**CHAPTER 10: The Truth**

70 8 2
                                    

**CHAPTER 10: The Truth**

<Ricka's POV>

2 pm. Saturday. Tennis Court.

Nakabili na ako ng gamot kahapo kasi nakuha ko na rin yung sahod ko. Buti na lang at may extra income ako.\

Napalingat ako saglit sa wrist watch ko. "2:17"

Aba! Akala ko ba 2:00 pm?? Asan na yung lalaking 'yun? Ang ganda naman ng 2:00 pm niya!!!

"Psssst."

Sino 'yun? Baka si Eroll na papansin na yun? Baka pinagtitripan na naman ako nito!!!

"Lumabas ka na d'yan! Kanina pa ako naghihintay dito!" sigaw ko. 

"Talaga? Hinihintay mo 'ko?"

Si Aaron 'yun lumabas! Baka kung anong isipin nitong boplongs na 'to! Malakas din ang trip nitong lalaking 'to kung akala niyo lang!

"Hindi ikaw! Si--"

"Sus. Kunwari ka pa! Anong ginagawa mo dito?" pang-aasar niya! Feeling-feelingan din 'tong President namin eh no!!!

"Ikaw? Anong ginagawa mo dito?"

"Tennis Court po ito, for your information! Di ako magba-basketball dito!" pilosopo niyang sagot.

Tama naman siya! Di ko naisip yun ah? May dala pa naman siyang rackets at hindi ko pa napansin! Hehehe!

"Tambay lang! May meeting kami ni Eroll eh."

"Sino? 'Yung asungot na 'yun?" galit niyang tanong. Ba't biglang nagalit naman tong lalaking 'to?

"Galit? Galit? Ano naman? Wala naman kaming ginagawang masama eh!"

"Bakit? Sinabi ko bang may ginagawa kayong masama! Ikaw ah??"

*Boogsh!!* Huli ako! Wala na akong lusot nito niyan!! Kainis! Tama naman siya eh, masyado akong defensive! Huhuhu! T.T

"Anong ako? Baliw! Maglaro ka na nga lang!"

"Wala pa akong kalaro. Tayo na lang."

"Sige ba!"

Kahit hindi ako masyadong marunong, or should I say, di talaga marunong, ang lakas pa rin ng loob kong tanggapin ang hamon nitong isang to! Sports minded din kasi tong si Aaron! Matangkad kasi at yummy pa ang katawan! OOOPPS! Lumalandi na naman ako! Totoo naman kasi eh! Ganda kaya ng katawan niyan kung alam niyo lang!

At naglaro nga kami ni Aaron! Masaya naman palang kalaro 'tong si Aaron eh! 

20 minutes din siguro kaming naglaro!

"Tama na! Pagod na 'ko! *hingal*" pigil ko. Tagal ba naman kasi naming naglalaro eh!

"Sige! Maupo ka na muna! Hinihintay ka na ni asungot! *hingal*"

"Ha? Anong sabi mo? *hingal*" may narinig kasi akong something eh, parang "bangungot" yung pagkakarinig ko.

"Si Eroll, hinihintay ka na!" padabog yung tono niya. Di ko madescribe eh!

ANOO? Anjan na pala si Eroll?? Lang'hiya naman oh! Di man lang nagsalita 'tong si Eroll! Andun siya sa bench sa tabi ng Tennis Court, nakaupo. Nakawhite na T-shirt at Maong na medyo cute yung design! Nakasapatos pa ang loko! Ano kami, magdedate?

"Andyan ka na pala! Kanina pa kita hinihintay!"

"Anong kanina pa? Ako nga 'tong pinaghintay mo eh! Siguro, napagod ka sa kakalaro!" naiinis niyang sabi! 3 inches ata kakapal yung mukha niya!

"Aba! Aba! Dictionary ka ba?" banat ko dahil sa inis!

"Bakit?"

"Ang kapal mo kasi eh! Kanina pa akong 2 pm dito! Sabi mo, walang malelate!" pagalit kong sagot. Siya pa may ganang magalit niyan ha? Kapal din talaga ng mukha!

Finding First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon