AFTER I MET YOU by Imeelyn

511 2 0
                                    

THIS STORY IS ORIGINALLY WRITTEN BY MARIA IMEELYN ZAMORA :)EXCLUSIVELY SHARED TO LOVE OUR BLOG POST :)

Chapter 1

"Ang ganda naman dito!" nasabi ni Aileen sa sarili niya habang naglalakad sa isang lugar na punong-puno ng bulaklak. Kahit san siya mapalingon ay bulaklak ang nakikita niya! Merong iba't ibang kulay ng rosas, daisy, sunflower at iba pa. Habang naglalakad si Aileen ay meron siyang nakitang isang napakalaking puno. sa ilalim ng punong iyon ay may isang lalaking nakatalikod. Pamilyar para kay Aileen ang lalaking iyon, maging ang tindig nito ay nagpapahiwatig sa kanya ng isang pangalan.

"Si Irvin!" naisigaw niya ang pangalang iyon nang mapalingon ang lalaki sa kanya at tama siya. Iyon nga si Irvin, at napakagwapo niya sa itim na suit na suot niya.

"Aileen! Buti naman at andito ka!" nasambit ni Irvin habang tumatakbo papunta kay Aileen. Nagulat si aileen dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay nakita niya sa mga mata ni Irvin ang kasabikan sa kanya. Para bang baliw na baliw ito sa kanya. Pagkadating ni Irvin sa kinaroroonan ni Aileen ay niyakap niya ito ng mahigpit. Bumilis ang tibok ng puso ni Aileen at talaga namang kinilig ito.

"Bakit mo 'ko niyakap?" tanong ni Aileen na gulat na gulat sa nangyari kani-kanina lamang. Hindi siya makapaniwalang magagawa ito ni Irvin.

"Masama bang yakapin ko ang babaeng pinakamamahal ko?" sagot naman nito na punong-puno ng paglalambing at may kasama pang ngiti na naglabas sa napakalalim na dimples nito.

"Aileen, may ipagtatapat ako sayo" lumuhod si Irvin sa harapan niya.

"Ano iyon?" tanong ni Aileen kahit parang alam na niya ang sasabihin nito.

"Mahal kita, sana pakasalan mo ko." tumayo si Irvin at niyakap ng mahigpit si Aileen.

"Oo, payag ako." mahinhing sagot ni Aileen.

Nang tumungo si Irvin para titigan siya ay punong-puno ng pagmamahal ang mata nito. Nanghina ang tuhod ni Aileen sa sobrang kilig. Namalayan nalang niya na inilalapit na ni Irvin ang mukha niya kay Aileen, aktong hahalikan niya ito..

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - *_*- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - "Aray!.. Irvin? Asan ka!!" nasambit ni Aileen nang mapaupo siya dahil may bagay na humataw sa ulo niya.

"Naku Aileen! Nananaginip ka na naman!"

Napalingon si Aileen sa pinanggagalingan ng boses. Ang ate niya na si Alyssa.

"Di ba sabi ko kumatok ka muna bago ka pumasok?!" sigaw ni Aileen.

"Aba Aileen, nakaka-isang milyong katok na ata ako eh hindi ka pa nasagot!" pang-inis ng ate niya.

"Ate naman ang ganda na ng panaginip ko eh! Hahalikan na ko ni Irvin eh! singit ka naman." katwiran ni Aileen.

"Kung hindi kita hinagisan ng unan, hindi ka magigising. Alam mo ba kung anong oras na?" sabi ni Alyssa na nakataas pa ang isang kilay.

Napatingin si Aileen sa orasan " Ah! Naku patay! Male-late na ko sa skul!" Nagmamadaling nasambit ni Aileen.

Pagkatapos maligo, magbihis, kumain at kung anu-ano pa ay nagpaalam na si Aileen sa mama niya at pumunta na sa iskwelahan.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - +~+- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 2

“Aileen!” salubong ni Coreen. Siya ang pinsan, best friend at kaklase, all-in-one ni Aileen(hehe).

“Coreen, bakit parang hagard ka ata?” tanong ni Aileen.

COMPILATIONS OF SHORT/LONG NOVELS BY LOBPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon