**CHAPTER 3:The Meet-up**

66 9 5
                                    

**Chapter 3:The Meet-up**

< Eroll's POV >

"Ang cute naman niya!"

"Shocks. Si Eroll."

"OMG. Nakakainlove siya!"

"Siya na! Siya na, gwapo!"

Putek naman oh. Ayan na naman 'yung mga malalanding girls na 'to. Di ako sanay. Sa Rehab kasi, puro kami lalaki. Buti nga't walang mga baliw na girls 'dun. Di tulad dito.

Papunta ako sa Room ng Section 1 na medyo malayo. Ang habang corridor pa man din ang lalakarin ko para lang mapuntahan 'yung babaeng nakilala ko sa Library. Ay mali, di ko pala siya nakilala. Di ko natanong yung pangalan niya. Mamaya ko na lang itatanong. Sana 'wag siyang magulat kung pumunta man ako sa Room nila.

Habang naglalakad ako, tilian naman nang tilian 'yung mga girls sa bawat room na nadadaanan ko. Parang may artistang napadaan. Di naman ako sobrang kagwapuhan, matangos yung ilong ko, makinis 'yung mukha ko, may eye glasses ako, maganda naman daw 'yung mata ko. 'Yan yung observation ng friend kong si Aida. Artistahin na ba 'yun? 

Siguro, ganun talaga. You can't judge your own reflection. Malay ko kung sobrang gwapo ko pala talaga kaya pinagkakaguluhan ako. Pero, I hate this. Ayoko ng ganito. Masyadong nagugulo 'yung buhay ko. I just want to be simple. Just a simple life !

Wait ! 'Yan na ba 'yung Room ng Section 1? Oo. 'Yan na nga. Anu ba 'yan? Pati ba naman 'yung mga girls ng Section 1, mga eskandalosa! Pero, sige! Dedma lang! Gusto ko lang makita yung cute na girl na 'yun. Ganda niya eh! Kakainlove!

"Sinong hanap natin dyan, Pre?"

May nagtanong. Pagkatingin ko sa bulsa ng Polo Blouse niya, may nakaburdang pangalan niya. "Aaron Benildo." Astig ng pangalan ah? "Class President." Ohhh. Now I know. Kaya pala para siyang siga!

Nasa harap na ako ng pinto ng classroom ng Section 1. Maraming nakatingin sa'kin, babae't lalaki. 'Yung iba, nagtataka, 'yung iba, parang ngayon lang ako nakita! Napaka-head-turner ko naman!

"May hinahanap kasi ako."

"Sino naman, ha?"

"'Yung babae kanina sa Library! 'Yung Vergara 'yung surname!"

"Anong kelangan mo sa kanya?" biglang napakunot 'yung noo niya. Biglang uminit ata 'yung ulo.

"Teka, hindi naman ikaw ang kailangan ko ah? Asan na ba siya?" pagalit ko ring sabi. Nakakainit din kasi siya ng ulo. HIndi naman siya 'yung hinahanap ko eh! "Pwede ko ba siyang makausap, Mr.President?"

"Hoy, Ricka! May naghahanap sa'yo!" masungit niyang sigaw. Kala mo, menauposal baby 'tong president na to ah?

Ano nga palang sabi niya? Ricka? Shet. Siya na kaya 'to? Siya na kaya 'yung matagal ko nang hina--

"Anong kailangan mo?"

'Uy. Anjan na pala siya sa harap ko. Di ko namalayan ah?

"Di'ba sabi ko pengeng time?" bigla kong sabi.

"Ha? Ngayon na?" takang taka yung mukha niya. Mag-o-overlap na 'yung dalawa niyang kilay. Pero cute pa rin siya! Ako naman, nakangiti lang! Siyempre, kaharap ko na 'yung anghel eh, kailangan ko namang magpa-impress! 

"Oo. Ano? Halika ka na?"

"Pero, di pa ako ta--"

*-*-*-*-*-*-*

< Ricka's POV >

"Pero, di pa ako ta--" di na talaga ako natapos sa sinasabi ko. Ikaw ba naman ang higitin bigla sa kamay, makakapagsalita ka pa kaya? Ang bilis niya pang lumakad kaya mukha tuloy akong tangang kinakaladkad sa corridor na parang bata! Andaming nakatingin oh? Nakakahiya tuloy! "San mo ba ako dadalhin? San ba tayo pupunta? May binabasa pa kaya ako!"

Di ko na namalayan, nakalabas na pala kami ng Building na 'yun. Sana matapos na 'yung Break Time para matakbuhan ko na siya. Grabeng kahihiyan na 'to noh !

"Maupo ka! " napaupo naman ako dun sa bench. Hila-hila niya ako eh kaya nagdiri-diretso lang ako. Nandito kami sa grassy field na medyo maraming puno. Buti na lang may katabing puno 'yung bench kaya malilim naman.

"Teka! Teka! Teka!" napatayo ako sa pagkakaupo ko. Feeling ko kasi nagiging uto-uto na ako. "Ano bang kailangan mo? Alam mo bang may ginagawa pa ako sa room ha? Tapos kung makakaladkad ka, parang wala ng bukas. Ano ako? Bata?"

"I'm Eroll Walterson." inabot niya yung kamay niya sa'kin para shake-hands daw kami. Ang ganda naman ng sagot niya. Out of this world! Junior ba 'to o Preschool? Haaay naku!

"Ricka Vergara." inabot ko naman 'yung kamay ko. Di kami nag shake-hands, nag-hawak lang ng kamay. Agad ko namang tinanggal 'yung kamay ko. Nakakailang eh!!! Gwapo pa naman! Papable na papable! Biglang nag-bell. It means tapos na 'yung break time! Sayang naman! "Ayan na! Nabigay ko na 'yung time na hinihingi mo! Pwede na po akong umalis?"

"Sige. Salamat!!"

Ako naman, eto, tanga-tanga! Aalis agad. 'Yun na 'yung chance eh. Siya pala yung Eroll na taga-section-8 na pinagkakaguluhan ng maraming girls dito sa school. Hindi ko siya masyadong kilala kasi transferee lang siya. Gwapo naman talaga eh, kahit nakasalamin siya!! Siguro, mas lalo siyang charming kung walang eye glass!!

Akmang aalis na ako, wala pa rin siyang imik. Lalagpas na ako sa kanya pero parang wala lang. Di niya ba ako pipigilan? 3 meters away na ako sa kanya oh!! Nakatalikod lang siya. Parang napako ata sa kinatatayuan! Pero, bakit ba ako nag-e-expect na pipigilan niya ako? Hmm. Mukhang lumalandi na ako ah?

"Bukas. Break time. Free ka?"

Shocks!! Lumingon siya! Napalingon din naman ako. Narinig niyo yung sinabi niya?

"Free ka bukas? Kung free ka, puntahan kita sa room niyo!"

Aayy!! Ulitin ba raw? Narinig ko naman eh!! Di naman ako bingi! Anong kayang isasagot ko?

a. Oo.

b. Yes.

c. Sure.

d. All of the above.

"All of the above?" putek naman! Ano na 'yung sinasabi ko? Nakita ko, parang nagulat siya! Hahaha! Anu ba 'yan, napakatanga ko naman! "Este, sige! Free naman ako bukas eh!"

Dahil sa katangahan ni Ricka, pinapaalala po ni Kuya Joncis na sana 'wag niyo daw pong kalimutang mag-vote at mag-comment! Salamat daw! Anung connect?

Finding First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon