Chapter 16: One of a Kind Day

2 0 0
                                    

"Troy!! San ba tayo pupunta!?" Nakalabas narin kami ng campus hindi parin niya ako pinapansin. Greet siya ng greet ng mga kakilala niya tapos maguusap. And throughout all wala siyang imik sa akin.

"Ano ba!! Lakad tayo ng lakad wala tayong nararating!! Nagsisisi akong sumama sa-"

"Nandito na tayo!!" Ngayon ang saya-saya nanaman niya.

May sasabihin pa sana ako ng nakaamoy ako ng hindi kaaya-ayang amoy. Tiningnan ko kung saan kami nakarating. Nakapikit ba akong naglakad!? Bakit di ko napansin kung nasan na kami!?

"DUMP SITE!? Bakit nasa dump site tayo Troy!!?? Papatayin mo ba ako sa baho??"

"Tsk tsk tsk... Mamumulot tayo ng bote, at bakal Avy.."

"Bakit naman!? Naghihirap na ba kayo!? Adik ka ba!?"

"Tsk tsk tsk... Hindi porket anak mayaman ka, hindi ka na dapat matutong mamulot ng basura.."

"Anong konek!? Pwede naman sa school na lang, may mga basura din naman doon ah!?"

Biglang namula ang mga pisngi ni Troy. "Wala kasi akong dalang pera..." Nahihiyang niyang sabi...

"Oh tapos?"

"Gusto sana kitang i-treat, kaya yung kukunin nating bote at bakal, ibebenta natin..." Ngayon ay namumula na talaga siya sa hiya. Hahaha!! Ang cute!!

Hindi ko na napigilan at napatawa na ako sa kaniya. Tiningnan niya ako ng naguguluhan at nahihiya. Woah!!! Nakakatuwa talaga siya, NGAYON!

"Ano kaba!! Sige na libre ko."

Umiling naman siya na parang batang ayaw maligo. "No, your the girl. You should be the one being treated not me..."

Napataas naman ang kilay ko in a teasing way. "Really..."

"Then let's do this!!" Pagsigaw  ko sabay fist bump sa hangin.

Nagsimula na kami 2 hours ago and let me tell you this... Halos 2 beses ng nahilo si Troy sa sobrang baho!! Ako pa talaga ang hinamon niya ng paramihan ng makuhang bote!!

Ang kinalabasan? Ako na lang ang namumulot ng bote at bakal ngayon. Si Troy? Bumalik sa entrance ng dump site at nagpapahangin.

Feeling ko tama na ata ito.Tatlong sako ng bote at bakal, maraming pera nato. Papaalis na sana ako, pero hindi ko naman mabitbit ang lahat ng sako. Lumingon-lingon pa ako sa paligid baka bumalik na si Troy. Pero no, nada, wala, wiz.

Hindi ko talaga pwedeng iwan to. Kanina ko pa kasi napapansin iyong tatlong binatang masasama ang tingin sa akin. Kanina pa ako pinagmamasadan. Nakakatakot kasi hindi ko na sila makita ngayon. Troy, balikan mo na ako....

Dito sa dump site...

Napagpasiyahan ko na lang na hilahin lahat kahit wala naman akong nararating. Nasa puwesto parin ako kung nasaan ako kanina.

"Walangyang Troy na yan... Pagkatapos akong dalhin dito, iiwan naman pala ako... Binudol-budol ata ako non ah."

"Ate kailangan mo ba ng tulong?" Nakita ko sa gilid ko ang tatlong lalakeng iyon kanina.

"Ah okay lang, huwag na..."

"Sige na ate ang ganda mo panaman." Nag-insist pa iyong isang maraming earings sa tenga. Katakot! Ito naba iyon? Is this the end of me!!!??

"PLEASE KUNIN NIYO NA ITONG MGA BOTE AT BAKAL!! HUWAG NIYO LANG AKONG SAKTAN!!"

Bigla naman silang nagulat sa sinabi ko. Then they're faces turned into sad expressions. Nagtaka naman ako sa reaksyon nila. Nagkamali ba ako?

"Ah, e-eh sorry po a-ate... Sige po!! Aalis na po kami..." Na-guilty naman ako sa sinabi niya. Hinusgahan ko sila agad base sa panlabas na anyo.. Hindi ako naka-imik dahil doon.

"Rence! Vince!! Jay!!" Pagsigaw ng pamilyar na boses sa likod ko.

Lumingon ako at nakitang papalapit si Troy sa lugar ko ngayon at tinitingnan ang mga lalake sa harap ko kanina. Napalingon rin ang mga binata at bumalik ang sigla sa mukha nila.

"Kuya Troy!!" Tumakbo agad sila papunta sa direksyon ni Troy. Magkakakilala pala sila? Madalas ba si Troy dito?

"Kamusta!? Naku! Guma-gwapo ata kayo ngayon ah!!" Sabi ni Troy.

"Naku naman, kuya Troy!! Kailan ba hindi!?" Pabirong sabi naman ni Rence ata.

"Natural na ata to samin eh... Minsan mas nakakaptoblema to kaysa sa paghahanap ng pagkain!!" Sabay-sabay naman silang lahat na tumawa.

Mas nahiya pa ako sa inasta ko kanina. Akala ko kasi talaga...

"Oh Avy? Halika dito!! Ipapakilala kita sa mga tropa pips ko dito!!" Masayang pagtawag ni Troy.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Magmumukhang tanga naman ako pag bigla akong tumakbo, kaya nahihiya akong lumakad palapit sa kanila.

"Guys, u-uhm... Ka-kaibigan ko si Avy... Ate Avy niyo...." Bigla naman silang napatingin ng kakaiba kay Troy at nakangiting bumaling sakin.

-------------------------

Ilang minuto na rin matapos kong makilala sila Vince, Rence at Jay. Kambal pala si Vince at Rence. 14 years old pa, tapos bunsong kapatid naman nila si Jay, 10 years old.

"I'm sorry."

"Huh?"

"Hinusgahan ko sila agad. I'm so shallow!!" Galit kong pagsisi sa sarili, hinampas-hampas ko pa nga ang noo ko.

Nang hahampasin ko pa ulit ang noo ko agad niyang hinawakan ang kamay ko at ibinaba ito.

"Okay lang iyon, isa pa. Hindi ka dapat sa akin nagso-sorry...." Again, tama nanaman siya.

"Ugh!! Ang tanga ko talaga!! Babalik muna ako do-" tatalikod na sana ako pabalik sa direksyon na pinanggalingan namin kanina. Pero nakalimutan kong nakahawak parin pala ang kamay niya sa akin kaya napabalik ako sa kinatatayuan ko kanina.

Kainis ka Troy!! Walk out na iyon eh!! (v^-^v)

"Bumalik ka na lang next time. May treat pa ako eh!!" Parang bata talaga to si Troy pag nangungumbinsi.

"O sige!! Sige!! ANO BA, TUMIGIL KA NGA! Ano ba-hahahahaha!!" Grabe talaga to si Troy. Sabing sige na, paawa-awa pa, ayun. Hindi niya napansin na may nagse-semento pala sa dinadaanan niya, natapakan niya ang napakabagong lagay lang na semento.

"Ano ka ba namang bata ka!! Nagpapakapagod kami dito oh!!" Pangaral sa kaniya ng leader ata ng team nila. Umiiling-iling naman ang mga kasama niya at natatawa na lang ang iba.

"Mga kabataan nga naman, dito pa talaga sa daan nagliligawan!! Dapat eh sa harap kayo ng mga magulang niyo, dun sa bahay ng babae!!"

Agad na nagpantig ang tenga ko sa sinabi ni manong. Nagliligawan!? Kami ni Troy?
"Manong hin-"

"O siya, siya. Tulungan nalang natin tong binatang to..." Napakamot na lang sa batok itong si Troy, habang tulong-tulong siyang binuhat ng mga nagta-trabaho.

Hindi ko na tuloy alam kung gusto kong matawa, maawa, mahiya o mainis sa mga pangyayari. One thing is for sure... This is one of a kind day!

For You [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon