**CHAPTER 11: Trigger**

57 8 3
                                    

**CHAPTER 11: Trigger**

< Ricka's POV >

The next day. 

Wala akong magawa. Ang aga-aga, di ako mapakali. Lagi ko kasing naaalala yung ginawa ni Eroll eh. Kinikilig tuloy ulit ako.

**FLASHBACK**

"Yan ba? Bahay 'yan ni Riley. Yung kinikwento ko sa'yo! D'yan sila nakatira! Pero ngayon, wala nang nakatira d'yan!" paliwanag ko.

"Asan na sila? Ano nang balita sa kanila?"

"Wala na. Si Lola Andang, balita namin, lumayas na d'yan at sumama dun sa kamag-anak nila. Si Riley naman, hawak ng DSWD."

"Siguro, nalulungkot si Lola Andang sa nangyari."

**End of Flashback**

Oo nga noh? Nasan kaya si Riley? Wala na akong balita sa lalaking yun ah? Ni hindi ko nga maalala yung hitsura niya eh! Pano ba naman kasi, simula nung nangyari yung araw na yun, tinapon at sinunog ko na lahat ng bagay na may kaugnayan sa kanya!

Gusto ko siyang makita! Kahit, makita lang! Hindi ko siya kakausapin! Wala namang sense kung kakausapin ko pa siya! Galit nga ako sa kanya di'ba?

Naisip kong magpunta sa pinakamalapit na DSWD Station sa Barangay namin. Nagtanong ako doon kung naaalala pa nila si Riley.

"Sa pagkakaalam ko, Miss! Dinala na siya sa Boy's Town dati! Pumunta ka na lang doon at doon ka magtanong!"

"Saan po ba yun?"

Binigay nung matandang babae yung address. Medyo malapit lang kasi isang sakay lang naman ng jeep. Pero, feeling ko tuloy, nagaaksaya lang ako ng pera eh! Pero, andito na ako, wala na akong magagawa! Tsaka, saglit lang naman ako doon, sisilipin ko lang siya!

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

Nakarating na ako dun sa Boy's Town! As expected, puro lalaki yung mga nakatira dito ah!! Andami nila! Ganito ba kadaming lalaki ang nagkakasala sa mundo! Kawawa naman sila!

Nagtanong ako dun sa information desk. May pulis na nakabantay dun at nagbabasa ng diyaryo. Tinanong ko siya.

"Riley Santinar?" pagtataka ng pulis. Inaalala niya siguro kung sino to!

"Andito pa po ba siya?" tanong ko.

"Naalala ko na! Wala na dito yang hinahanap mo!" 

"Ha? Asan na po siya?"

"May kumupkop sa kanya! Inampon siya, 1 year ago!"

"Talaga po?" di ako makapaniwala. Nakalaya na pala si Riley??

Napalingat-lingat ako sa paligid. Patingin-tingin sa mga lalaki at pilit na hinahanap si Riley. Di kasi kapani-paniwala tong pulis na toh eh!

Biglang may sumagi sa mata ko. Si Lola Andang ba 'yun? Shocks! Siya nga! At palabas na siya ng gate! Pasakay na siya ng tricycle! 20/20 pa naman ang vision ko kaya malinaw na malinaw na si Lola Andang nga yun! Bigla akong napako sa kinatatayuan ko hanggang sa marealize ko na dapat ko pala siyang sundan! Agad akong tumakbo palabas pero di ko siya naabutan! Siya ba ang kumuha kay Riley? Di kaya kasama niya si Riley? Pero, bakit naman siya pupunta rito kung kasama na niya si Riley? Naguguluhan na ako.

AUTHOR'S NOTE:

Kung naguguluhan si Ricka, mas naguguluhan kayo for sure! 

'Wag kayong mag-alala kasi malapit na kayo sa kalahati nitong istoryang ito!

A huge wave of twists and turns is waiting!

Please support and keep on reading!

Thank you.

Finding First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon