**CHAPTER 5: Rumors**

68 7 2
                                    

**Chapter 5: Rumors**

< Arlyn's POV >

Antagal naman ni Ricka makipag-usap dun sa Eroll na 'yun. Ano kayang pinag-usapan nila? Ang swerte naman ng bestfriend ko! Sana ako na lang 'yung nasa position niya! Siguro, may gusto sa kanya si Eroll? Hmm.. hindi pwede, akin lang si Eroll! Akin la--

"Ayan na si Ricka!" sigaw ng isang kaklase ko. Agad naman akong lumingon sa pinto. Nagmadali rin akong salubungin ang bestfriend ko kasi gusto kong tanungin kung anong pinagusapan nilang dalawa ng Eroll ko! Joke lang! Kanya na si Eroll, marami namanag gwapo dito sa school namin!

"Uy, Ricka, anong ginawa niyo?"

"Anong sabi niya sa'yo?"

"Nililigawan ka ba niya?"

Parang mga reporter yung mga kaklase ko kung magtanong. Papunta na si Ricka sa upuan niya at yung mga kaklase ko namang girls na uchusera, sunud din naman! Di na nga ako makasiksik sa kanila eh! Pero, mula sa kinatatayuan ko, nakita kong may hawak na panyo si Ricka! Pagkaupo niya sa upuan niya, nakabusangot lang ang bruha! May problema ata 'tong babaeng to eh! Siguro, may ginawa sa kanya si Eroll!

"Teka, teka! Magsi-alis nga kayo jan! Tabe! Tabe!" pinaalis ko yung mga uchusera! sumingit naman ako para makita ko yung bestfriend ko.

"Anong problema, bhest? May ginawa ba siya sa'yo?" concern kong tanong! Mahal ko kaya yang bestfriend ko na yan ! Mapapatay ko kung sinong mananakit jan!

"Nakakahiya bhest!" malungkot niyang sabi. Nangingilid na yung mga mata niya sa luha! Para siyang tutang gustong kaawaan siya! Nakakatawa tuloy siya!

"Bakit? Anong ginawa niya?"

"Hindi siya! AKOOO! Huhuhu!" umiiyak ang bestfriend ko pero wala namang luha! di'ba? Parang engeng lang!

Pinaalis ko na muna yung mga uchuserang girls bago ikinuwento sa'kin ni Ricka kung ano ba talaga ang nangyari kanina! Umupo ako 'dun sa upuan sa harap niya at humarap ako sa kanya!

Finally, ikinuwento niya na!

"Hahahaha! Anong sabi mo?" ang sakit ng tiyan ko sa kakatawa! Grabe! Ang galing bumanat ng bestfriend ko!

"Wag mo na nga akong pagtawanan! Ang saklap na nga ng nangyari eh!" pagpipigil niya sa'kin! Parang napaka-big deal naman sa kanya ng nangyari! Hindi pa rin natanggal yung busangot niyang mukha!

"Eh ikaw naman kasi eh.. ang ganda rin ng hirit mo eh no? Siguro natawa rin siya no? Hahaha!" di ko pa rin mapigilan yung tawa ko! Nakakatawa naman talaga eh!

"Oo. Ang lakas nga ng tawa niya eh! Huhuhu! Feeling ko, naoffend siya!"

"Hayaan mo na! Wag mo nang isipin 'yun! Hindi 'yun naoffend sa'yo! Hindi naman niya sasabihing nakakatawa ka kung naoffend siya!" paliwanang ko.

"Sana nga! Sabay pa naman kaming uuwi mamaya!" ha? Anu daw? Sinong sabay? Sila? Teka nga lang! I smell something fishy here!

"Hep hep hep! Ulitin mo nga 'yung sinabi mo! Kayo? Sabay kayong uuwi?"

"Sabi niya eh! Sasabayan niya daw akong umuwi! Hihintayin niya daw ako after kong magtrabaho sa Library!" paliwanag niya.

Napatayo naman ako sa kinauupuan ko! Laking gulat ko kaya!

"Ano? Oh my gosh, bhest!"

"Oh my gosh, oh my gosh ka jan! Anong problema dun? Siya naman nagoffer eh!"

"Manhid ka ba bhest? Ilang anaesthesia ba ang tinurok sa'yo?"

"Anong pinagsasabi mo?" takang sabi ni Ricka!

"That's a sign, bhest!" paliwanang ko. Abot tenga nga yung ngiti ko eh! "Sign 'yan na may gusto siya sa'yo! Sign 'yan na gusto ka niyang ligawan!"

"Ooows! di nga? Parang di naman! Gusto lang namang sumabay pauwi nung tao eh!" defensive masyado 'tong bestfriend ko ah?

"Sign na 'yan bhest! Pustahan tayo, after 3 days or one week, liligawan ka na niyan! Magko-confess na rin yan sa'yo!" nakipagpustahan talaga ako eh no? hahaha! 

"Ewan ko sa'yo! Basta, kung ligawan man niya ako ... ehh .. ehh .. ??" namumula si Ricka! hahaha! first time in the history, namula 'tong babaeng 'to! Nagba-blush ang bruha! hahaha! Kailangang binyagan!

"Eh ano?" sarcastic kong tanong.

"Ehh , ehh, eh di, eh di di ko siya sasagutin!" ha? Anong sabi niya? Hindi niya sasagutin? Gaga rin  tong babaeng to eh no? "Alam mo namang hindi ko priority ang puso ko this time di'ba? Di pa ako pwedeng mainlove sa ngayon!"

"Chance na yan, bhest! Chance! Wag mo nang pakawalan!"

"Che! Tigilan mo ako! Ang mas mabuti pa, sabayan mo na lang ako mamaya! Sabayan mo kaming dalawa!"

"Sige! Exciting yan for sure! Gora ako jan, bhest!"

Niyakap ko si Ricka! Sasabayan ko sila mamaya! Baka kung ano pang gawin nila eh! 

*-*-*-*

< Ricka's POV >

Pauwi na ako! Tapos na yung klase namin at kailangan ko munang dumiretso sa Library para sa part-time job ko! 

"Siya ba? Siya ba yun?"

"Oo. Siya nga!"

"Di sila bagay! Mas bagay kami ni Eroll ko!"

"Uy, maganda naman siya kahit papaano!"

"Mas bagay pa rin talaga kami!"

"Anong meron sa kanya?"

Pootek! Ano bang pinaguusapan ng mga bruhang to! Ako ba? Anong meron sa'kin? Ang sarap pahiran ng sili ang dila ng mga 'to eh! Kainis!

Pero, because I'm a good girl, I ignored them! Bahala sila sa buhay nila! Di naman ako mamamatay kung pagchismisan nila ako! Che!

Finding First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon