**CHAPTER 4: Ang Cheesy**

85 8 3
                                    

**Chapter 4: Ang Cheesy**

"So, matagal ka na pala dito?"

"Oo. Dito na ako mula pa 1st Year! Ikaw? Sa'ng school ka galing?"

"Ako?"

"Ay hindi. 'Yung katabi mo! Tatlo kaya tayo!"

"Joker ka pala eh! Ang cute mo pa naman 'pag nagjo-joke!"

" ... " 

Ano daw? Cute ako? Talaga? Ay sus. Ako naman 'tong kilig na kilig! Halata ba? 

Buti hindi mainit. Dito pa rin niya ako dinala sa bench na pinagdalhan niya sa'kin kahapon. 'Yung mga kaklase ko naman, tanong nang tanong kung bakit kasama ko daw si Eroll. Ano daw meron sa'min? Ano nga ba? Gwapo siya. Malandi ako. Bagay naman di'ba? Hahaha. Joke lang! Di ako malandi 'no!! Gusto ko lang suklian 'yung ginawa niya! Ang bait niya pa naman! Sayang at nasa Section 8 siya, baka mababa 'yung grade niya kaya ganun!

Nakaupo kami parehas sa bench! Medyo marami-raming mga dumadaan sa harap namin! Break kasi! Sandwich at Zesto 'yung hawak niya! Samantalang ako, Skyflakes! Pwede na 'to! Wala akong pera eh!

"Saang school nga?" inulit ko 'yung tanong.

"Ahhh.. sa... sa General Luna High School!" medyo nag-isip pa siya ah? Ano 'yun? Di niya alam kung sa'ng school siya galing? Hahaha. Nakakatawa siya! Ang jolly niyang tingnan, nakangiti kasi lagi eh! Kaya ang sarap niyang kausap eh!

"Matanong ko lang! Bakit ang bait mo? Bakit binigay mo sa'kin yung slot mo?" wala na kasi akong maisip na tanong kaya 'yun na lang tinanong ko. "Siguro, mayaman ka! Malaki bahay niyo 'no? Tapos, may sarili kang kotse? Ano?"

"Hahaha. Wala no!! Mukhang kailangan mo lang talaga eh! Ano bang sakit ng Mama mo?" mausisa din 'tong lalaking to ah? Lumalalim na 'yung usapan namin! Masaya 'to!

"Si Mama? May "Mild Schizophrenia". Maluwag 'yung turnilyo kaya kailangan ng gamot para hindi lumala!"

"Bakit?"

" Namatay kasi si Papa eh! Mahabang kwento kung ikikwento ko pa sa'yo! Napaka-complicated! 8 Years na siyang ganyan! Miss ko na nga 'yung dati kong Mama eh!" napakalungkot nung tono ko. Kaya ayokong pagusapan ang life ko eh, parang pangFAMAS eh!! Sobrang tragic! "Eh ikaw, may mga magulang ka pa ba?"

...

Anong nangyari? Natulala siya sa pagkain niya! Parang engeng lang oh?

"Huy, kinakausap kita!" bigla siyang bumalik sa earth! Sa Mars kaya to galing? "Anong nangyayari sa'yo? Sabi ko, may mga magulang ka pa ba?"

"Ha? Ako? ... Oo naman! Buhay pa sila! Sila 'yung nagpapa-aral sa'kin ngayon!"

Finding First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon