My Crazy Love by Eunice

146 1 0
                                    

THIS STORY IS ORIGINALLY WRITTEN BYEUNICE LAURITO :) EXCLUSIVELY UNDER LOVE OUR BLOG POST :)

Chapter 1

"Jessie, please? Please naman pumayag ka na na pumasok ako sa Boys' School na pag-aari niyo..." pakiusap ni Toni sa kaibigan na si Jessie.

Kaka-break lang nila ng boyfriend niyang si Anthony Valiente at ang taning naiisip niyang paraan upang hindi siya kulitin ng lalaking ito ay ang pumasok siya sa Moreno All Boys' School na kung saan ay hindi talaga siya mahahabol pa. Adik na adik kasi sa kanya si Anthony.

"Ibang klase ka talaga ,friend. Kaya mo ba talagang gawin iyan para takasan lang si Anthony? Bakit ka pa kasi nakipag-break do'n? Gwapo naman yo'n, ah at isa pa matalino.."

"Di ba , ilang ulit ko nang sinabi sa'yo na hindi ko na siya mahal. at isa pa hindi na rin nag-wo-work ang relationship namin, bakit ko pa titiisin na makasama siya? Marami pa namang gwapo diyan at balita ko ang daming gwapo sa eskwelahan na tinutukoy ko.."

"Hay nako, Toni. Sigurado ka na ba diyan? " tanong muli ni Jessie na di makapaniwala sa mga sinasabi ni Toni. Pero alam niyang kapag may sinabi ang kaibigan ay ginagawa talaga niya ito, at wala na siyang magagawa do'n.'

'

"Oo..teka, pumapayag ka na ba?"

"O,sige. Gagawan ko ng paraan para makalusot ka do'n."

"Salamat friend! I love you!"

"Teka, alam ba ng mga magulang mo itong gagawin mo?"

"Syempre,hindi at wala naman silang pakialam sa'kin kung ano man ang gawin ko,eh." paliwanag ni Toni.

Nasa Amerika ang mga magulang ni toni. Halos bilang ang mga araw sa isang taon tuwing makaksama niya ang kanyang pamilya. Ito ay dahil na rin sa ka-busy-han ng mga iyon sa trabaho kaya hindi na siya naaalala.

"Toni!!" biglang narinig ni Toni ang tinig ni Anthony .

Lumingon si Toni kay Anthony upang tingnan kung si Anthony nga iyon. At si Anthony nga. Tumakbo siya nang mabilis para hindi siya abutan ni Anthony. Sa pagtakbo niya ay may nakabanggaan siyang isang lalaki.Gwapo ang lalaking iyon. Sa buong buhay niya ay ngayon lang siya nakakita ng isang tulad nito na nilikha ng Diyos. Na-love at first sight siya rito.

Diyos ko, siya na ba?

"Miss! Okay ka lang ba?" tanong ng lalaki.

Bigla na siyang natauhan.

"Ah, yeah. I'm okay! Nice to meet you!" deretsahang sabi nito.

"Ah,haha. By the way, I'm Evanz Conde." pagpapakilala nito.

"Oh, what anice name! Kaso parang ang iksi ,well, pareho lang naman tayo, I have a short name too. " aniya.

Ngunit naabutan na siya ni Anthony kaya di na niya nasabi ang kanyang panglan.

"Hey!What's your name?" sigaw ni Evanz ngunit hindi na siya narinig ni Toni.

Buset ka Anthony! Hindi ko tuloy nasabi ang pangalan ko ! Sayang!

"Aling Mameng! Pa-rent nga po ng computer. May hahanapin lang po ako."

"Ah, sige . Sige."

Umupo na siya at sinuimulan nang hanapin si Evanz Conde.

"Ayun!" nasabi niya nang makita na niya ang account ni Evanz sa Facebook.

"Oh.. Nag-aaral siya sa Moreno All Boys' School!" Napa-isip siya nang sandali. "Teka, parang familiar .. " At naisip na niya sa wakas. "Ah! OMG! It's that school! Do'n ako papasok. Ang school na pagmamay-ari nila Jessie! Yes!"

COMPILATIONS OF SHORT/LONG NOVELS BY LOBPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon