Chapter 12: Louisito Mendez

9 1 0
                                    



Hindi na talaga ako sisikatan ng araw huhuhuh!! Sinasabi na ng tingin ni Avy kanina ang mga mangyayari sa akin pag nag krus pa ang landas namin. But no, hindi ko hahayaang mawalan ng hope ang buhay ko. Hindi ko hahayaang magkita kami.

Pero huhuhuh!! Nasa akin ang isang piraso ng sapatos niya. Kailangan ko tong isauli, nakakaawa naman siya, mapagkamalan pa siyang pulube, hindi naman nalalayo ang mukha niya sa isa eh. Huhuh, nakikita ko na ang mga gagawin niya sakin.

Time na ba para magnilay ako kung anong ginawa ko sa buhay ko? Was it worth it? Did I live it to the fullest!? Huhuh!!

Hindi eh! Kailangan ko talaga isaule ang sapatos. Kasi honestly, bumabaho na ang bag ko eh. You know, magreregalo talaga ako ng foot spray sa babaeng iyon. Kababaeng tao, amoy paa ng basketball player na galing sa dalawang linggong practice ang sapatos ni Avy!! Ka-TURN OFF!! Hahaha...

Okay lang bespren ko iyon eh... Pano ba to?

"Umurong ka nga Louie..." Aha!! *cue the lightbulb* just who I need. Pambawi narin kay Avy!!

"IVAN!!"

"Yeah, that's my name."

"Huhuh! Pabigay naman kay Avy nito oh!!" Pag-aabot ko ng sapatos ni Avy.

"Why don't you do it yourself?" Bored niyang tanong.

Pumadyak-padyak pa ako para i-emphasis na life and death situation ang nakasalalay dito. "Iiiiii~ ikaw na~ dali na~"

"Lumayo-layo ka nga!! Bakla ka ba!?" Umurong talaga ako agad noh!! Kung nakita niyo lang parang diring-diri talaga siya at malamang suntok pa ang abutin ko. Kaya no, huwag na lang.

Saka, tuturuan pa daw ako ni Gino magpa-facial mamaya eh... Hihihi, alam niyo na, para sa gandang hindi niyo inakala.

"Ivan, lalake to noh..." Hinampas ko pa dibdib ko para intense... "Gusto mo nga halikan pa kita diyan eh!"

"The heck!? Akin na nga yang sapatos!! Huwag ka nang magpakita sakin ah!! Masunga-ngal pa kita...." Hinablot naman niya agad ang sapatos. Ingay na ingat pa nga siyang di ako mahawakan.

"Grabe siya..." Pabulong kong sabi. Pinanood kong naglakad si Ivan palayo... Huhuhuh!! Sana naman Avy nakabawi na ako niyan!! Double delivery na iyan ha...

"Hay sa WAKAS!!" Ini-stretch ko pa ang dalawang kamay ko. Arms wide open para INTENSE!! Pero hindi ko naman inaasahan ang mangyayari.

"ARAY NAMAN!!" Lagot!! Nakasapak pa ako ng babae!!

"Naku miss!! Sorry, masakit ba?"

"Sapakin kaya kita para malaman mo!?" Ay ang taray... Nag so-sorry na nga...

"Miss naman, hindi ko sinasadya... Sorry talaga!" Tutulungan ko pa sana siyang tumayo pero binalewala lang niya ang kamay ko.

"Tingin mo di ko kayang tumayo!?"

"Sabi ko nga kaya mo eh..."

"Mina-mock mo ba ako!?"

"Sinasabi ko lang, na kaya mo tumayo!! Highblood mo naman!!"

"Sinisigawan mo ko!?"

"Hinde ah!! Exclamation point lang para INTENSE!!" Aba inirapan pa ako. Kaimbyernang babae to ah.

"Bakit ba ang init ng ulo mo miss?"

"Bukod sa nasapak mo ko?"

"Ah, eh, oo?"

"Aba, bakit ko sasabihin? Kilala ba kita!? Close tayo!? MAPAGKAKATIWALAAN BA KITA!? SINO KA BA!!" Ang sama naman ng babaeng to. Pinagtitinginan na nga kami eh. Loko to ah.

"Grabe naman!! PWEDE MO NAMANG SABIHIN KUNG AYAW MONG IPAALAM PROBLEMA MO!! MAY DALAW KA BA!?"

At ayun!! Naglaban na kami ng pasamaan ng tingin. Parehas na ngang singkit ang mga mata namin eh. Hindi ako papatinag!!

Mukhang dumating na ang mga kaibigan niya. "Clara? May problema ba? Sino yan?"

"Hoy! Louie, anong ginagawa niyo? Sino ba iyan?" Sa pagkakarinig ko si Jazer iyon...

"Ano bang trip niyo?" Sabay nilang tanong sa amin.

"WALA NA KAYO DON!! Hmp!!" For the last time ay nagbatuhan pa kami ng last second glare at tumalikod na isa't-isa, papunta sa iba't-ibang direksyon.

I don't like her, and never will!! Ayoko na siyang makita pa!! Hmp!!

Teka Clara daw pangalan niya? Hmmm...

For You [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon