Kisses and Lies by Liyam

175 1 0
                                    

THIS STORY IS ORIGINALLY WRITTEN BY LIYAM JULIAN :) EXCLUSIVELY SHARED TO LOVE OUR BLOG POST :)

PROLOGUE

“Anong ginagawa mo dito?!” tanong ni Lexy pagkalabas niya ng banyo dahil nadatnan niya si Raffy sa loob ng kwarto nito. Hinawakan niya agad ng mahigpit ang nakatapis sakanyang tuwalya.

“Pinapasok kasi ako ng mommy mo dito. Kailangan ko raw ayusin yung cabinet mo.” Tinignan ni Raffy si Lexy mula ulo hanggang paa. Hindi naman mapigilan ni Lexy na mamula sa ginawa ng binata.

“Lumabas ka muna! Magbibihis pa ako!” sabay tulak at tadyak kay Raffy palabas.

“Pwede ka namang magbihis sa harap ko eh... tutal mag-boyfriend naman na tayo.” Pang-aasar ni Raffy habang hindi alintana ang ginagawang pagtataboy ni Lexy.

Tuluyang namula ng todo si Lexy. Tantiya niya ay pati mga daliri niya sa paa ay namula. “Heh! Lumabas ka! Basta labas! Bilis!”

“Oh! Baka mahulog ‘yang tuwalya mo!”

“Labas!!!!!!!!!!!!!!”

CHAPTER 1

Summer noon at busy si Lexy sa pag-aayos ng kanyang kwarto nang tawagin siya ng kanyang mommy. Napilitan na lamang siyang dumungaw sa terrace ng kanyang kwarto para makit kung anong kailangan ng ina.

“Lexy! Bumaba ka ‘jan at ipapakilala ko sayo ang mag-aayos na bahay natin!”

“Para ano pa? Eh maayos naman na? Hay nako...si mommy talaga...” bulong niya sa sarili at bumaba.

Pagkarating ni Lexy sa garden ay lumapit ito sa mommy niya. Doon ay nadatnan niyang kausap nito ang tatlong may edad ng mga lalake. Obviously, sila ang mga karpintero.

“Oh anak, heto sila Mang Johnny, Mang Tope at Mang Philip...kaso, may pang-apat pa raw eh.” At sa pagkakasabi noon ay biglang may nagmamadaling binata na pumasok sa kanilang gate.

“Siya na siguro yung pang-apat.” Sa isip-isip ni Lexy.

Halata sa suot nito na mumurahin lamang ang mga iyon. Ngunit hindi nakalagpas kay Lexy ang magandang pangangatawan nito at ang gwapong...

“Pasensya na po ma’am, Mang Johnny...kung nahuli ako sa pagdating.” Paghingi nito ng paumanhin.

Hindi talaga mapigilan ni Lexy ang mapatingin sa mukha ng binatang kadarating.

“Karpintero ba ‘to? Ang bata naman niya! At hindi ganun ka-dark ang complexion niya ha...weird.” sabi niya sa kanyang isip. Tila ba napansin ng binata na tinitignan siya ni Lexy kaya bahagya naman itong humarap sakanya at ngumiti. Nag-blush si Lexy saka iniwas ang tingin.

“Heto na po siya ma’am.” Wika ni Mang Johnny. “Si Raffy, pamangkin ko ho.”

“Ay nako Mang Johnny! Wag nyo nga ho akong pino-po...kayo din ha? Mang Tope at Mang Philip...para kasing antanda-tanda ko na! Saka pala, tawagin nyo narin lang akong Ma’am Goldie.” pagrereklamo ng kanyang mommy sabay tawa ng may poise parin.

“Hay...ibang klase talaga ‘tong nanay ko!” bulong ni Lexy sa sarili. May pagka “ALEMBONG” kasi ang mommy nya. Hindi nga mapagtanto ni Lexy kung anong nagustuhan ng daddy nito sa mommy niya samantalang magkaibang-magkaiba ang ugali nilang mag-asawa. Seryoso at tahimik kasi ang daddy ni Lexy na ngayon ay nasa business trip sa Australia samantalang ang mommy naman niya ay isang happy-go-lucky na manager ng isang bakery na pagmamay-ari ng side ng family ng mommy nya.

“Sabagay, opposites do attract...” bulong nanaman ni Lexy sa sarili.

“May sinasabi ka ba anak?” tanong ng mommy niya. “Ay! Oo pala! Hindi po ba siya masyadong bata Mang Johnny?”

COMPILATIONS OF SHORT/LONG NOVELS BY LOBPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon