Sulyap,Tingin,Titig

161 10 6
                                    

Sa bahay nila Ikay, Kinaumagahan.

7 a.m ng bumangon si Ikay at pumunta ng sala. Habang ang buhok ay gulo gulo at may Marka pa ng laway sa kanyang mukha.

"Tatay! Bakit hindi mo po ako ginising ng 6" habang nag kakamot sa ulo at nagmamaktol sa ama. " May lakad panaman kami ngayon "

" Anak, kanina pa kita ginigising. Ang sagot mo sakin, 5minutes pa 'tay. Yung limang minuto mo nakabuo ng isang Oras. " paliwanag ni caloy sa Anak

" Eeeeeee.. Sana po binuhusan nyo ko ng tuuubiig.. Pano po kung iniwan na ako ng mga yun! " pag mamaktol ni Ikay.

" lahat ginawa ko na, magising ka lang. Muntik nanga akong mag patawag ng Pari,Sa subrang himbing ng Tulog mo. akala ko namayapa Kana. " pang aasar ni caloy kay Ikay

" Aaaahh!! Taatay naman eh! "

Pag sipa sa hangin, pag - upo at pag tayo at may pag hampas sa Upuan. Yan ang mga Maktol moves ni Ikay.
Na ikinatutuwa namang panoorin ng kanyang mga bisita. Yung Ngiti at tingin ni Edward na nakakatunaw.
Yung hindi nya maalis yung tingin nya kay Ikay, Dahil sa natutuwa siya sa mga Reaksyon nito. Pasalampak na umupo si Ikay sa sofa, naka di-kwatro, naka yuko ang ulo at pailing -iling. Para bang napakalaki ng problema. Pa late kapa ng Gising Ikay.

"Bushaak! Bushaak talaga! "

"Ikay, payong mag ama lang. Tutal e, parehas namang maganda ang itsura natin. Wag kang MANINIWALA! Filipino Time ang mga YUN. Parang IKAW... " turo ni caloy sa anak

Napatingin si Ikay sa tinuran ng Ama, pero hindi mawawala sa itsura ni Ikay ang Matawa, Mainis, at Mang -gigil.
Yun, naman pala my pinagmanahan ang mga kaibigan. Hahaha char lang.

Hinarap ni Ikay ang kanyang Ama.

" 'tay, nandun NA! Suportado muna. Pero Basagin talaga ang Trip? " gigil na mga salita ni Ikay.

Lumapit ang ama at niyakap siya.

" Anak, mahal kita. "

"Tumira nanaman kayo ng Katol,
Tay? "

" hmmm.. Siraulo! Katol? Cheap mo ha. Baygon spray ang tinitira ko. "

"Aray ko! "

Nakatikim ng Batok si Ikay mula kay Caloy. Ang mag amang to, wala ding pinipiling lugar kung saan mag kukulitan. Nakalimot ata na may bisita sila. Excuse me po, may ibang tao. Haler!

Bumalik sa pag mumuni - muni si Ikay. At hindi parin siya nakakahalata na hindi lang silang mag ama ang nasa sala. Si caloy naman ay tumayo at tinanong sina edward at Marke kung gusto nila mag kape. May dalang almusal ang dalawa galing sa kabila, At nag bigay naman ng isang box ng chocolate si edward kay tatay caloy.
Yang totoo edward? Gusto mo lang talaga makita si Ikay. Chaar!

" Do you want some coffee Marke and edward? " tanong ni tatay caloy sa dalawang binata.

Marke, edward; opo!

" i'm going to the kitchen, to gawa-gawa the coffee. Wait, antay lang "
Isinenyas pa talaga ni tatay caloy na gagawa siya ng kape. Para mas madaling maintindihan ng dalawa.

Mukhang nauubusan na ng English si tatay caloy. Nag tungo agad siya sa kusina, upang ipag handa ng kape at almusal ang dalawa. Mukhang maaga palang e, bumisita na agad sila. Hmmm... Si Edward kaya ang nag yaya?.

Habang abala si tatay caloy sa paghahanda ng almusal. Si Ikay hindi parin ramdam ang presensya ng dalawa.
Nang hanggang isang tawag mula sa cellphone ni Ikay ang bumasag sa katahimikan.
Na ikinagulat ni Marke at Edward.

RINGTONE : Anak ng hoooy! Sagutin mo tawag mo! Sagutin mo tawag mo! Sagutin mo tawag mo!!

"Asaan? " hinahanap ang cellphone

     Maganda Ako, Akala NilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon