**CHAPTER 7: Going Home**

68 8 2
                                    

**Chapter 7: Going Home**

"Galit ka?"

Pauwi na sana ako nang may narinig akong nagsalita mula sa likuran ko.

"Oh, ikaw pala! Sasabay ka?" tinanong ko si Eroll. Parang serious siya! Nahihiya ata 'tong lalaking to eh! Bakit? Di'ba dapat ako ang mahiya?

"Tapos ka na sa job mo?" tanong niya. Nasa harap kami ng pintuan ng Library. Nasa loob pa si Mrs. Cunanan kasi siya na lang daw yung magsasarado.

"Ah.. Oo. Pauwi na ako! Tinatanong kita, sasabay ka ba?"

"Di'ba tinatanong din kita kung galit ka?" oo nga no? Di ko naisip yun ah? 

"Ikaw 'ung una kong tinanong diba?" pamimilit ko. Para kaming mga bata no? Napakasimpleng bagay, pinapalaki!

"Anong ako? Ako unang nagtanong, ako munang sagutin mo!" aba! aba! aba! mapilit to ah? Sige na, suko na 'ko!!!

"Oo na, di ako galit no!! Nahihiya nga ako eh! Ayan, sinagot na kita!"

"So?? Tayo na??" ha? Anong pinagsasabi nitong baliw na 'to? Nakakaloko yung ngiti niya! Parang ewang may saltik sa ulo!

"Anong tayo na?" tanong ko. Di pa nga siya nanliligaw di'ba? Kami na agad! Tsaka kung manligaw man siya, di ko siya papayagan, wala pa sa priority ko yan! Kakasabi ko lang!

"Anong pinagsasabi mo? Sabi ko tayo na! Alis na tayo! Ikaw ah, kung anu-anong pinag-iisip mo ah??" tuksuhin ba raw ako? Siya naman kasi eh, di niya linawin yung sinasabi niya! Pero, wala namang mali sa sinabi niya di'ba? Masyado lang siguro akong ilusyonada!

"Ahhh .. yun pala ibig mong sabihin! Wait lang, sasabay din si Aaron at Arlyn!" nahiya naman tuloy ako! Grabe! Masyado ba akong na-ke-carried away sa kagwapuhan niya? Haaayy .. sana lang talaga, wag akong mafall!! Friends lang dapat kami! :)

"Sinong Aaron? 'Yung siga niyong President? At sino naman 'yung Arlyn na 'yun?"

"Di ko pa sila napapakilala sa'yo! Parating na siguro 'yung mga 'y--" bigla akong nacorrupt! Andyan na 'yung dalawa! San kaya galing 'tong dalawang 'to?

"Bheeest!!!" wow. Kung makasigaw 'tong bestfriend ko, kala mo Rapture na bukas! Iskandalosa 'tong bruhang 'to ah?

"Tapos na, Ricka?" tanong ni Aaron habang palapit silang dalawa ni Arlyn. He's pertaining siguro sa part-time job ko!

"Ah, Oo! Tapos na, uwi na tayo?" gusto ko nang umuwi kasi eh. Ayoko nang maintriga ng dalawang 'to! 

"Hep, hep, hep! Di mo pa kami pinapakilala dyan sa kasama mo!!" ay oo nga pala! Nakalimutan ko!

"Siyanga pala, Eroll, si --"

"Arlyn Portillo."

Di na ako pinatapos ni Arlyn magsalita! Inabot niya na agad yung kamay niya kay Eroll! Malandi talaga! Tsk! Tsk! Tsk!

"Eroll Walterson."

Nagshake-hands silang dalawa. Siguro, kung ice cream lang si Eroll, kanina pa siya tunaw sa nakakapasong titig ni Arlyn! Hehehe.

"Aaron Benildo."

Nagshake-hands din yung dalawang lalaki.

Pero teka ...

1 second.

2 seconds.

5 seconds.

15 seconds.

Magsyota ba 'tong dalawang 'to? Kung magtitigan eh, kala mo huminto yung oras!!! Pero, 'yung titig, iba! Nakabusangot parehas! 

"Pssst. Anong problema?" tanong ni Arlyn. Matapos manggaling sa Mars, nakabalik din sa consciousness ang dalawa!

"SIYA EEEHHH!!"

Aba, duet ang dalawa!

"Umuwi na nga tayo!" ito na siguro ang pinakamagandang suggestion ko EVER! Hahaha!

Habang naglalakad, tinatry naming mag-enjoy! Kwentuhan dyan, Tawanan dito!

"Ikaw, Aaron? Takot ka siguro sa multo no?" pilyong tanong ni Eroll. Nakakaloko yung tono ng tanong niya! Parang nang-aasar lang eh!

"Ha? Ako? Hindi 'no!!! Ang laki-laki kong tao, matatakot ako sa multo?"

Sa bagay, ang laking tao nitong si Aaron eh!! Eeeeeww talaga kung malaman kong takot sa multo 'tong si Aaron.

"Alam niyo ba 'yung kwento tungkol dun sa kapre sa Engineer St.?" hirit ni Arlyn. Mukhang may balak 'tong gawin ah!!! Gabing-gabi na kasi at naglalakad pa kami dito sa madilim na Teacher St.! After nito, Engineer St. na!

"Ahhhh, yung nakatira dun sa Acacia Tree? Madadaanan natin 'yun mamaya di'ba?" dagdag ko naman! Para mas lalong uminit yung gabi! Hahaha!

Tumataas ang balahibo ko sa nangyayari! 

"Tumigil ka nga!" pigil ni Aaron.

"Asus! Natatakot ka lang eh! Hahaha!" asar naman ni Arlyn!

"Hindi 'no! Hindi ako natatakot!"

"Weh? Di nga? Bakit di ka makatitig ng diretso?"

"Anong hindi! Tigilan mo nga ako!"

"Tingnan mo, halata naman eh!"

"Hindi nga sabe!"

Nagtuloy-tuloy 'yung bangayan nung dalawa. Ganyan naman talaga 'yang si Aaron at Arlyn. Parang aso't pusa lang eh! Sanay na ako!

"Umamin ka nga! Takot sa multo di'ba? Hahaha"

"Tumigil nga kayong dalawaaa!"

Wow. Lakas din ng loob ni Eroll eh no?

Tumigil na nga 'yung dalawa! Pero, tumahimik kaming tatlo!

Hulaan niyo kung nasaan kami.

a. sa Mars

b. sa bulsa ni Doraemon

c. Underwater

d. Encantadia

Well, actually, Bonus 'yang tanong na 'yan kasi wala namang sagot! Nasa Engineer Street na kaya kami! At unfortunately, nasa harap na kami ng Acacia Tree na sobrang creepy! Sabay-sabay, dahan-dahan kaming napalingon sa punong 'yun! Di namin inaasahan ang susunod na mangyaya--

"Pssst."

Shett. Sino 'yun? Wish ko, imagination ko lang 'yun! 

"Narinig niyo 'yun?" tanong ni Eroll.

OMG! Narinig din ni Eroll. It means na hindi ko lang imagination 'yun! Pootek naman! 'Wag naman ngayooon!

"Wala 'yan! Kuliglig lang 'yun!" nakangiting sabi ni Arlyn. "Grabe naman kayo!"

...

Naghintay kami nang susunod na sitsit! Wala naman! Buti naman!

"Halik ka na! Sabi ko sa inyo eh, wala la--"

"Psssssst."

"WAAAAAAAAAHHHHH!!!!!!!"

P.S.

Kung alam niyo lang 'yung hitsura naming lahat! Paniguradong hahagikhik din kayo sa kakatawa! Hahahaha!

Finding First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon