Lobo

974 38 0
                                    


Halos magdikit ang dalawang kilay ni Torlax dahil sa inis. Alam niya naman sa sarili niya na binibiro lang siya ni Lucas, pero ito yung uri ng biro na ayaw niyang mapakinggan.

"Lucas, huwag na nating sayangin ang oras ng bawat isa kaya kung pwede na, liliban na ak----" Hindi agad natapos ni Torlax ang sasabihin niya ng putulin iyon ni Lucas "Eh anong ibig sabihin nito?!" Agad niyang inilabas mula sa bulsa niya ang isang papel na nagpapatunay na papalitan na talaga si Torlax bilang apprentice ni Heneral Tunying. "Basahin mo kung gusto mo. Magpaka-sawa ka, dahil Simula sa paglabas natin dito. Ordinaryo ka nalang!"

Nagsilabasan ang mga ugat sa mukha ni Torlax dahil sa galit. "Hindi ko alam kung saan mo pinagkukuha ang mga bagay na yan, pero para sa'yo... Ako nalang ang magpapatikom sa bibig mong yan" Napangiti naman si Lucas dahil sa tuwa.

"anong nginingiti ngiti mo diyan lucas!?" Galit na sigaw ni Torlax, subalit isang malakas na pagtawa lang ang isinagot nito. "Yan! Yan mismo! Yan mismo ang dahilan kung bakit papalitan ka ni heneral tunying! Dahil hindi mo kayang kontrolin ang emosyon mo! Masiyado kang emosyunal! napaka-ikli ng timpi mo!" 

Sa totoo lang, gusto ng saktan ni Torlax si Lucas, subalit pinipigilan niya ang sarili niya para patunayan na nagkakamali ito, na mahaba ang pasensiya niya... na hindi siya nagpapakontrol dito. "Pikunin!" Sigaw nito--- sa sinabi ni Lucas, mabilis na sumugod si Torlax at sinipa ng napakalakas si Lucas na nagpalipad dito sa kakahuyan. Mukhang nainis na nga ito. 

hindi inasahan ni Lucas ang ginawa sa kanya ni Torlax, halos napasuka ito ng dugo dahil sa pagkabigla. "Sabi ko naman sa iyo e, ako magpapatikom diyan sa bibig mo e" sabi ni Torlax, tumawa naman si Lucas. "Sa ginawa mo sa akin ngayon, lalo mo pang binigyan ng dahilan si Heneral tunying para palitan ka" pinilit ni lucas tumayo, at gamit ang gamot na nakuha niya sa isang manlalaro, ininom niya iyon. "Salamat torlax, dahil nagising ang buong sistema ko sa ginawa mo" inunat unat pa ni lucas ang mga braso niya at sumipol sipol pa.  "Hindi ko papalagpasin ang kalapastangan na ginawa mo sa akin, kahit kaylan wala pang nakakadiring engkanto ang nagtangka na idikit ang palad nila sa akin. Kaya kabahan ka na" 

Napangiti naman si Torlax dahil sa inis, gustong gusto niya ng bugbugin ito dahil sa mayabang na pag-uugali nito, napakagaspang at hinding hindi pasok, sa pamantayan bilang maging apprentice ni Heneral Tunying. Kaya hindi naniniwala si Torlax na mapapalitan siya bilang apprentice lalong lalo na sa isang kagaya ni Lucas. 

"Para karing si Intoy e, masiyadong mapagmataas... pero wag kang mag-alala, dahil sandaling sandali na lang, mas mataas na ako sayo at----" pinutol ni Torlax ang pagsasalita nito at agad na binara "Lilipad ka talaga ng litiral kapag sinipa kita!" 

Pero, napatigil silang dalawa sa pagsasagutan ng makarinig sila ng kaluskos mula sa mataas na damo sa likuran. "Hay nako! Sino na naman yan! Baka, gusto niya ng mapanuod ang pagkatalo mo Torlax" sarkastikong sabi ni Lucas at madaling madali na talunin ito. 

Isang babaeng tiktik ang halatang takot na takot na lumabas mula sa matataas na damo. mukha siyang natatakot at natataranta. Kaya naman labis na nagtaka si Torlax sa reaksiyon nito. "Lumabas na kayo dito sa gubat ng kamatayan! May makakaharap pa kayong malalakas na nilalang! Ayokong wakasan ang buhay ko sa nakakatakot na lugar na ito! Kaya kung ako sa inyo tumakbo na kayo!" habang sinasabi yon ng babaeng tiktik ay halos walang sawa ang pagtulo ng luha niya mula sa mata niya. Halos hindi na nga rin niya masabi ng maayos ang nais niyang sabihin dahil sa pag-iyak. 

Habang tumatakbo pa siya palayo ay bahagyang nadadapa pa siya. "Hay nako, mga walang kwenta lang na nilalang na mga katulad mo ang hindi nakakatagal sa lugar na to no!" sigaw ni lucas ng makalayo na ang babaeng tiktik sa kanilang dalawa, muli niyang itinuon ang atensiyon niya kay Torlax at ipinalagatok ang mga daliri niya "Ako ang dahilan kung bakit dapat katakutan nila itong gubat ng kamatayan" Seryosong tugon nito. 

Naghari ang katahimikan sa kanilang dalawa hangang sa isang atungol ang pumutol dito. halos mapapitlag sila sa gulat "Ano? Imposible?!" Sabi ni Lucas sa sarili niya. Napalunok pa siya sa pagkabigla. "Paano nagkaroon ng lobo dito?!" sabi ni torlax sa sarili.

Matagal na kasing naglaho ang lahi ng mga lobo, at halos isang dekada na walang naririnig patungkol sa lahi nila, kaya talaga namang nakakagulat na makarinig ng atungol ng lobo dito sa Gubat ng kamatayan "Papaano kaya sila nakahanap ng lobo?" tanong ni Torlax sa sarili niya

Nanigas silang dalawa sa kinatatayuan nila ng makakita sila ng dambuhalang lobo na papalapit sa kanila, puno ng dugo ang mukha nito na halatang galing sa mga ibang manlalaro na nalapa niya. "Hehehe, Oh ano na Lucas? bakit hindi mo subukang magpakitang gilas ngayon?" sabi ni Torlax na ikinainis naman nito. "hehehe, akala ba nila, masisindak ako sa mga bagay na ganyan?! matagal ng wala ang mga lobo... at ito ang pagkakataon na tutuldukan ko ang kasaysayan ni---" hindi natuloy ni Lucas ang sasabihin niya ng umatungol ang lobo sa kanila. kasabay ng pag-atungol niya ang hampas ng malakas na hangin sa kanila, halos lumipad ang mahahabang buhok ni Torlax samantalang napaatras naman si Lucas dahil sa laas ng pwersa.

"Tatapusin kitang Lobo ka!" Sigaw ni Lucas. Dahan dahan siyang lumayo sa lobo upang dumistansiya. subalit agad na tumakbo papalapit ang lobo sa kanila 

Agad na naiwasan ng dalawa ang pagsugod ng lobo mula sa kanila subalit dahil napakabilis ng lobo, agad na binalikan nito ang pag-iwas nila Torlax at Lucas kaya natamaan nito ang dalawa. 

"Imposible, nagagawa niyang sabayan ang bilis ko" sabi ni Torlax na halatang gulat na gulat.

"Ang lakas ng loob mo na gawin sa akin to, simula kanina... walang engkanto ang nagpatumba sa akin.. maliban sa kanya" itinuro niya si Torlax "Kaya hindi ko papalampasin to!" agad niyang ipinalutang ang mga nasirang puno sa paligid nila at ibinato ito sa kinapwepwestuhan ng lobo. 

May isang puno na muntik ng tumama sa lobo subalit nahati lang ito sa gitna ng hatiin niya ito gamit ang matutulis niyang kuko. "Mukhang kaya mo naman diyan Lucas e, sige.. maiwan na kita" sabi ni Torlax na bumebwelo na aalis na. 

Hahakbang palang si Torlax ng mapansin niyang nasa likod niya na ang lobo. Nambilog ang mata niya sa pagkabigla. Hindi niya nakita ang pag-lipat ng lobo a? Mukhang mas mabilis pa ito sa kanya. Napalunok siya dahil sa kaba. "Ba-bakit ako kina-kabahan?" tanong niya sa sarili niya.

ramdam na ramdam na ni Torlax mula sa balikat niya ang mainit na hininga ng lobo. Ikinuyom niya ang kamao niya saka gumawa ng isang atake, ipinaikot niya ang katawan niya at sinubukang sipain ang lobo, pero halatang alam ng lobo na aatake si Torlax kaya naiwasan niya ito. 

"Natatakot ka ba? dahil ngayon ka lang nakakita ng Lobong katulad ko?" sabi ng lobo, lalo pang nakadagdag sa nakakatakot na awra nito ang gasgas at paos nitong boses. Napalingon si Torlax ng marinig niya na humahalakhak si Lucas.

"Mukhang ayaw ka rin niyang paalisin a?" 

"Mukha nga" 

Ang Tagapagtangol : Ang batang santelmo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon