Secret

221 14 0
                                    

Clarisse POV

Dahan-dahan ko minulat ang mga mata ko. Hindi ko alam kng nasaan ako ang blurred pa ang nakikita ko sa paligid pero habang tumatagal ang lumilinaw din ito.

" Clarisse. " 

" Kamusta, okay kana ba? "

" Anong nangyari?"sabi ko habang nakahawak pa din sa ulo ko.

" Nawalan ka ng malay kanina. "

" Sorry..."

" Para saan? "

" Sorry...dahil hindi ka nag enjoy sa araw na'to. Buong araw mo ba akong binantayan?"

" Don't think too much. Just rest." pagkasabi niya nun ay tumayo siya.

" Aalis kana? "

" Bibili lang ako ng pagkain. Magpahinga ka muna dito. " sabi niya habang nakahawak sa kamay ko.

Gaya ng sinabi niya ay nag intay lang ako dito sa clinic, ilang minuto at oras ang lumipas pero hindi pa rin siya bumabalik.Napatingin ako sa wall clock, 12:48 am. Ako lang ang mag isa ang nandito. 

Nag desisyon na akong umalis dito sa kinahihigaan ko dahil nag aalala na ako at nabibingi ako sa katahimikan na bumabalot dito. Agad akong lumabas sa clinic at malamig na hangin ang sumalubong sa'kin.

" Jc... " bulong ko, medyo sumakit ang ulo ko dahil pinilit kong tumayo kaysa magpahinga, pero kasi hindi ako matatahimik 'pag hindi ko nakikitang okay siya. 

" Gray? " nagulat siya nung makita ako.

"  Nakakalerki ka. Alam mo bang nag alala ako sayo. " napakunot naman ako ng noo sa sinabi niya, hindi naman siya ganito magsalita.

" Gray. Ikaw ba'yan." 

" Yes, ito talaga ang totoong Gray, ang totoong ako. Duh! O, ngayon alam mona puwede pa rin naman tayo maging friends." sabi niya at napairap sa'kin.

" Ang totoo, nahalata kita nung una tayong magkita 'yong tinulungan mo ako. Hindi ko lang sinabi dahil baka mali ang akala ko at baka ma offend pa kita"

" Busted pala agad ako." natatawa niyang sabi. " Pero kung hindi ka sanay na ganito ako magsalita pwede naman akong maging lalaki. " sabi niya sabay kindat kaya napairap ako sa sinabi niya.

Bigla nalang siyang napatalsik dahil may bumunggo sa kanya." Ahh! " sigaw ni rolleng nung makita niya si Gray.

" Kung makasigaw ka diyan. Mukha ba akong halimaw. Duh!"

"  Katakot kasi 'yang mukha mo."

" Wow ha. Ano pa mukha mo ghurl?"

" Maiwan kona kayo, hahanapin ko lang si Jc."

" 'Yong lalaking masungit ba? Nakita ko doon sa may garden kasama 'yong mgakaibigan niya pati 'yong mga kapatid mo."

"Ganon ba? Ang akala ko kasi kung ano na ang nangyari sakaniya." 

" Gusto mo bang puntahan natin? " alok ni rolleng kaya napatanggo naman ako.

Ilang minuto lang ang inabot namin bago makarating doon sa Garden, napapahawak pa din ako sa ulo ko dahil sumasakit pa din ito. " Okay kalang? " tanong ni Gray at napatango naman ako sakanya.

" Ayun sila. " nguso ni Rolleng. Npangiti ako nung makita ko sila balak ko sanang lumapit kaso napatiggil ako.

" Tigilan na natin 'tong plano na'to."

" Tingin niyo magiging masaya si Clarisse?  Ibang iba na siya at hindi kona gusto 'yon"

" Sa totoo lang hindi ko din gusto 'yong pagiging mabait niya ngayon."

" Okay naman siya, kung ano-ano lang iniisip niyo."

" Ilang buwan na ang nakalipas wala paring nag babago. Naiintindihan niyo ba ha?"

" Mimamadali niyo kasi. "

" So, anong plano bang naiisip niyo?"

" Ipain ulit nain si Jc."

" Ewan ko sainyo. Basta ayoko na nito."

" Utol! Para sakaniya din 'to---" Hindi ko alam kung kaninong mga boses ang naririnig ko, bigla ulit umikot ang paningin ko at napabagsak sa sahig agad naman nagulat si Gray at Rolleng. Inalalayan nila ako.

" CLARISSE!?" Hindi ako maka focus nanghihina ako, nanlalamig na naman ang pawis ko at medyo nanlalabo ako paningin ko.

" G-gusto niyo akong mawala..." nanghihina kong sabi, pinipilit kong ngumiti pero luha ang lumabas sa mata ko.

" Kahit anong alala ko, wala akong maalala kahit isa...sinusubukan ko naman. "

" Pero bakit ganito..." dahan-dahan kong tumayo at naglakad paalis narinig kong tinawag pa nila ako pero hindi ako lumingon. Habang palayo ako ng playo, sunod-sunod ang patak ng luha na lumalabas sa mata ko.

NORMAL POV

" Mga mang gagancho kayo, mga tokhang" turo ni Gray saknila.

" Sinaktan niyo si Clarisse." seryosong sabi ni Rolly habang nakatingin sa kanila. " Pinagkatiwalaan niya kayo. Tsk." Sabi ni Rolly habang inis na inis sakanila.

" Mga mang gagamit! Nakakalerki!" sabi ni Gray habang binabato sila ng dahon.

Hahabulin na dapat ni Jc si Clarisse kaso biglang humarang si Rolly sa dadaanan niya. " Hanggang d'yan ka lang. " nandilim ang tingin ni Jc dahil sa ginawa ni Rolly.

" Who do you think you are? " maangas na sabi ni Jc habang hawaka ng kwelyo nito.

" Bakit ba kayo na nge-ngealam dito? " singit ni Carlo habang inaawat si Jc.

" Mga mangagamit kasi kayo! tignan niyo ginawa niyo kay Clarisse." sabi ni Gray.

" Tarantado ka. Wala kang alam dito." Susugudin na sana ito ni Cyril pero pinigilan siya ni Moon.

"  Mga drug Lord! "patuloy na pang aasar ni Gray.

" Siraulo pala 'to eh." inis na sabi ni Jubya at aambahan niya na sana kaso pinigilan niya ang sarili niya.

" Mukha ba kaming adik? at kung meron man si Mhico 'yon!" sigaw ni Aira kay Gray.

" Oo nga--- Teka. Ako 'yon, e." sabi ni Mhico at napakamot sa ulo.

" Nag react kapa talaga? " batok sakanya ni Erza.

Clarisse POV

Malapi na akong makalabas sa gate pero napatigil ako ngn marinig kong tinatawag ako ni Gray. 

" Baklaaa! " sigaw niya at napatingin ako sakanya.

"G-gray..." naiiyak kong sabi sakanya habang siya nakatingin lang sa'kin. " Gusto k-kong mapag isa." sabi ko habang pilit na ngumingiti.

" P-pero..." sabi niya habang nakatingin pa din sa'kin.

" Sige, pero hayaan mo akong samahan ka, iiwan na kita kapag alam kong safe kana. Delikado ngayon. Anong oras na din." napatango ako sakanya.

Itutuloy...

The Momeries of the Troublemaker [Completed] [EDITING] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon