Chapter 18: Saved by...

3 0 0
                                    



Chapter 18:
Saved by...

"Get a one half lengthwise!! We will have a short quiz!!" Galit na pasigaw ni Mr. Dominguez sa aming lahat.

"Short quiz!? Lengthwise!?"

"May papel ka ba diyan?"

"Basta alam mo na ha. Pag A, padyak ng isang beses, pag B-"

"Number 1!!" Muling pagsigaw ni Mr. Dominguez.

Class namin ngayon sa Computer. Nagfe-feeling major nanaman, hindi ko alam kung ang subject ba talaga ang nagfe-feeling major o si Mr. Dominguez.

"Number 2!!"

Akalain niyo bang ipinare-enact niya samin ang history ng computer, at kung paano ito nag-evolve!! Pinaggawa pa kami ng isang model ng system unit, na ang kinalabasan ay reklamo mula sa mga parents!!

"Number 37!"

Hay, sana early dismissal ngayon...

Kinalabit ko si Carlos, seatmate ko sa com lab.
"Anong number na ba tayo?" Pagtatanong ko.

"Huh? Number 50.."

"Ah okay, salamat..." Ngumiti ako sa kaniya saka ibinaling sa papel ko ang paningin.

BLANGKO!?

"Okay!! Exchange your papers!!" Pasigaw na sabi ni sir. Bakit blangko papel ko? Hindi ba ako nakasagot?

Malamang...

Bakit ba laging nakasigaw si sir?

Huhuhuh!! Wala akong naisagot, nag zone-out nanaman ako...

"Lahat ng nakakuha ng score na 10 below sa short quiz nating 50 items.... STANNAP!!" Agad naman kaming napatayo ng ilan pang mga estudyanteng nakakuha rin ng below 10. Heto na...

"May natutunan ba kayo sa klase ko!?" galit na tanong ni Mr. Dominguez.

"W-wala po..."

"Meron naman pa- ANO!? Bakit wala? INIINSULTO NIYO BA AKO!!!??" Napatungo kaming lahat sa pasigaw na sermon ni Mr. Dominguez.

"Stannap for the rest of the time, and sanctions after class!!" Heto nanaman tayo. I wish kasing genius ko na lang si Rapmon ko~ T_T...

"Ms. TUAZON!!!" galit na pagtawag sa akin ni Mr. Dominguez.

"S-sir?"

"I heard so much about you from Mrs. Cordoval... I think I already know what she means..."

T_T

"Just like her brother..." Alam kong pinariringgan na ako ng teacher na ito, ganyan sila lagi. Ikinukumpara ako kay kuya kapag nagkakamali.

Ang kuya CJ ko, kahit hindi halata sa itsura, matalino yon. Hindi lang talaga nagagamit ang utak, tsk tsk... Katulad ko madalas din siyang nakatayo sa klase, hindi para mag-recite (asa!!), hindi rin dahil wala siyang maisagot tulad ko... ang ingay niya lang talaga minsan kaya naiirita ang mga teachers sa kaniya. Minsan nakaka-inis na rin na lagi akong ikinukumpara sa kuya ko.

"Pero mas better naman ang kuya mo eh, dahil siya may naisasagot naman!! Matalinong bata sana kung di lang chickboy at pasaway!!" Nagtawanan ng konti ang klase dahil sa parteng 'chickboy'.

Itinungo ko na lang ang ulo ko sa pagkapahiya at pagkainis... Gusto kong umiyak, mainis, at tumawa sa maraming dahilan. Itinuon ko ang paningin ko sa bintana ng silid at nakita si Troy duon. ugggghh!!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 09, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

For You [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon