Chapter 10: When Pressure Presses you Hard

10 0 0
                                    

"Calling all the presidents or leaders of every clubs... Please proceed to the dean's office at 3 PM"

"What!?" Napatayo ako sa announcement na narinig. Oh my, tungkol ba ito sa presentation namin? Next week pa iyon ah!? Hindi pa ako prepared!! Huhuhuh!!! Title pa lang ang nagagawa ko...

"Ang sabi niya, 'Calling all the presidents or lea- aray!!"

Walangya, heto nanaman si Louisito!! Hindi ko pa siya napapatawad ah!! Feeling close na to dito... "Narinig ko! Hmp!"

Napapout naman siya sa sinabi ko. Pwe! Ikinapangit lang niya iyon... Hindi na kami pwends... Narinig ko pa siyang bumulong ng "Sabi mo what eh, huhuhh..."

"Hoy Louisito!! Hindi pa tayo prends ah!! Kaya ayaw kitang makita, maramdaman kahit na maamoy!!"

"Grabe naman!! Ano bang mali sa sinabi kong gusto mo si Iva- ARAY NANAMAN!!"

Hindi talaga nagtatanda to. "Dahil diyan ayoko ring makitang humihinga ka pa!!" Tumayo na ako at nagsimula nang mag grand exit kailangan kong maghanda para mamaya.
Narinig ko pa nga siyang nagreklamo pero wiz na akong pake, bad mood na ako...

Ah!! Just who I'm searching!! "Elisse!! Help me~"

"O? Bakit?"

"Nasimulan mo na ba ang project ng club niyo!? Narinig mo naman ang announcement diba? Wala pa akong nasisimulan title pa lang!!!"

"Okay lang naman, ako nga kumakalahati pa lang... Atsaka hindi naman siguro presentation ang mangyayari... Next week pa ang napag-usapan."


Bumuntong-hininga na lang ako at tumango. Mabuti pa to si Elisse dalagang pilipina talaga, iyong kalmado lang. Ako kasi parang laging may deadline, laging praning ganon! Hay, how to be you po?

"Gusto mo tulungan kita?" Bigla namang may husky voice na bumulong sa kanang tenga ko. At base sa modus niyang magpapansin alam ko na kung sino...

"Troy!! Quit whispering things on my ear!! Nakakarinig ako kahit malayo ka!!"

"Mas intimate pag ganito..." Husky yet manly ang boses niya, and honestly nakakapanglambot!!! But no, I'm avoiding earthly temptations na kaya... Matatag to...

"Avy...." Hanggang ngayon bumubulong parin siya. I take back what I just said, aaaahhh!! Pumikit pa talaga ako para bumalik sa huwisyo at nang binuksan ko na ang mata ko blessing talaga ang bumungad sakin!!

I see Ivan in front of his locker!! Aaaaahhh!! Wearing his usual dark clothes, with his earphones listening to some music!! Bored face on. This. Is. Perfection. Well for me...

Nararamdaman ko na nga ang pag-init ng pisngi ko, at mukha na nga akong strawberry dito. Hay, I wish I could always stare at him like this.... Nang isinarado na ni Ivan ang locker niya ay bigla naman akong nabigla, mas namula pa nga ako dahil lumingon siya sa banda ko. Agad naman akong tumalikod.

"Alam mo Troy a-" nasaan na si Troy? Nakakahiya magpapanggap sana akong kausap ko siya para di halata... Nasa likod ko lang iyon ah?


"Umalis na friend, distracted ka kasi..."

"Huh? What do you mean?" Kahit alam ko naman talaga kung bakit ako distracted eh ano naman ngayon? Bakit naman siya magwa-walk out... Hindi ako insensitive ah, mahirap lang talaga intindihin ang nilalang na iyon na mukhang hindi taga earth!! Sobrang attractive- oh, sobrang weird...

Don't mind the first statement.

Nagkibit-balikat lang si Elisse sabay ngiti. Umiling na lang ako.

Kung si kuya namo-mroblema sa girls ako naman sa boys... Hay, is this like 'siblings same fate?' Tsk...

------------

Nang dumating na ang oras para sa meeting namin kinabahan na talaga ako. Hindi ko kasi dala ang laptop kung nasaan ang presentation ko. Not like matatawag talaga iyong presentation wala namang laman iyon, kaya pumunta pa ako sa computer lab... Hindi pa ako nakapag-concentrate dahil talak ng talak ang teacher sa com lab dahil ngayong pa daw ako gumamit eh may klase pa siya!

Hindi naman pwedeng iwan ang lab pag students lang ang nasa loob. Muntik pa akong makutusan nung lalabas na sana ako. Phew!! Mahirap na...

Heto naglalakad na kami papunta roon sa dean's office. Kasama ko si Elisse at... Si Elisse.... Teka nasaan ba si Trixie? Buong araw ko siyang di nakita ah!

"Hindi ko rin siya nakita buong araw..." Sinamaan ko siya ng tingin.

"What? You said it out loud..." Oh! Haha peace po!!

Weird, nasanay kasi kaming lagi siyang naka-akbay, naka hawak sa amin o nag-iingay. Lumalambitin pa nga yan sa amin pag trip niya. Kaya it really is noticeable pag wala siya. Knowing her, nawawala lang iyan pag gutom o....

"Oh my gosh!! May nakauto nanaman ba kay Trixie!?"

"What do you mean?"

"You know, nawawala lang naman yan pag gutom or mag ka-date eh..."

Hinawakan na niya ang knob ng pinto sa office. Lumingon muna siya sakin bago niya binuksan sabay kibit-balikat. Pumasok na nga kami at nakitang wala nga rin siya sa meeting eh siya ang president ng choir ng school.

Imbes naman na si Dean ang nasa harap namin eh si Tita Mitch ang secretary ni dean ang nasa harap.

"Good afternoon leaders. As you can see I'm in front of you to announce an important note for the presentation..."

Nagtaas naman ng kamay si Troy upang magtanong. Sa anong club ba siya?. "Ma'am diba next week pa po yon?" Tita then nod in understanding.

"Yes, well what I'm going to tell you has a connection with that matter."

"The day of the presentation will be move this Friday. Jam pack ang school ng activities at simula nito ang mangyayari next week. So wala kaming choice and move it earlier..."

"Why not move it next next week?" Pagtatanong naman ni Ivan, captain ng basketball team namin. Uuugh!! For some unknown reason nagbu-blush nanaman ako. Maybe it's just the fact na marami na akong embarassing moments with him.

"I'm just getting there Mr. Montecillo... Unfortunately, hindi available si dean next next week for a conference meeting. It will be for a week, so we can't do it..." The room erupted with so many reactions. May ibang excited, wala pang nasisimulan o kaya naman wala pang naiisip. The heck!! Pressure talaga to.

Huhuhuh!! What to do....

-----------

Sorry sabaw ang content....

For You [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon