**CHAPTER 8: The Transferee**

76 8 2
                                    

**Chapter 8: The Transferee**

Haaayy.. Hiningal ako dun ah!!! Grabe! Ang bilis ng takbo ko! sino kaya 'yung sumisitsit dun? 'Yung kapre kaya 'yun o may nantitrip lang sa'men? Well, definitely, hindi na talaga ako dadaan 'dun sa street na 'yun! Ang dilim-dilim tapos may malaking nakakatakot na puno pa! Eeeee ... Nagsisitayuan tuloy 'yung mga balahibo ko nang di oras! Pero, 'pag naaalala ko 'yung ginawa sa'kin ni Eroll, shett, hihimatayin ata ako! Sa sobrang kilig!

**Flashback**

"Pssssst."

"WAAAAAAAHHHH!!"

Kumaripas agad kami ng takbo. Kaming apat! Para kaming mga tangang hinahabol ng kung ano! Takbo lang kami nang takbo! Sige lang, Ricka! Kaya mo 'yan! Maaabot mo na 'yung finish line!!

"Huh! Huh! Huh! Huh! Nakakapagod! Hinto muna tayo!" sabi ko sa tatlong kasama ko.

"Tama ka! Huh! Huh! Huh! Asan na 'yung dalawa?"

"HAAAAA???" halos mapasigaw na ako nang mapansin kong dalawa lang pala kami ni Eroll na magkasama. Nasaan na kaya 'yung dalawa?

Si Arlyn at Aaron.

Teka, Anong street ba 'to? Tingin-tingin muna ako sa paligid ...

Tingin ..

Tingin ..

Ayun!

"Doctor Street." pootek naman oh! Hindi ito 'yung daan ko pauwi! Napalayo ako! Lagot na!

"Alam mo ba 'to? Huh! Huh! Huh!" tanong ni Eroll. Bakas pa rin sa boses niya ang matinding hingal! Tumigil na 'yung paghingal ko pero si Eroll, hinihingal pa rin! Pansin na pansin ko 'yun!

"Oo. Malayo na nga 'to sa bahay ko eh! Teka, bakit ka nagkakaganyan? Anong problema mo?" oh di'ba concern ako! Ayeee! "Bakit hingal na hingal ka pa rin?"

Lumapit ako kay Eroll. Siya naman, nakahawak lang sa tuhod niya! Ocho-ocho position ba! Nakayuko lang siya na parang may sakit na ewan!

Kinakabahan naman ako! Lord, 'wag niyo po muna siyang kunin sa'kin, Please!

"Okay ka lang? Anong nangyayari sa'yo?"

"Okay lang ako! Huh! Huh! Huh! Inaatake lang ako ng hika ko!"

HUWAAAAAATTTT?? Inaatake ng hika si Eroll! Anong gagawin ko? Isip. Isip. Isip.

Tiiiinngggg!!!! (Lightbulb!)

"Wala ka bang gamot, inhaler, o kung anuman para 'dyan? Hindi ka ba nagdadala?" tarantang taranta kong tanong. Bigkang sumikip 'yung dibdib ko. Pero, carry pa 'yan! Di ako pwedeng atakihin ngayon, kailangan ko pang gamutin si Eroll.

"Khhhunin mo sa bhhhag!" napaupo na siya sa kalsada. Agad ko namang kinuha 'yung bagpack niyang nakasukbit sa likod niya at hinalughog 'yung mga laman! Shet! Andaming gamit! Kapa dito, kapa diyan! Hagis dito, hagis diyan! DI KO MAKITAAAAA!

"Asan ba? Ha? Di ko naman makita eh!"

Naninikip na 'yung dibdib ko! Kinukulang na ako sa hangin! Sumasakit na rin 'yung ulo ko!

"Andhhhyan lang! Hanapin mhho! Huh! Huh! Huh!" hingal na hingal pa rin si Eroll! Kailangan ko na talagang mahanap 'yung lintik na punyemas na Inhaler 'yan! Asan na ba kasi 'yun?

Napahinto ako saglit. Hinimas ko ang dibdib ko. Hindi ko na kaya! Ang sikip-sik--

BLAAAGG!

Bumagsak ako!

"Oh, Anong nangyari sa'yo? Ba't ka nagkakaganyan?" tumayo si Eroll sa kinauupuan niya at lumapit sa'kin! Hinawakan nya ako sa likod at dahan-dahang inangat sa pagkakahiga ko!

Finding First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon