**CHAPTER 6: Revelation**

59 6 3
                                    

**Chapter 6: Revelation**

< Lola Andang's POV >

Nagluluto ako ng pananghalian para sa mga ampon ko nang may biglang kumatok sa pinto!

"Sino ka?"

"Kayo po ba si Andalina Santinar?"

"Ako nga! Anong kailangan mo?"

"Maaari po bang pumasok, Mrs. Santinar?"

Pinapasok ko yung pulis. Pinaupo ko siya! Pakiramdam ko, alam ko na kung anong pag-uuspan namin!

"Mrs. Santinar, base po sa second investigation namin, hindi po namatay si Mr. Elmer Vergara sa gun shot sa kanya! Ibig sabihin po 'nun, wala pong kasalanan ang--"

**Pak!!**

Sinampal ko 'yung pulis! Nakakaasar kasi siya eh! Ang sarap niyang patayin!

"8 Years siyang nasa piitan! Tapos ano? Ito lang ang sasabihin niyo? Wala siyang kasalanan?"

"Pero, Mrs. Santinar, ito po ang totoo, namatay po si Mr. Vergara hindi dahil sa ap--"

"Lumayas ka! Hindi ko kailangan ng paliwanag niyo! Layas! Layas!" pinagtabuyan ko yung mga walang kwentang pulis na to! Hindi ko matanggap yung sinabi niya!

*-*-*-*-*

< Auntie Mary's POV >

Tanghali na at kumakain kami ngayon ng pananghalian sa lamesa nitong binabantayan kong may sapak sa ulo! Si Ma'am Cheng! Hindi kami nag-uusap kasi alam ko namang walang kwentang kausap tong alaga ko! Nakakaawa nga eh! 

"Krinnggg! Krinngg!"

May tumunog na cellphone sa second floor! Isa ata sa mga kwarto ni Ma'am Cheng o ni Ricka! Dalawa lang naman ang kwarto dun eh!

"Uy, tumawag si Elmer!" agad na tumakbo paakyat si Cheng! Sasagutin niya ata yung cellphone! May cellphone naman si Mam Cheng, ang nakakapagtaka nga lang eh, sino naman kaya ang tatawag dun?

Napatingin ako sa kinakain ng alaga ko. Medyo ubos na rin kaya siguro umakyat na siya sa taas! Kung anu-ano na naman siguro ang gagawin niya!

Sinubukan kong umakyat sa taas kasi bigla akong na-curious kung sinong tumawag! Dahan-dahan akong umakyat sa hagdan hanggang sa unti-unting naging malinaw sa pandinig ko kung anong pinagsasabi ni Mam Cheng!

"Pa'no niya nalaman? Akala ko ba hindi nila madedetect yung gamot?"

Seryoso yung tono ng boses ni Mam Cheng! Parang hindi ko pa narinig na ganun yung tono ng boses niya!

"Asikasuhin mo yan! Ayokong mapahamak ha? Patahimikin mo kung kailangan!"

Ha? Anong patahimikin? Sinong patatahimikin? Malapit na ako sa pinto! Nasa loob kasi ng kwarto si mam cheng! Sino kayang kausap niya?

--"Klakatok"--

Triny kong buksan yung door knob pero nakalock!

--"Klakatik"--

Talagang sarado! Bakit nakalock! Bakit nakalo--

"AAAAAHHHHHH!! Umalis ka ditoooooo"

Sumisigaw na naman si Ma'am Cheng! Ano na namang problema niya? Hallucinations ata! Nakikita na naman niya ata yung bata! Yung Riley ba 'yun?

"Ma'am Cheng, ako lang 'to! Buksan mo ang pinto!'

Naghahalucinate na naman yung alaga ko! Buti at binuksan niya yung pinto! Niyakap niya ako at umiyak! Akala ko kung anong nangyari! After that, nakalimutan ko na yung narinig ko! Pero, feeling ko, iba talaga yung narinig ko! Pero, never mind! Ano namang pakialam ko?

Finding First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon