Over

238 12 0
                                    


JC POV

Hindi kona alam ang gagawin ko, hindi rin ako makatulog ng maayos dahil sa nangyari. Mababaliw na ako kakaisip kahit tawag ko hindi sinasagot ni Clarisse. Wala din akong ideya kung nasaan siya. Dapat nandito na siya sa school pero wala pa rin siya.

" Shit! " Sipa ko 'yong sa lamesa sa canteen at napatalsik naman ito.

" May halimaw."

" Ngayon ko lang ulit nakitang sumipa . Kyaah. Ang hot."

" Utol, itigil mona 'yan, ang dami mo ng nasisrang lamesa." sabi ni Cyril.

" Kaya ko 'yang bayaran. "

" Edi...Ok" Napatingin si Cyrl kay Carlo.

" Pero kahit n----" naputol ang sasabihin ni Moon ng bigla akong magsalita.

" Can you please shut up." 

" Huwag kang magmalinis dito, pumayag ka dito diba? Bakit ka nagkakaganyan? " Naiiritang sabi ni Jubya.

" Diba kayo nga ang pumipilit sa'kin sa walang kwentang plano na'to." 

" Don't call it walang kwenta. " singit ni Taru.

" Anong tawag mo dito? " sarcastic kong sabi sakanya.

" Utol, ano ba bakit kaba nagkakaganyan. " sabi ni Moon habang nakahawak sa balikat ko.

" Walang mangyayari kung magsisisihan tayo dito." sabi ni Taru

" Tumigil na kayo, kung ganito lang din ang mangyayari. Mabuti pang itigil na natin itong kalokohan na'to kapatid ko naiipit dito. e," kalmadong sabi ni Natsu kahit halata na na galit siya. 

" Ikaw utol, hindi...Jc..." panimula niya kaya napatingin ako sakanya. " Kung hindi ka umalis, edi sana masaya pa siya ngayon. Ikaw ang puno't dulo ng lahat!"Inis na sabi niya sa'kin na kinagulat naming lahat.

" Wala kang alam, Natsu." 

" Oo wala nga, paano ko malalaman? Lagi mong sinosolo. Ikaw lang gumagawa mag-isa mo. Napaka selfish mong tao, Jc."  

" Ano bang silbi ng pagkakaibigan na'to kung nagsasarili lang din tayong lahat." dagdag niya.

" Ano bang gusto mo?"

" Gusto ko malaman ang lahat. Alam mo lahat diba, kaya ka nga naging presidente ng campus na'to dahil sa sobrang dami ng nalalaman mo. Ishare mo naman para magka ideya kami." maangas na sabi niya at tinulak ang dibdib ko kaya napaatras ako sa ginawa niya. 

" Kumalma nga kayo." pumagitna saamin si Moon.

" Ang hirap sayo Moon lagi ka nalang si kalma.  Paano tayo mag kakaayos kung ganito? Bwisit!" Inis na sabi ni Natsu habang hinampas ang lamesa bago tuluyang umalis sa harapan namin. 

" Utol..." Mahinang sabi ni Carlo.

" Utol, Pano na 'yong----"

" Tama na Carlo. Iitigil mona 'yan hindi sila makikinig sa'yo." sabi ko.

" O, edi sige, Mag kanya-kanya na tayo, 'yan ang gusto niyo?" Inis na sabi ni Cyril at umalis sa harapan namin.

" Para namang kaya niyo ng ganon-ganon lang. Makikipag break nalang ako kay Ashlen kaysa nawala 'yong mga utol ko. hehehe" 

Ilang minuto kaming natahimik at tingnan nila ang isa't isa. Huminga muna ako ng malalim bago umalis sa harap nila. " Jc.." Mahinang sabi ni Carlo.

Tingnan ko nalang si Carlo bago tuluyang umalis.

Carlo POV

Mag isa nalang si Carlo. Kawawa naman ako.  Ilang araw na akong hindi tumitigil kakahanap kay Clarisse hindi na rin ako pumapasok hindi ko alam na tinitoo nila ang sinabi nila na walang pansinan. Kahit sulyap wala man lang, kung magkakasabay naman kami ng mga dadaanan sila na ang gumagawa ng paraan para umiwas.  

Masakit para sa'kin to. Eh anong magagawa ko ngayon? Hindi naman sila nakikinig sa'kin dahil alam nila puro ako kalokohan. Hmp!

Carlo POV

" Galit kaba sa'kin Carlo?" tanong ni Ashleen.

" 'Di."

" Bakit ang layo mo sa'kin?" Ang pwesto kasi namin ako nasa kabilang dulo ng rooftop at siya naman sa kabilang dulo din.

Ako --------------------------------------------Ashleen

" Trip ko lang."

" Carlo..."

" Sandali may gagawin ako." umalis na kaagad ako kahit hindi pa siya nagsasalita. Dali dali akong bumaba ng rooftop agad ko namang nakita si Jc na naglalakad. Napangiti ako.

" Uto—" Naputol 'yong sasabihin ko ng maalal kong wala na pala kaming mag to-tropa. Tinignan ko siya habang nagsasaway sa mga estudyanteng hindi naka uniform.

Napangiti nalang ako at napabuntong hininga. Maglalakad na sa ako kaso nakita ko si Natsu na naglalakad habang naka earphone at dito ang punta niya sa direksyon na ito.

" Putcha naman. Baba nalang ako." Naka ilang hakbang na'ko pababa at biglang sumulpot si Moon sa kabilang side.

" C-carlo." Nginitian ko nalang siya.

" Teka. Bakit ka—" Napatingin kami ng makita si Cyril na nandito na rin.

* Katahimikan *

" Ahh. Sige mauna na'ko." Bumaba na agad ako para hindi awkward. 

J.C POV

" Pumunta kayo sa giudance. Ngayon na."

" Pero—"

" Ngayon na! "

Napabuntong hininga 'yong dalawang babae pero sumunod rin sila. Tinignan ko 'yong mga papers habang naglalakad ako, chineck ko kung may kulang pa ba itong mga nakasulat.

" Okay, tapos na." Pagkasara ko napatingin ako sa kaharap ko ngayon. Nakatingin sakin si Natsu at agad niya namang tinuon 'yong pansin sa dinadaanan niya.

Napabuntong hininga ako at napatingin sa baba ng hagdan. "Ahh. Sige mauna na'ko." sabi ni Carlo at mabilis na bumaba ng hagdan. Bakit naman ganito kung kailan iiwasan namin ang isa't-isa doon naman kami nagkikitakita. 


Itutuloy....

The Momeries of the Troublemaker [Completed] [EDITING] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon