**CHAPTER 1: The Flashback**

107 9 2
                                    

**CHAPTER 1: The Flashback**

8 YEARS AGO.

< RICKA's POV >

"Anong name ng lola mo?"

"Lola Andang."

"Yuck. Bakit ganun 'yung name? It's creepy. Are you sure?"

"Mabait naman 'yun kahit ganun yung pangalan. Eh bakit 'yung lola mo, anong pangalan? "

"Lola Ising."

"Ano? Lola Ising? Hahahaha. Tingnan mo, mas panget pa pala pangalan ng lola mo eh. Hahahahaha."

"What's funny about it? Anong panget? Mas panget pangalan ng lola mo. *belat*"

"Hahaha. Asan na 'yung lola mo, bakit di ko nakikita?"

"Wala na siya. Patay na si Lola Ising." bigla akong sumimangot. Nalungkot ako nung maalala ko si Lola Ising. Andami kong memories kasama siya kaya nakakapanghinayang talaga.

"Sorry. Dapat di ko na tinanong." malungkot na sabi ng kausap ko. Siya si Riley Santinar. Bestfriend ko. My one and only Bestfriend sa Subdivision na 'to. Nandito kami ngayon sa  central playground ng Sta. Cruz Subdivision kung saan ako nakatira. Di naman ako panget pero simula nang lumipat kami sa subdivision na 'to, wala man lang akong naging friend maliban kay Riley. Panget ba ako? Sabihin niyo nga. Icomment niyo na lang para malaman ko. Hahaha.

Well, hindi ko pa pala nai-introduce ang sarili ko. Ako si Ricka Vergara. I'm half japanese/half filipino. Tortang pinoy si Papa Elmer Vergara, pritong Japanese naman ang Mama kong si Cheng Ogonaki. 3 years old pa lang si Mama nang dalhin siya dito nina lola at lolo. Tapos, dito na siya lumaki. Basic Japanese nga lang ang alam niya eh. Tinuturuan niya rin ako paminsan-minsan 'pag may time siya. Busy kasi siyang tao. Businesswoman kasi ang drama niya. Kaliwa't kanang negosyo na ang naipatayo niya. Andami niya pa ngang pinapautang eh. Feeling ko nga , may lahing arabo ang Mama ko. Parang Bumbay lang kung magpautang eh. Peace Ma !

Si Papa naman, pulis-pulisan ang drama. Pero kahit tagapagtanggol siya ng sangkatauhan, di siya marahas tulad ng iba. Mabait si Papa. Wala nga syang bisyo eh, kahit sigarilyo o alak. Kaya nga Idol na Idol ko yan. Someday, magiging pulis din ako tulad ni Papa.

So dahil sa napakahabang introduction ng bida, dito na po nagtatapos ang istoryang ito. Joke!

*-*-*-*-*-*-*-*

< Riley's POV >

"Sorry. Dapat di ko na tinanong." nalungkot ako nung marinig kong patay na pala ang Lola Ising ng bestfriend ko. Sa ganung way, nakakarelate ako sa kanya. Naawa nga ako eh. Pero, actually, mas kaawa-awa ang sitwasyon ko.

Nag-iisa na lang ako. For short, ULILANG lubos. One year nang ganito ang sitwasyon ng kawawang tulad ko. Namatay sina Papa at Mama sa isang Car Accident before my Actual Pre-School Graduation. Ang saklap 'no? But, on the positive side, anjan pa naman si Lola ANDANG. Swerte ko nga eh. Tsaka pala si Tito Alfred na nasa U.S.. Tinutulungan niya kami ni Lola financially. Di ko siya kaano-ano pero ang sabi ni Lola, kaibigang matalik siya ni Papa. 

But, never mind him. Hindi naman siya ganun kaimportante. Saling-kitkit kumbaga. Ang sama eh no ? Pero syempre joke lang 'yun. mahal ko rin naman si Tito Alfred kahit di ko man lang nakikita ang hitsura niya.

Bakit ba ako nagkekwento sa inyo? Di niyo pa nga ako kilala di'ba? Well, para maumpisahan na natin 'tong lovestory na 'to, ii-introduce ko na sarili ko. Ako si Riley Santinar. Kaisa-isang anak, syempre ni Papa at ni Mama. Sino pa ba? Kasama ko lang sa bahay ang Lola Andang ko. Dito kami ngayon nakatira sa Sta. Cruz Subdivision at katapat lang namin ang bahay ng Bestfriend kong halfcooked Pinoy/halfcooked Japanese - si Ricka. 

"Okay lang." nakangiti na si Ricka. Buti naman. Akala ko iiyak na 'tong babaeng to. Muntik ko nang makalimutan. Grade 2 pa lang kami kaya medyo walang sense 'yung mga conversation namin.

"Uwi na tayo." pagyayaya ko. Napatingin ako sa kanya pero siya, nakatulala sa malayo. Ano kayang iniisip niya?

"Uy. Sabi ko, uwi na tayo." tinaasan ko nang kaunti ang boses ko.

"Ha?" buti naman at bumalik na siya sa katinuan. Tiningnan niya ako. Napakunot yung noo niya.

"Uwi na tayo?" tanong ko.

...

"Sige. Angkas ako ulet?" sabi niya. Palagi kasi kaming nakasakay sa bike 'pag pupunta sa playground. Di naman siya marunong mag-bike kaya palagi ko siyang inaangkas papunta at pauwi.

"Siyempre naman. Bestfriend kaya kita. Di kita pwedeng iwan dito."

"Talaga? Di mo ako iiwan?"

"Oo naman. 'Pag bestfriends, walang iwanan."

"Pano kung magkahiwalay tayo? Pano kung isa sa atin ang umalis?"

"Anong aalis? Sinong aalis?"

"Tulad ko." sabi niya sabay yuko. Dinuyan niya nang kaunti ang swing. Biglang binalot ng katahimikan ang paligid. Napaisip ako.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Aalis na kami." mangiyak-ngiyak niyang sabi. Nangingilid na 'yung mga mata ng bestfriend ko. "Lilipat na kami sa Japan. Dun na kami titira. Pero babalik din kami 'pag High School na ako."

"Akala ko ba, 'pag Bestfriends, Walang iwanan ?"

"Sorry, Rylie. Babalik naman kami eh. Wag kang mag-alala. Let's have a deal na lang."

"Anong deal naman 'yan?" matamlay kong tanong. Bigla akong nalungkot. After one year since mawala si Papa at Mama, bestfriend ko naman ang mawawala? Ano bang kasalanan ng isang Grade 2 student na tulad ko? Haaaay. :(

"Dapat makilala natin ang isa't isa 'pag nakabalik na ako. Kung sino ang unang makakilala, ititreat siya nung nakilala niya. Deal?"

"Deal. Pero pano kita makikilala?"

"May nunal ako sa likod ng kanang tenga. Diba unique? Ikaw?"

"Ammm." napaisip ako. Ano naman kayang sasabihin ko? Ano naman kayang unique sa katawan ko? Yung nunal ko na lang kaya sa pwet ko? Pero, kadiri. Kailangan niya pang tingnan yung pwet ko? Eeeewww. Wag na lang 'yun. Napatingin ako sa hita ko. Oo nga pala. Bakit di ko naisip? May maliit na balat nga pala ako sa kaliwang hita. Medyo nasa gilid siya. Cute din yung hitsura kasi mukha siyang Africa."Alam ko na. May balat pala ako kaliwang hita. Africa yung hitsura niya. Pwede na ba 'yun?"

"Pwede na 'yan."

Napangiti ako. Tinitigan ko siya.

Tumitig naman siya sa'kin.

Ang ganda ni Ricka. Para siyang Angel in Disguise. Siguro, tinakwil siya sa langit kaya nandito siya sa lupa. Bakit kaya? Anong kasalanan niya sa langit? Dahil ba, ang haba ng mga pilik mata niya? Dahil ba yung lips niya parang lips lang ni David Archuleta, este ni Anne Curtis pala? Dahil ba sobrang bait niya saken? o baka naman dahil siya ang first love ko at may mission pa siya sa lupa at yun ay paligayahin ako? Alin ba dito?

"Uwi na tayo." bigla siyang umimik. Nasa earth pala ako, akala ko kasi nasa Heaven ako. May katabi kasi akong anghel eh. Biglang bumalik yung consciousness ko.

"Sige."

"Punta ka pala sa bahay bukas. Andun si Papa kasi birthday niya. Maglaro tayo dun."

To be continued ...

Finding First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon