Chapter 6: Troy Montefalco

13 1 0
                                    


Chapter 6
Troy Montefalco

"United Talents Club?"

"Ahhh!! Jinjja!!" Gulat na gulat naman ako sa nagsalita, kaya nilingon ko ang pinagmulan ng boses.

"Sino ka ba- TROY!?"

Anong ginagawa niya dito?

"AVY!?" Ginaya niya pa talaga ang boses ko ha, nagtunog dolphin parin naman siya.

Tiningnan ko talaga siya ng popular kong masamang tingin. Alam na alam talaga ng mga tao sa paligid ko ang ibig sabihin nito. It's a "back off you ugly creature glare".

Ginagawa ko iyan sa mga annoying na tao especially sa mga bashers ng 7 boys ko.

"Napadpad ka dito?" Hindi naman ako sinagot ng kapreng ito at ginawaran lang ako ng 'rectangular, labas lahat, shiny teeth niya'. Yan po ang tawag ko sa ngiting iyan.

Reminds me so much of my baby V... *sigh* *fangirl daydreaming mode*

"Wala, may inaabangan ako..." Sagot niya habang tumitingin-tingin sa paligid. Kriminal ba to?

"Huh? May ka-date ka?"

"Hindi!! Ano ka ba..." Lumapit pa siya sakin ng kaunti parang may ibubulong ata, "may tatambakan ako dito..." Sumignal pa siya ng 'ssshh' sign sakin.

Tatambakan? Sa mall? Dito pa talaga sa Toy Kingom?

Pak!!

Ayun binatukan ko. "Adik ka ba!? Tatambakan sa mall!? TOY KINGDOM PA TALAGA!!?"

Ang walangya ang lakas pa talaga ng tawa!?

Sige tawa pa, iwanan kita jan eh.

"Oy!! San ka pupunta!?"

"Bigyan ko lang kayo ng space niyang tatambakan mo!!" Sarkastiko kong sabi. Sa lahat ng pwedeng makita siya pa talaga? Di ba pwedeng si V na lang, si Jimin.... Siya talaga!?

O kahit sino na lang sa 7? Kahit manager nila pwede na!!

Nagpatuloy ako sa paglalakad nang may kamay na biglang humila sakin pabalik. Si Troy.

Hinila niya ako kaya sa dibdib niya ang bagsak ng mukha ko, ang saklap mga kaibigan!! Pero ang bangoo~

"Please don't leave" aba, nagseseryoso na siya ngayon. Talagang naka poker ang fezlak!!

Nawala naman ang irita sa mukha ko at napalitan ng pagkabigla. Trip nito?

Bigla namang lumipat ang tingin niya sa noo ko, tapos sa ilong ko, tapos sa buhok ko... Up-down sequence mga prends!!

At ngayon naman lumipat na ang tingin niya sa mga kissable, plump lips ko!! Di joke lang, dry po talaga lips ko, pero kissable parin no!! Back to the topic...

Kinabahan naman ako, kaya agad akong tumikhim para mabaling sa iba ang atensyon niya.

Nakakatakot man pero bigla nanaman siyang ngumisi at nanguna pa sa paglakad kung saan man siya patungo. Hila-hila ako. Napaka-weirdo...

"Oy! Oy! Oy! Bakit mo ba ako hinihila!! Mag-isa kang pumunta dito, mag-isa ka ring aalis!! Ibig sabihin hindi ako KASAMA!!" Pagpupumiglas ko.

"Iiii~"aba!! Nag-iinarte pa!! Alam niyo iyong spoiled brat na batang pumapadyak-padyak pa? Nakakadiring tingnan ang isang to.

Pasintabi po sa mga nagbabasa...

For You [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon