.

Hindi agad naka-imik si Intoy, dahil nanatili siyang naistatwa habang naka-titig ng diretsiyo sa mata ni Axel.

"I-intoy!" Bumalik ang ulirat nito ng alugin ni Ramuel ang katawan niya "Ayos ka lang ba?"

Napatango nalang si Intoy at sinikap na iwasan ang mga batang taga-perla pero nagulat siya ng harangan ni Axel ang kanyang dinaraanan.

"Ikaw" seryosong wika nito. "B-bakit?" Kabadong sagot ni Intoy.

"Dudurugin kita... Tatapusin kita" biglang nasitayuan ang lahat ng balahibo ni Intoy ng marinig niya ang sinabi nito. "Kung inaakala mo na tra-tratuhin ka namin na parang espeyal na nilalang. Pwes, nagkakamali ka...

Dahil para sa mata ko, isa ka lang ordinaryong tao na walang ibang ginagawa kundi abusuhin ang biyaya ni bathala. Ang sakit mo sa mata!"

Hindi na alam ni Intoy ang sasabihin niya, parang dumikit na ang paa niya sa mga lupang kinatatayuan niya.

"Sa pagkakataon na magkaharap tayo sa susunod na pagsubok ng odus battle exam... sisiguraduhin ko na... mapapatay kita" pam-babanta ni Axel dito.

Parang nawala ang lakas sa katawan ni Intoy ng marinig niya ang pagbabantang iyon. Na ang isang katulad ni axel ay parang walang katakot takot na nararamdaman sa pagbabanta sa buhay ni intoy.

"T-tumahik k-ka nga d-diyan!" Protesta ni Ramuel, na kahit mismo siya ay kinakabahan din.

Natuon naman sa kanya ang atensiyon ng tatlong bata na mula sa perla na ngayon ay nakatitig na sa kanya ng masama. "Sino ka naman?" Tanong ni Lily dito.

"K-kaibigan ako ni I-intoy! At, hindi k-ko papayagan na p-pagsalitaan siya ng g-ganyan!" Labis ang galak ni intoy ng marinig niya ang mga salitang iyon na mula kay Ramuel. Na sa ikli ng panahon na pagsasama nila, itinuring na nila na kaibigan ang bawat isa.

"Kaibigan? Tch, utak saba!" Komento ni Karlo. Nambilog ang kamao ni Ramuel ng marinig niya ang mga salitang iyon.

"Diba?! Kaibigan?! Pabigat lang ang mga iyan!" Dugtong pa nito na lalong nagpa-inis kay Ramuel.

Ang Tagapagtangol : Ang batang santelmo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon