**Introduction**

145 8 6
                                    

< Introduction >

"WAAAAAAAAAAAAAHHH!!"

 Shocks. Anu 'yun ?

"WAAAAAAAAAAAAAAHHH!! SINOOO KAAAA?? LAYUAN MOOO KOOO!!"

Putek naman oh. Sa kabilang kwarto ba 'yun? Ang ingay naman. Natutulog yung tao eh.

"ANO BAA??BITIWAN MO KOOO!!!"

Wait.Teka.Si Mama 'yun ah? Ay hindi. Baka kapit-bahay lang. Mga iskandalosa kasi 'tong mga kapit-bahay namin eh.

"Yamero yo!! Tigilan mooo kooo!"

Aba! May Japa-japanese pa siyang nalalaman ah? Sosyalerang kapit bahay naman 'to. Sino kaya 'yun?

"Elmer!! Tulungan mo kooo!!"

Elmer? Sinong Elmer? Si Papa ba 'yun ? Shocks!! (O.O) Sabe ko na nga ba eh. Si Mama na naman. Bakit ngayong gabi pa? Bakit ngayong ang himbing himbing pa ng tulog ko. Tulo laway pa nga ko oh? Kita niyo?

Mabilis akong tumayo mula sa pagkakahiga ko sa kama kahit na parang may magnet sa ilalim ng unan ko na humihila sakin pahiga.  Haaay. Anu na naman kayang problema ni Mama.  Inaatake na naman ba siya? Lagi na lang.

"Oh anak , buti nandito ka na!" takot na takot na sabi ni Mama pagkabukas ko ng pinto, sabay yakap sa'kin. Nasa kabilang kwarto lang siya ng bahay namin kaya ang bilis ko. 

Napakamot naman ako ng ulo. Pa'no ba naman kasi, mangiistorbo na nga lang, ngayon pang bumubuo ako ng mapa sa mga unan ko. 2:00 AM pa lang kaya! Haaay. Buhay naman talaga oh, PARANG LIFE!

"Ano na namang problema, Ma? " I said patiently.Dahan-dahan kong tinanggal 'yung pagkakayakap niya, hinawakan ko siya sa magkabilang braso at hinarap. Napakunot yung noo ko. " Ano na naman 'toh, Ma? "

"Anak,andyan na naman si--"

"Sino? Si Riley? Si Riley na naman?" actually, nagpipigil lang ako ng inis. Kakagising ko lang kasi eh. Alam ko naman kasi kung anong klaseng drama na naman 'to. 

Humakbang akong kaunti palapit sa kama ni Mama. Napakasarcastic nung expression ko. Huminga muna ako nang malalim bago gawin ang isang bagay na nagawa ko na ata ALMOST a thousand times na - ang magEXPLAIN,

"Ma, how many times should I explain this? Paulit-ulit na lang ako. Patay na si Dad at nakakulong na yang punyetang Riley na 'yan! That was 8 years ago, Ma! Kaya please, itigil mo na 'yan! Pagod na pagod na ako!"

 Biglang tumahimik si Mama. Nakayuko lang siya.

 ...

"Bakit?" mahina niyang sabi. 

Biglang sumikip yung dibdib ko. Parang feeling ko may "MANO PO 9" na mangyayari.  

" Bakit? ... Ikaw lang ba ang pagod? .... Ikaw lang ba ang nahihirapan?? " dagdag niya.

Shet.  Umiiyak si Mama.  Nababasag yung puso ko.  After 8 Long Years , ngayon ko lang ulit nakitang umiyak nang serious ang Mama ko.

 " Hindi lang ikaw....    Ako rin,Anak!!! ..  Ako rin! Pagod na pagod na ako! Gusto ko nang sundan ang ama mo pero may pumipigil sa'kin... Alam mo kung ano? Ha?"

 ...

 < Long Dramatic Silence >

 ...

"Prrruuuutttt!!"

Ouch.  Yun na ba 'yun?  Yun na ba yung pumipigil kay Mama?  Punyemas naman!! Nangingilid na yung mata ko sa luha oh! Makukuha ko na yung Best Actress sa FAMAS, bakit ganyan pa? yuCK.

 "Prrruuuttttt!!"

 "WAAAAAAAAAAAAHHHH!!!" napasigaw na lang ako nang di oras.  Ambaho kasi eh.  No offense , Ma!

Pero, on the other hand, di ako pwedeng magalit kay Mama.  Kahit naman may sapak 'yan sa utak, in short, may "Mild Schizophrenia", eh mahal at iginagalang ko pa rin 'yan . Kaya kailangan cool lang ako parati lalo na sa ganitong sitwasyon. 

Pagkatapos nung moment na 'yun, tawa nang tawa si Mama. Na-ha-hyper na naman siya. Sa sobrang kahyper-an, nakatulog na siya nang mahimbing after 1 hour.

Ang kulit ni Mama 'no? Parang bata lang.

'Yan si Mama.  Para specific, Cheng Ogonaki.  May "MILD SCHIZOPHRENIA" dahil sa extensive drug intake after mamatay ni Papa. Masyado niyang dinamdam ang pagkamatay ni Papa kaya lumuwag yung turnilyo(alam niyo na 'yun.) Simula 'nun, nagkahirap-hirap na 'yung buhay naming dalawa. Only child lang naman kasi ako. Nalugi yung negosyo niya at wala naman kaming masyadong kamag-anak. Yung Tito Ferdie ( side ni Papa) ko lang 'yung tumutulong sa'min. Binibigyan niya ako ng allowance every month. Andun na yung pangkain namin ni Mama at expenses ko para sa studies ko. 15 pa lang kasi naman ako, di pa ako pwedeng magtrabaho. 

Langhiyang "LABOR CODE OF THE PHILIPPINES" yan, wala bang consideration sa mga tulad ko. :(

Masaya naman kami dati eh. Perfect nga yung pamilya namin at walang problema.  I want it back but it's too late na. Complicated things ruined my life. Mamaya niyo na lang alamin kung ano yung mga "complicated things" na 'yun.

Basta.

I hate this STATUS.

Finding First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon