BLOSSOMING LOVE by Eunice

197 2 2
                                    

THIS STORY IS ORIGINALLY WRITTEN BY EUNICE LAURITO :) EXCLUSIVELY UNDER LOVE OUR BLOG POST :)

DESCRIPTION:

Rachel -simple, palaging nagbabasa, bestfriend ni Trish , tahimik ngunit makulit din 'pag kasama ang barkada , pinakaresponsable sa grupo, long time friend si Lance.

Lance - a very good basketball player, very popular at school because of  his talent , sobrang supportive sa barkada , may gusto kay Rachel

Baron - sobrang daldal sa barkada, magkasundo sila ni Adrian, palatawa at sobrang cheerful.Brooke - second sa pagiging madaldal sa grupo. Kasundo si Baron at lagi silang magkasama sa Home Makers Club.

Adrian -isang born leader  sa barkada, matalino at Top 1 sa klase. Close kay Trish.

Trish - Best friend ni Rachel, makulit, madaldal pero mabait at protective sa best friend niya.

Chapter 1

"Rachel,I love you." wika ni Lance.

Oh My Gosh! Ayan na! Papalapit na ang labi niya! hahalikan na ko! ayan na ! ayan na! 1-2-3-4------ (wika ni Rachel sa isip)

"Hoy!Rachel! Malelate na tayo! Uy! Bangon na!" Wika ni Trish.

"Sh*t! Sayang!" wika ni Rachel nang magising sa ingay ng kaibigan.

"Oh? Ang aga-aga nagmumura ka diyan! Ikaw na nga 'tong ginigising dahil concern sa'yo tong kaibigan mo tapos magmumura ka pa diyan! Para naman hindi tayo magkaibigan lagi ka na lang ganyan! alm mo namang ayaw na ayaw ko sa mga taong nagmumura! Bad kasi yun. Sa tagal nating magkaibigan, alam mo n naman yun pero sige ka pa rin. Para namang hindi tayo magkaibigan niyan! Ano-----" wika ni Trish, ang madaldal na best friend forever ni Rachel na paulit-ulit na lang ang mga sinasabi tuwing ginigising si Rachel. Bigla siyang napatigil nang mapansin niyang wala na pala siyang kausap.

"Rachel!! I hate you!! Iniwan mo na naman ako!!"

-School-

"Ma'am I'm sorry I'm Late." wika ni Rachel nang makarating sa klase nila, Class IV-A.

"Ms.Pascual , why are you late again? Puwede ka namang sumabay sakaibigan mong si Ms. Park na palaging maaga pumasok and I heard na sa iisang dorm lang naman kayo tumutuloy." wika ni Mrs. Sanchez.

"Teacher, I'm sorry. I promise, this would be the last time." pakiusap ni Trish na malapit ng umiyak.

"Okay,palalampasin muna kita ngayon. You may now take your seat."

"Thank you, teacher."

-Lunch Time-

Lumapit si Rachel kay Trish.

"Trish,I'm sorry."

Tiningnan lang siya ni Trish at saka umalis.

"Trish!!!!! Sorry,please?kausapin mo na ko?" muling wika ni rachel ngunit patuloy lang si Trish sa paglalakad na tila walang naririnig hanggang sa makasalubong nila si Lance na pinagkakaguluhan na naman ng mga girls.

"Hi Rachel! Good Morning! Hi din sayo Trish." wika ni Lance ngunit tila hindi siya naririnig nang dalawa.

"Trish! Please? Bessy?" wika ni Rachel habang sinisundan pa rin si Trish (this time,sumunod na rin si Lance) hanggang sa may naapakan siyang balat ng saging.

Oh my! Karma ba ito dahil sa ginawa ko kay Trish?

Bumagal ang takbo ng oras ng mga sandaling iyon.

Dahil sa power of love, nagawang abutin ni Lance ang kamay ni Rachel upang hindi ito tuluyang mahulog sa hagdan.

Si Rachel ay napaikot at napayakap kay Lance hanggang sa maglapit na rin ang kanilang mga …

COMPILATIONS OF SHORT/LONG NOVELS BY LOBPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon