Chapter 1: Happi Pamily

18 2 0
                                    


Chapter1
Happi Pamily

"Aaaaahhh!! Oppa Saranghaeeee!!!" Hindi talaga ako makapaniwalang nakapunta na ako sa concert nilaaaa!!!

"Armys!! Saranghae!!!" Sigaw naman ng hope ng lahat, si Jhope!! At kanya-kanya pa talaga sila ng form ng hearts para sa aming armys, kyaaaaaahh!!!

"Bangtan Sonyeondan SARANGHAAAEEE!!! Aaaaaahhh!!!" Sigaw naming tatlo ng mga baliw kong bestfriends. Wala rin namang sumusuway sa amin dahil lahat talaga ng nasa loob ng araneta ay sumisigaw na talaga bilang support sa Bangtan at sa mga bias nila. Basta ako.... This is my chance...

"Kyaaaaahh!!! V oppa!! SARANGHAAAAAEEE!!!" Laking gulat ko ng lumingon talaga si V sa akin!! Hindi lang yon!! Lumingon pa siya at kumindat, sabay flying kiss!! Waaaaahhh!!!

Mas ikinagulat ko pa ng naglahad pa siya ng kamay sa akin at hinila ako pataas sa stage!!! Waaaahh!! Mainggit kayyooooo!! Bwahahahaha!!!

Grabe na talaga ang pag-ulan ng swerte ko!! Ultimate to the highest level na!!

Akalain mo bang lumapit silang lahat sa akin at isa-isa nila akong niyakap!! Hinalikan pa ako ni Jimin!! Ang aking bias wreckeeeeeerr!!!

Mukhang nagselos ata ang mahal kong si V at hinila ako palayo sa kanila.

Mas lalo pang nagwala ang lahat sa pangyayari!! May nakita pa nga akong pumasok na medic!! Haha!

Bigla pa siyang lumapit sa akin na parang may ibubulong. Kilig na kilig din akong lumapit sa baby V my labs so sweet ko!!! Aba!! First time ko atang may itatagong secret mula kay V.

Mas nagsigawan pa ang armys ng nakita nila ang paglapit ni V sa tainga ko!! Bwahahaha!!

Ibinuka na niya ang bibig niya na parang may sasabihin...
.
.
.
.
.
"Gumising ka na..."

Krrrrriiiing!!! Krrrriiiiing!!!

"Waaaaaahh!!" Agad naman akong napabalikwas ng tayo dahil sa alarm clock ko.

Akala ko naman may sunog na sa araneta dahil  sa tunog na yon. Sandali....

Nasa concert ako kanina, sa Araneta pa....

Nakita ako ni V sa milyon-milyong fans niya, hinila pa ako papuntang stage...

Sinabi niyang.... Gumising na ako...

Tapos may nag-alarm...

So...

So, ibig sabihin...

"NAKATULOG AKO SA CONCERT NILA KAYA NAPANSIN NIYA AKO TAPOS BUMULONG SIYA SA AKIN NA GUMISING NA DAHIL NASUSUNOG ANG ARANETA!!!??? NAIWAN SILA DOON!!!??" Nawindang naman ako sa pagkakatagpi-tagpi ko ng mga pangyayari... Naku!! Kamusta naman sila!? Nakalabas kaya sila ng ligtas!?

Poink!!

"Aray naman!!!" Nabigla naman ako ng binatukan ako ng pinakamamahal kong kuya, si CJ!! Ipinanganak ata tong saktan ako at batukan!! Hustisya naman mga bes!!

"Hahaha!! Ang ibig sabihin lang non little sis, NANANAGINIP KA!!" At iyon na nga po mga bes, sinira na ni kuya ang buhay ko...

NANANAGINIP KA!!

Nananaginip ka!!

"NANANAGINIP AKO!? Kuya naman!!! Panira ka eh!! Nandun naaaa!!"

At ang walangya kong kuya, humagalpak pa sa tawa dahil sa pagsira niya sa buhay fangirl ko...

For You [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon