Chapter 11: Avy Problems

7 1 0
                                    

United Talents Club

Tinititigan ko lang ang maliit na vertical line sa screen, naghihintay na may i-type pa akong inpormsayon. Mabuti pa siya marunong maghintay... Arrrruuuu!! San ko naman nakuha iyon?

Pero seryoso ilang minuto na ako dito. Wala parin akong naiisip na ilagay... Alam niyo iyong scenario na, alam mo ang gusto mo, may plano ka, pero when it comes down to explaining it to someone na, wala ______ blangko. And that's what I'm experiencing now...

Tanging title pa lang talaga ang nagagawa ko. Nagpapalit-palit ako ng font style, size, color, pero wala parin akong maisip na ipang simula. Nakakulong na nga ako dito sa kwarto ko the whole day. Himala rin nga na humingi ako ng tulong kay kuya, but what do you expect, he doesn't know anything about it. For all I know, nagmamadali yon kasi may date.

Uuuuuggh!!! I give up!!

"Mamaaaaa~"

Naghintay pa ako ng ilang minuto bago dumating si mama sa kwarto. Don't get me wrong ha, hindi ako demanding o spoiled brat. Trust me, sanay na sila sakin. And I also have my limits.

Kalmado namang dumating si mama sa kwarto. See!? Sanay na si mama...

"Avy? Gumagawa ako ng brownies sa baba. May problema ba?"

"BROWNIES!? Talaga!? Halika mom-"

"We're not going down until you tell me what's wrong..."

Napabuntong-hininga nanaman ako at tamad na umupo pabalik sa upuan.

"Mom, hindi ko alam kung pano sisimulan ang presentation. You knew about it diba? I can't start even a single sentence..."

"Why don't you start with how you came upon the idea of making it, your goals, what will happen. Trust me, pag nasimulan mo na iyan, ideas would come flowing like a river in your head"

"Aaaaahh!! Thanks ma!! Sana nagmana nalang ako sayo..." Pa sweet kong sabi.

"Huh? Sinasabi mo bang bobo ang tatay mo?"

"Hala!! Ikaw nag sabi niyan mom ha!! Mas nabiyayaan ka lang eh!!" Tinaas-taas ko pa kilay ko para believable pero mukhang baliktad ang nangyari. Nagtawanan na lang kami. Hay, moments like this are worth repeating again.

"O siya gawin mo na iyan, I'll bring the brownies pag luto na..."

"Be it 60-40 ha?" That's my share with the brownies between us, kuya. Sakin 60 and the latter his. Kinindatan lang ako ni mom kaya napangisi pa ako. Great!!








Alam niyo yong pakiramdam na this is not your day!! Hindi ako nakapag-aral kagabi dahil sa presentation ko, eh nakalimutan kong may long quiz kami ngayon!! Ang resulta? Isa ako sa mga bottom 5 na nakakuha ng maliit na score, pinatayo pa nga kami. Galit na galit si Mrs. Cordoval dahil ilang weeks na namin iyong nire-review. huhuhhuh!! I was standing the whole class time.


Naiwan pa ako kasama ang apat pang bumagsak para magsulat sa one whole, hindi paper kundi YELLOW PAD!! ng 'I promise I will study hard from now on'. Akalain niyo iyon? uso pa pala ang ganyang punishment ngayon...


Shock pa ang lola niyo, fast writers ang iba at ako na lang ang naiwan!! huhuhuh!! Wala pa akong lunch. Nakalimutan ko pa naman sabihan si Elisse na bilhan ako...


Nabigla ako nang may naglagay ng pack lunch sa table ko, pa-bonus pang water at juice.


"Waah! Elisse tha-" Oh! Si Troy pala...


For You [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon