My Ugly Boyfriend by Danica

154 1 0
                                    

THIS STORY IS ORIGINALLY WRITTEN BY DANICA :) EXCLUSIVELY SHARED TO LOVE OUR BLOG POST :)

Description

Cielo Angeles - bulag na iibig kay Andrei.

Andrei Valdez - dubbing artist sa sikat na TV Network.

Jomari Mercado- matipunong police na iibig kay Cielo.

PROLOGUE

"Andrei, anong painting ung asa harapan ko?"

"Isa sa mga sikat na paintings ever! si MONALISA, kung nakikita mo lang sana."

Bata pa nang mabulag si Cielo, madaming bagay ang hindi nya nagagawa, ang magsulat, magbasa at mamasyal kung saan saan. Pero may angking talento naman sya ang tumugtog ng piano sa isang sikat na restaurant. Mula nang makilala nya si Andrei nagbago ang lahat, matagal tagal na rin sila magkasintahan nito.

( Sa isang sikat na restaurant )

"Ang tagal nman ni Andrei."

"Cielo andito na ako, namiss kita! Grabe ang ulan ngyon no?

sandali natanggal sintas ng sapatos mo.

Habang inaayos ang sintas biglang may tumawag

sa cellphone ni Cielo.

"Hello? talaga hoh?!!! salamat sa Diyos."

"Anong meron?"

"A..ndrei, nakahanap na sila ng EYE DONOR. Alam mo ba ibig sabihin nun? makikita na kita sa wakas.

Tuwang tuwa si Cielo sa magandang balita ng kanyang mommy. Pero si Andrei natulala sa narinig, hindi nya akalain na darating ang panahon na makikita na sya ni Cielo sa ganun kalagayan.

CHAPTER 1

"Hoy.. Andrei!!!! nakasira ka na naman ng show. Shit!!!!"

"Sorry po.. "

Sabay lapit sa microphone.

"woAhhh.. Kakainin ko na kayo! hahaha.."

"Grabe pare, idol talaga kita! Ikaw talaga pinaka magaling na dubbing artist dito. Biruin mo para ka talagang halimaw. Kakatakot! haha.. Bakit tulala ka dyan?"

"Kasi pare, si Girlfriend may Eye Donor na."

"Meron ka pala nun! Pano kayo nagkakilala?".

( FLASHBACK )

"Manong sa Quezon City hoh."

"hah?."

"Sa Quezon city hoh! ayaw hoh ba umandar sa Taxi nyo?."

"a..hHh.. pwede, sige tara na!"

( 3 WEEKS )

Habang hinahaplos ni Cielo ang mukha ni Andrei, sabay halik naman sa mga kamay nito na kinabigla ni Cielo.

"Sorry Cielo, hindi ko sinasadya.. ahmm.. Idedescribe ko nalang itsura ko hah?. Maputi, matangos ang ilong, ung kilay ko medyo makapal tapos ung mga labi ko medyo maninipis. Un okey na ba?".

"Hindi ayos lang. Gwapo ka pala. Mukhang hindi tayo bagay. "

"Hindi hah! bagay na bagay tayo. Sobra!"

"Hanep ka pare, Tindi mo! Sobrang laki nga ng problema mo! Akalain mo naman si Jomari ang dinescribe mo hindi ung totoong Andrei. Ang layo kaya ng mukha m o sas mukha nya. Ewan ko sayo! adik ka bords. "

Highschool students pa lang sila sikat na si Jomari sa taglay nitong itsura. Hindi naman ganon kagwapo pero may taglay na karisma. Na kahit sinong babae ay maiinlove. Matalino, talented at sikat sa buong campus si Jomari samantalang si Andrei.. hay!!

COMPILATIONS OF SHORT/LONG NOVELS BY LOBPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon