Chapter 9: Christian Jam Tuazon

7 1 0
                                    



Jam/CJ POV

'Gotcha! Wag kang ma late baka ma-turn off si Ivan!'

Naggawa ko pa talagang mag-iwan ng note pagkatapos kong kunin ang baterya ng orasan ni Avy. Ginawa ko lahat yon bago pa siya magising.

Pero na guilty din ako. Iniwan ko siya doon. Ano kayang sasakyan non?

"Manong Percy, balik kayo agad ha!! Sunduin niyo po si Avy"

"Naku!! Sige po. Bakit niyo po kasi pinaiwanan."

"Mahal ko po kasi ang baby sis ko!!" Anong konek Jam?

Nang nakarating na kami, kinuha ko agad ang bag ko. Hindi ko pa nga nabubuksan ang pinto ng maayos umurong na ako palabas, ang resulta? Na umpog pa ako...

"Sir Jam, dahan-dahan lang po kakalinis ko lang ng sasakyan!!" Pabirong sabi ni manong.

"I love you too manong Percy!!" Napatawa na ng tuluyan si manong Percy. Hay naiimpluwensiyahan na siya ni Avy.

Narinig ko pa ngang binuksan ni manong ang audio player ng kotse at umalingaw-ngaw ang kanta ng mga baklang hinahangaan ng kapatid ko.

Nag-iinit ang ulo ko diyan sa pitong iyan eh. Lalo na ang J-ja, Ji. Jamin ba iyon?

Eh mas gwapo naman ako don!! Haha!!

Naglalakad na ako sa hall ng may tatlong babae pang nag-uusap sa gitna ng daan. Saan na ako dadaan?

"Miss, excuse me lang..." Aba, hindi ba naman ako pansinin?

"Mga miss may dadaan!!"

"I like that brand eh. Saan ba tayo makakabili niyan?"

"I know right. We better add it to our blog!! Iiii!!" Paimpit pang sigaw ng isa.

"Wait, pa-"

"MISS PADAAN SANA NOH!!"

Iritado nila akong nilingon. Ah-ah-ah!! Ako pa talaga ang dapat nilang kagalitan ha.

"What's your problem!? Can't you see the hall is big! You could walk there!!" Pagtuturo niya sa daan sa gilid nila.

Oo, may daan pa talaga sa gilid nila. Hehe!! Gusto ko lang talagang magpapansin. Pamilyar kasi siya sakin eh. Mukhang isa siya sa mga babaeng pina-ibig ko!! Hahahha!!

De joke, pamilyar siya kasi mukhang dinala siya ni Avy sa bahay dati... Jenny ba yon? Denie? Apat kasi silang laging magkasama, ngayon tatlo na lang. Anyare?

"Hey!! Your staring!!" Pasigaw niya uling sabi.

"Grabe naman miss!! Ako? Tititig? Sayo? Tsss... Pamilyar ka lang kasi. Kilala mo ba si Avy?" Natigilan naman siya sa tanong ko. Sabi ko na nga ba, pangit talaga ang pangalang Avy.

"You mean Anne Venice?" Mataray niyang tanong.

"Tuazon, yes she is. Kapatid ko."

"No, I don't know her." 0____0

"Miss!! Seryoso ka ba? Sinabi mo na ang pangalan niya!! Sinama mo pa ang second name, hindi mo parin kilala!?"

"Why do you care?"

"Because, CARING IS SHARING!!!" Pasigaw ko pa sa kaniya.

May ibinulong naman ang isang babaeng kasama niya sa kaniya.

"Diba sharing is caring yon? Anong konek?"

Napailing pa itong kausap ko. Bakit? Parehas din naman yon ah?

"Oy, bakit nga ba hindi na kayo magkakasama ngayon? Di hamak na mas magaganda naman sila Avy kaysa sa kanila..." Bored kong tanong.

Agad ko namang nakita ang pagpipigil niya ng tawa at ang mga offended na expresyon ng dalawang babae sa likod niya.

Ibinalik ko na rin ang tingin ko sa kaniya. Pwede ko kayang i-date tong ex-friend ni Avy... Hmmmm....

Nag smirk na siya sa akin na para bang nababasa niya ang iniisip ko. "May mga bagay lang talagang nagbabago, at mawawala sa buhay ng tao..."

Pagkatapos niyang sabihin iyon, agad nang umalis ito sa harap ko.

Teka!! Pangalan niya pala, saka number narin kung pwede!! Hehehe...

"Miss, pwede bang malaman pangalan mo!?"

Nakita niya ang pagtaas ng hinututuro nito, ngunit hindi parin ito tumitigil sa paglakad. Iginalaw niya ang daliri from side-to-side na ibig sabihin lang ay 'no'.

Dang, I like her...

Tsss... Girls this days....

---------

Speaking of girls, nandito ako ngayon sa canteen habang sinusuyo ang kapatid ko. You know... About the clock prank...

"Waaaahhh!! Avy!! Sorry na, expression of love lang iyon!!! Last na iyon baby sis!! Sorry naaaa!!"

"Hindi ko ginustong maging kabit!!" Bigla namang sumulpot itong si Gino.

"Mahal ko siyaaaaa~" pinatulan pa ni Louie.

Sinamaan namin sila ng tingin ni Avy. Kitang ginagalingan ko pa dito eh...

Isusumbong kasi ako ni Avy kay dad!! Maudlot pa ang chance kong mabilhan ng sasakyan. Deal pa naman namin ni dad yon, kailangan daw magpakabait!! Huhuhuh!! 😭😭

"Okay, forgiven kana!!" Masaya niyang sabi.

0o0

Ganon na yon? Hmmm, something smells fishy...

"Kumakain kasi ako ng galunggong hyung..." Sabi naman ni Troy na katabi ko lang pala kanina pa. Yon pala yong something fishy?

"Lumayo-layo ka sakin ah!! Nag-aamoy galunggong ako, may date pa ako mamaya!! CLARK DITO KA!!" Pinalayas ko na nga si Troy kaya si Clark na ang tabi sakin. At least siya amoy baby!! Hmmm!! Yum!!

"Salamat baby sis!! Ah lab yah!!" Sinabayan ko pa iyon ng flying kiss ha!!

"Hay ang magkakapatid talaga, mag-aaway at mag-aaway iyan. Pero sa bandang huli nandyan parin nananatili ang pagmamahalan..." -Jazer

0____0

Katahimikan po~

"Amen." sambit ni Troy.

"Alleluia to the world~" -Clark

"Peace bradah..." -Troy

"Love!! Spread the love!! My hearteu~" -Louie

"Tsk, tsk,tsk" napailing na lamang si Ivan.

Teka asana si Avy?

Nilibot ko ng tingin ang paligid at nakitang wala ng ibang tao!! Kami na lang palang pito ang natitira!!

"Shocks!!! Late na tayo!!" Pag sigaw ko.

"Ha!? Anong oras na?"

Tiningnan naming lahat ng orasan.

1:35 PM

Karma nga naman... When karma strikes it'll hit you hard....

For You [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon