Chapter 17: Dump Treat

3 0 0
                                    

"Ako ba talaga ang gusto mong i-treat?" Pagtatanong ko sa kaniya, habang siya naman ay kumakain na ng kaniyang panglabing-limang isaw.

Kumain na kami sa isang karinderya kanina. At naka tatlong order pa siya ng kanin! Ang ganda dito dahil timing at nagkaroon ng isang malaking food fest sa baybayin ng Pearl Bay. Dito kami napadpad matapos naming i-trade ang mga bote at bakal sa junk shop.

"Aba! Nagtanong kaya ako kung gusto mo pa, eh ayaw mo naman ang sabi mo. Edi ako ang kakain!"

"Ako naman kasi ang dahilan kung bakit may panggastos ka eh no!?"

"Ah, ikaw ba? Hehehe... Wala naman akong sinasabing ako diba?"

Inirapan ko na lang siya at nagpatuloy sa pagtusok-tusok ng tempura na hawak ko o kung tempura pa ba to...

"Hoy!! Ano ba! Tempura natin iyang binili, mukha ng giniling dahil sa ginagawa mo!!"

"PAKI MO BA!? PAGKAIN KO NAMAN TO!"

"PAGKAIN MO NGA! DI MO NAMAN KINAKAIN!!" Sa pangalawang pagkakataon ay napairap nanaman ako.

"Hindi ka ba napapagod kaka-irap sakin? Mamaya, mahanginan ka, manatili sa likod yang pupil ng mata mo..."

"Ikaw... Ang pakialamero mo!"

"Alam mo bang nakakapanget ang pang-iirap?"

"What!? Discovery mo ba yan? Ikaw lang ata nakakaalam?" Panga-alaska ko sa kaniya. Iirapan ko pa sana siya uli, but I change my mind.

Baka pumanget ako eh... Shut up na lang kayo ha?

Tumayo na lang ako para sana itapon yong giniling na tempura... SANA.

"Wait!! I volunteer as a tribute!! Kakainin ko yang tempura mo!"

"O, saksak mo sa baga mo."

"Ayoko nga!! Isasaksak ko na lang sa tiyan ko!!"

*katahimikan*

.....
..........
Tempura:...... \(T_T)/
Mga tao:............ <(-_-)>
Ako....................... (--,)/

Si Troy: v( ^-^)v

"Hahahaha!!" Malakas na pagtawa naming dalawa... Hindi dahil nakakatawa kundi dahil ang CORNY!!!

Relate ba kayo?

"Wahaha!! Ang corny mo! Nakakasuka!" Bulalas ko.

Dahan-dahan ng humupa ang mga tawa namin, at napalitan naman ito ng awkwardness....

"Ha-uhm... Uhh-"

"Ha-halika!! Bili ulit tayo ng tempura!!!" Pasigaw ko pang sabi, sabay tayo at takbo papuntang isang stall ng tempura.

------------------------------------------------------------

Very Short, coz very busy!!! Mianhe!!!

For You [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon