Ikalawang Pagsubok

634 20 0
                                    


Dumating na ang araw ng ikalawang pagsubok. Parang minuto lang ang bawat araw na nagdaan at kasing bilis lang ng pagpalit ng mga pahina ang pag-dating ng araw ng ikalawang pag-subok na pinakahihintay nila. Ang bawat isa ay handang handa na, lahat sila ay preparado at labang laban na.

Magaling na si Laura sa panahon na iyon kaya nakasama siya sa pagkakataong ito. Sobra ngang natuwa si Intoy dahil nakita niya na muli si Laura na mabuti buti na ang pakiramdam.

Pasulyap sulyap pa siya dito dahil nahihiya siyang lapitan ito. Nasa loob sila ng eskwelahan ng Amadeus, at hinihintay nalang ang pag-dating ni Maestro Mayan.

Pinanuod ni Intoy si Laura kahit malayo ang distansiya nito sa kanya, ayos na sa kanya na patanaw tanaw lang siya upang hindi siya makaramdam ng hiya kapag malapit na si Laura sa kanya.

Nambilog ang mata ni Intoy ng lapitan ni Laura ang nanahimik na si Torlax sa likuran. Nakita ni Intoy na tinataboy ni Torlax si Laura dahilan para mainis siya. Pero kahit gusto niyang lapitan si Laura palayo kay Torlax ay wala siyang ibang magawa kundi yumuko dahil wala naman siyang lakas ng loob upang samahan si Laura.

Sobrang tahimik lang nilang lahat. Kahit na sila Jek-Jek, Rosalinda, Amao at Daniel ay tahimik lang at hindi gumagawa ng inggay dahilan kaya medyo nanibago si Intoy sa kanila. Si Ramuel naman ay nasa likuran lang ni Intoy. Tahimik, nag-iisip. Tapos yung tatlong bata na mula sa bayan ng perla ay naka-upo sa harap katabi ni Makaryo samantalang si Teri naman ay naka-yuko lang sa gilid katabi ng kuya niya.

Ilang sandali pa ay pumasok na si Maestro Mayan, kasama si Abbie na may dala-dalang makapal na mga papel.

"Magandang Umaga sa inyong lahat, Ikinagagalak ko ang pag-abot niyo sa ikalawang pagsubok. Wag kayong mag-alala, dahil hindi labanan ang basehan sa pagkakataong ito. Sa halip. Pagkakaroon ng paninindigan at tiwala sa sarili ang masusukat sa pagsubok na ito"

Binigyan na ni Abbie ang mga manlalaro ng tig-iisang kapirasong papel at kapiraso ng lapis na gawa sa kawayan.

"Sa papel na yan malalaman kung kayo ba ay makakapasa para sa ikatlo at huling parte ng pag-subok" Wika ni Maestro Mayan na ikinagulat ng iba.

"Ano to? Magsu-sulit tayo?" Rinig na bulong ni Jek-Jek

"Pero walang nakalagay na kung ano dito sa papel. Blangko lang" sabi naman ni Daniel.

Pati din si Amao ay naguluhan kaya nag-taas na siya ng kamay upang malinawan "Ano po ba ang eksaktong gagawin namin, maestro?" Tanong nito.

"Simple lang... Isusulat niyo lang diyan sa papel kung sino sa tingin niyo ang magwawagi sa Odus battle Exam" Pagpapaliwanag nito. Napakunot naman ang nuo ng lahat.

"Ka-kahit sino po?" Tanong ni Laura. "Tama... kahit sino, upang makita natin kung papaano kayo gumawa ng desisyon na siguradong magbabago sa takbo ng buhay ninyo. Ang lagi niyo lang pakatatandaan. Magkaroon kayo ng tiwala sa inyong mga kakayahan, mag-isip ng mabuti, at paniwalaan ang inyong sarili. dahil iyon ang magdadala sa inyo sa pangarap na inyong hinahangad" Pagpapaliwanag ni Maestro Mayan.

"Maari na kayong magsimula" Wika nito.

Nag-isip mabuti si Intoy kung sino o kaninong pangalan ang ilalagay niya. Lahat naman ay hindi pa nagsusulat dahil nag-iisip sila ng mabuti kung ano ba o kanino bang pangalan ang ilalagay nila sa mga papel nila.

Si Teri naman ay halatang nababalisa dahil wala pa siyang ideya kung kaninong pangalan ang ilalagay niya. Tumitingin tingin siya sa kung saan at may iniisip na ideya kung papaano niya pipiliin ang pangalan ng isusulat niya.

"Kung sino man ang tumitig sa akin, mata sa mata. Ang pangalan niya mismo ang isusulat ko dito sa papel ko" Bulong ng isang boses sa utak ni Teri, tumango tango naman siya na akala mo ay may magandang ideya na narinig at kanya itong napaburan.

Ang Tagapagtangol : Ang batang santelmo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon