Kaguluhan

543 26 0
                                    


Natsu POV

Nakita ko sila Moon na natataranta doon sa kinauupuan nila kaya pumunta agad ako.

" Anong mukha yan?"

" Utol, si Clarisse, nawawala." Nawala agad yung ngiti ko sa labi ko.

" ANO!? Bakit hindi mo agad sinabi? Saan natin hahanapin yun? "

" Pinatawag kasi siya sa principal office tapos akala ko nandun lang siya pero sabi ni ng principal kanina niya pa pinapunta sa room nung second subject pa." Paliwanag ni Moon sakaakin.

" Shit! Tara hanapin natin maghiwa hiwalay na tayo para mabilis. " Tatakbo na sana ako nang hilahin ako ni Carlo.

" Ang O.A mo ha! Kapatid mo yun kaya niya sarili niya kailan kapa naging ganyan sa kapatid mo?"

" Oo nga. Ang weird lang ha. Kanina din simula nung pumasok kami neto" Turo ni Cyril kay Carlo.

" Oo nga. Kanina nung late ako akala ko susungitan niya ako pero pinapasok niya agad ako. Tapos parang ang seryoso niya na kumilos nitong mga nakaraan." - Mhico.

" Oo nga pala hindi niyo pa alam na may Amnesia si Clarisse nakalimutan kong sabihin. Pasensya na."

" Ano! Amnesia!?" Sabay sabay nilang sabi.

" Seryoso kaba dyan!" - Carlo

" Anong nangyari? " - Cyril

" Pano? Kailan pa?" - Mhico

" Dami niyong tanong! Hanapin nalang natin siya hindi niya kaya mag isa! " Naghiwalay hiwalay kami agad.

" Clarisse! " Sigaw ko sa Gym. Hinanap ko siya sa kung saang sulok nang gym.

Carlo POV

" Parekoy. Nandito ka ba?" Tinanggal ko yung bulaklak sa vase.

" Baho ah!" Binalik kona ulit yung bulaklak.

Kinuha ko yung telescope na naapakan ko. Pagkasilip ko nakakita ako nang mata.

" Wow. Mata na galit to ah. Parang mata ni... Mata ni.." Nabitawan ko yung telescope.

" Sir, Mj!"

Cyril POV

" Clarisse. Where na you dito na me." Pumunta ako sa likod nang school.

" Clarisse. Sumagot ka naman para lang akong gago dito ah."

Mhico POV

" Clarisse! Clarisse! Nasaan kana ba? " Kung saan saan kona siya hinanap kaya lang hindi ko talaga makita.

Yumuko ako nang may narinig akong naglalakad papalapit dito.

Pagka liko ko nauntog ako.

" Aray!" - Ako

" Aww!" - Siya

" Mhico! Bakit mo naman ako inuntog sayo!?"

" Malay ko bang nandiyan ka. May narinig kasi akong kaluskos."

" Ako rin eh! Ikaw lang pala."

Natsu POV

Napapunta ako sa harap ng gate. Dito daw nila huling nakita si Clarisse sabi nang mga pinag tanungan ko.

" Aray." Napatingin ako sa babaeng bumangga saakin. Nahulog yung mga gamit niya kaya tinulungan ko siya.

" Okay ka la—Ashleen?"

" A-ah... Pasensya n-na s-sige mauna na a-ko." Aalis na sana siya nang hilahin ko siya papunta sakin.

" B-bakit?"

The Momeries of the Troublemaker [Completed] [EDITING] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon