"Master Intoy"

1.5K 64 1
                                    

Matapos makipag-usap kay maestra luna ay oras na para mag recess. Ang kinaroroonan ng canteen nila ay nasa ilalim ng lupa.

Meron isang hagdan papunta sa ibaba ng lupa, at pagkapunta mo don ay makikita mo ang napakalaking lugar na punong puno ng mga engkantong kumakain. Nagulat talaga si Intoy sa laki ng lugar, meron pang may lumilipad dahil sa lawak nito.

Habang naglalakad siya ay aksidenteng may nasipa siya.

"ANO BA?! BULAG KA BA?! HINDI KA BA MARUNONG TUMINGIN! NALILIITAN KA BA SA AKIN?!" tiningnan ni intoy kung nasaan nang galing yung tunog, pagkatingin niya paibaba ay nakita niya yung duwendeng nakatumba.

"Ay pasensiya!" Sabi ni intoy sabay tulong sa duwendeng nasipa niya, ng mai-tayo niya ito ay hinampas nito ang kamay niya.

"IKAW! NAPAKA-YABANG MO HINDI PORKET?!------ ANG TAGAPAGTANGOL IKAW BA YAN?!" Tanong duwende

"Oo ako nga"

Nagulat ang duwende sa narinig. "Ay pasensiya po! Pasensiya na po! Sana po ay mapatawad niyo ang pagiging taklesa ko" sabi ng duwende at lumuhod pa.

"Nako! Nako! Nako! Hindi!? Ako dapat ang humingi ng tawad, nasipa kita. Pasensiya na" sabi ni intoy.

"Pinapatawad niyo na po ko?!" Tanong muli ng Duwende

"Oo naman" nakahinga ng maluwag ito at saka ngumiti.

"Ano po pala ang ginagawa niyo dito?"

"Ah, gusto ko sanang kumain e"

"Ganon ba? Sandali lang!" Tumakbo yung duwende papuntang counter. "Padaan dali! Padaan!" Sabi ng duwende sa mga nakapila.

"Ano ba? Pumila ka nga!" Sabi ng isang engkantong nakapila sabay sipa.

"Aray!" Sabi ng duwende, napakamot tuloy siya ng ulo habang lumalapit kay Intoy "Pasensiya na tagapagtangol, kaylangan muna nating pumila e" sabi nito.

"Ayos lang, teka--- ano nga pala ang pangalan mo?" Tanong ni Intoy "ako pala si Amao" nakangising sagot nito. "Ah, amao... ikinagagalak ko na ikaw ay makilala"

"Ako rin po, ikinagagalak ko na ikaw ay makilala!" Sabi ni Amao.

"Tara, pila tayo..." sabi ni intoy, tumango naman si amao at pumunta sa pilahan upang pumila.

Nang maka order na sila ng pagkain ay pumunta sila sa isang bakanteng upuan.

Medyo nagtataka si intoy sa mga uri ng pagkain na ipinabili sa kanya ni amao, dahil hindi siya pamilyar dito.

"Ligtas ba to?" Tanong ni Intoy.

"O..Oo naman!" Sabi ni amao habang ngumunguya.

"Eh bakit ganito yung itsura?" Tanong muli ni intoy.

"Ano ka ba! Ganyan talaga yan! Mabuti nga e, ganyan yang kinakain namin e kaysa naman tao diba? Bawal yon!" Sagot ni amao.

Kahit hindi sigurado si Intoy sa pagkaing nasa tray niya ay pinili niyang sumandok ng isang sabaw na kulay berde, mukha kasi itong panis. Bago niya ito isubo ay halos nangangapa siya, hindi niya alam baka dahil sa pagkaing iyon ay ikamatay niya.

"Teka, amao... Ano nga ba ang tawag sa pagkaing to?" Tanong ni Intoy.

"Sinabawang ugat" nagulat si Intoy sa narinig. "Totoo?!"

"Oo nga! Tyaka ano bang kinababahala mo? Masarap yan! Sigurado! Tikman mo lang, sigurado kapag natikman mo yan masasarapan ka! Baka ulit-ulitin mo pa!" Sabi ni amao

Bahagyang nakubinsi si Intoy sa sinabi ni amao sa kanya, kaya kahit papaano ay isinubo niya na yung isang kutsarang sabaw.

Pagkatapos mailunok ni intoy ang isang kutsarang sabaw ay napalaki ang mata niya dahil sa sarap

"Ano? Masarap?!" Tanong ni Amao, hindi muna makasagot si Intoy... Yung itsura ni amao ay parang naghihintay ng isang sagot sa isang mahirap na tanong. "Intoy? Ano?"

Ngumiti si Intoy "Masarap siya! Masarap na masarap!"

Pagkatapos sabihin yon ni Intoy ay sunod sunod siyang sumubo ng sabaw, natawa nga si amao dahil sa itsura niya.

Agad namang sinubukan ni Intoy ang isang basong pinigiang puso ng saging.

Hindi na siya nagtanong pa kay amao at mabilis na hinigop ito, nanlaki ang mata ni amao dahil mabilis na naubos ito ni Intoy.

"Wow! Intoy! Ikaw nga! Ikaw nga talaga ang tunay na tagapagtangol, pati sa kainan ang lakas lakas mo!"

"Hehehehe! Hindi kasi! Ang sarap! First time lang talaga akong makatikim ng ganito kasarap na pagkain! Sa una kapag titingnan mo, mukhang kadiri pero kapag natikman mo na! Wow! Sobrang masarap!"

"Oh diba? Ako na ang bahala sayo, master Intoy"

"Huh? Master?"

"Oo! Lahat ng mga tagapagtangol, master ang tinatawag, katulad ni master arthur, yung dati mong buhay"

"Ganon ba?"

"Oo naman"

"Amao.."

"Hmmh... bat po master?"

"Pwede bang wag mo na lang akong tawaging master? naiilang ako e"

"Yun ba master?"

"Wag mo na nga lang akong tawaging master"

"Hindi po pwede master"

"Kaya hindi mo ako pwedeng tawaging master kasi wala pa  akong alam tungkol sa kapangyarihan ko"

"Sus yun lang pala! Maaral din yan!.... Master"

"Haaaay!! Bahala ka na nga!"

"Hehehehe"

"Kain pa tayo?"

"Sige po master"

Ang Tagapagtangol : Ang batang santelmo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon