Pangil

972 37 0
                                    


Muling sumisilip ang haring araw, pero ang pag-asa na makaligtas sila Torlax at Lucas sa Lobo na si Artemyo, Nagtatago pa. Kung nakakamatay lang ang titig sa oras na ito? Siguro matagal ng nakabulagta sila Torlax at Lucas.

"Oh Lucas, nasaan na yung kayabangan na sinasabi mo kanina?! Bakit bigla kang naduwag?" Sabi ni Torlax Kay Lucas. Napangisi naman ito sa inis. "Eh ikaw--- bakit Hindi mo ipakita ngayon yung mga salitang inuugnay sayo? Nasaan na yung Torlax na sinasabi nila na Matapang? Ano? Utot na lang?!" Tiningnan ng masama ni Torlax si Lucas bilang sagot sa sinabi nito.

Matutulis na tinginan ang ipinukol ng bawat isa subalit wala ng mas tutulis pa sa titig ng lobo na pumagitna sa kanilang dalawa. Pareho silang tumalon paatras dahil sa pagkabigla. "Alam mo epal ka e. Kanina pa! Panira ka ng pagkakata---- Aahh!" Agad siyang napaiwas ng bigla siyang sinugod ng lobo at tinangkang lapain siya. Kitang kita niya ang tulis ng ngipin ng lobo, nasa sobrang tulis, kaya ng pumutol ng puno.

"Kagatin mo to!" Pinalutang ni Lucas ang dalawang malalaking bato habang tumatakbo siya, at mabilis na inihagis sa lokasyon ng lobo, ngunit halip na iwasan ito ng lobo ay agad na sinusugod ito at winawasak gamit ang pagkagat. "Woah!- Ang tibay ng panga mo ah, subu---" hindi agad natapos sa pagsasalita si Lucas ng biglang umeksena si Torlax at sinipa ng malakas ang lobo.

Napalipad ang lobo sa tindi ng ginawa ni Lucas. Halos mabali ang puno na binagsakan ng Lobo (Si Artemyo) "Kita mo? Siguro naman napatunayan ko na kayo ang lakas ni Torlax? Hmmh. Nga pala, bilang isang dalakitnon? Nakakahiya ka" Halos mag-ngitngit at sasabog sa inis si Lucas.

"Lapastangan!" Galit na galit na sikaw ni Lucas. Agad niyang pinalipad si Torlax sa ere. Nagpumiglas ito dahil sa bigla. "Hindi ko pa nasusubukang magpalutang ng kapwa ko engkanto alam mo ba yon? Madalas, bagay lagi ang ginagamit ko.... Bakit Hindi ko kaya subukan sayo!"

Halatang nahihirapan na si Lucas, namumula na ang kanyang mukha at mistulang may binubuhat siyang mabigat na bagay kahit naman wala. Lalo kasi siyang nahihirapan dahil sa ginagawa ni Torlax.

"Aaaaaggghhhh!!!" Agad ibinato ni Lucas si Torlax malapit sa kinabagsakan ng lobo. Agad naman siyang napaluhod dahil sa pagod. Pagkatingala niya sa ulo niya, nakita niyang palapit muli ang lobo sa kanya kaya agad siyang tumayo para iwasan ito.

Subalit Hindi naging dapat ang pagkakataon para makaiwas dahil naramdaman niya ang pangil ng lobo na bumaon sa braso niya. "AAHHHHHHH!!!!!" halos mapahiga si Lucas sa tindi ng sakit na nararamdaman niya. Nang mapansin na ng lobo na Hindi na kaya nitong lumaban, Kay Torlax naman ito lumingon.

"A-anong ginawa m-mo Kay lu-lucas?!" Sigaw ni Torlax. "Malalaman mo kapag nagawa ko na sa'yo!" Mabilis na sumugod ang lobo sa kinaroroonan ni Torlax. Ngunit tumalon ito sa ere kaya naman mabilis itong naka-iwas. Mabilis na bumwelo si Torlax para sumipa pero ng subukan niya itong sipain agad lumundag so Artemyo.

Akmang kakalmutin na si Torlax pero naka-iwas ito. Sinubukan din siyang kagatin pero naka-iwas muli ito. Agad naman siyang gumanti at sinipa ang panga ng lobo paitaas. Dagling tumayo ang lobo pero halatang nahilo.

"Wag ako... Wag ako..." Sabi ni Torlax sa lobo.

Dahan dahang tumayo ang lobo at nagbago ng anyo, naging isa siyang magandang lalake na may puting buhok. Nakahubad ang pang-itaas niya at nakasuot ng malaking shorts pang-ibaba. Bakas ang mga sugat na natamo niya sa laban subalit mukhang Hindi niya iniinda ang mga ito.

"Yan pala ang tunay mong hitsura? Sa likod ng iyong maamong mukha ay isang nakakatakot at mabangis na nilalang" ngumiti si Artemyo na mistulang wala dapat ipag-alala si Torlax. Pinagpag niya ang alikabok na nasa braso niya.

"Pasensiya na kung natakot kayo subalit, napag-utusan lang ako... At Simula ng lumabas ako, ngayon lang ako nakatagpo na makakasabay sa lakas ko... Nakakabilib" Napangiti naman si Torlax na mistulang natutuwa dahil sa papuri na narinig niya.

"Maraming salamat, pero Hindi ko hahayaan na matalo ako sa kompetisyon nato lalong lalo na sa unang pagsubok pa lang. Pero na bilid din ako, dahil sa unang pagkakataon. Nakakita ako ng totoong lobo na katulad mo" napangiti si Artemyo, kaya naman nahalata ang pangil ng ngipin niya.

"Matuwa ka, dahil sa tingin ko.... Magiging huling araw mo nato, dahil wawakwakin ko na ang mga laman mo!" Napaatras si Torlax sa gulat ng magmukhang nakakakilabot ang maamong mukha na nakita niya kanina. Rinig na rinig niya ang tunog ng paghaba ng kuko ni Artemyo at ang malalim na paghinga nito. "Mukhang seryoso nga siya" bulong ni Torlax sa sarili niya. Dagling sumugod si Artemyo sa kinatatayuan ni Torlax, hindi agad ito naka-galaw dahil sa bilis ng pangyayari. Halos hindi niya nakita ang pag-galaw ni Artemyo sa pwesto nito kanina, kaya labis siyang natakot ng makita niyang nasa harap niya na ito at akmang kakalmutin siya.

Tumilapon si Torlax sa nangyari--- dahil biglang sumulpot si Lucas at sinalo ang braso ni artemyo. 

"......" Naghari ang katahimikan ng sandaling iyon. Sobrang tahimik, na naging rason para lalong makaramdam si Torlax ng takot. Na sa unang pagkakataon, naramdaman niya ang pakiramdam na iyon. 

"Pano mo nasabayan ang bi-bilis ko?" hindi makapaniwalang tanong ni Artemyo kay Lucas, sinagot niya ito gamit ang nakakatakot na tingin. Naramdaman ni Artemyo ang sakit ng diinan ni Lucas ang pagkakahawak sa braso niya. Kaya agad niya itong binawi.

Napansin nito na biglang nagbago ang itsura ni Lucas. Mula sa nangyari dito kanina mula sa pagkaka-kagat ni Artemyo sa kanya, ay hindi kapani-paniwala na agad siyang nakabangon. Lalo na't makamandag ang lason na humalo sa katawan ni Lucas. Nagkaroon ng kulay lilang pantal ang buong katawan nito, at naging kulay pula ang kanang mata nito. at hindi rin kapani-paniwala na biglang bumilis ito? kaya labis na nagtataka si Artemyo sa naging pagbabago nito.

"AARRRGHHHH!!!" Sigaw ni Lucas, at dagli niyang sinugod si Artemyo, mabilis ang pag-iwas nito kaya naman naiwasan niya ang karamihang atake nito. Mabilis na nagbagong anyo si Artemyo bilang lobo at umatungol na nakalikha ng matinding pwersa. Napaatras si Lucas sa lakas nito ngunit hindi ito madaling nagpatinag. 

Agad siyang tumakbo papunta sa ibang direksiyon at kinontrol ang mga putol na kahoy. Pinalutang niya iyon sa ere at mabilis na ipinagbabato sa pwesto ni Artemyo, iiwas pa sana ito subalit sa ikatlong bato ni Lucas ay natamaan siya at tumilapon sa malaking puno.

Nang hindi na makatayo ang lobo ay mabilis itong nilapitan ni Lucas at sinakal paitaas. Bakas sa mukha nito ang matinding galit. Mukhang halos kaya niya ng wakasan ang buhay ng lobong ito, halata ng kinakapos sa paghinga si Artemyo kaya bumalik siya sa tunay niyang anyo.

"Ito ang tatandaan mo. Wag na wag mong kakalabanin ang maharlikang dalakitnon na kagaya ko!" 

Ang Tagapagtangol : Ang batang santelmo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon