Pochi

599 27 10
                                    


Clarisse POV

Nandito ako sa kwarto ngayon at umiiyak, nahihirapan na ako sa buhay ko. Bakit parang pinaparusahan ako.

" Sana maalala kona ang lahat, sana hindi nalang ako nagka amnesia. Gusto ko malaman kung sino ba talaga ako." Tuloy lang ang agos ng luha ko.

" SISTER!!" Natauhan ako nung biglang bumukas ang pintuan sa kwarto ko kaya napatayo ako.

" Kanina kapa namin hinahanap! Buti nalang nakita kitang akala ko nga mamamalik mata lang ako eh."  Lumapit siya saakin at tinignan ako mula ulo hanggang paa.

" Ohmay! Anong nangyari sayo? Sino gumawa nito!? "

" Wala ito. Nag training lang kami ni Ma'am Angie. "

" Psh! Dinaig mo pa ang lumpo. " sabi niya at napangiti naman ako.

" Nakuha mo pang ngumiti ah!"

"Natutuwa lang ako. "

" At talagang natuwa kapag, hala sila mama at papa nandoon sa baba hindi mapakali. Tara at pinaghahanap kana doon."

Dahan-dahan niya akong inalalayan pababa ng hagdan hindi pa kami nangangalahati ay may mga nakita akong baranggay tanod at pulis dito sa loob ng bahay. Wala naman sila dito kanina ah.

" Ano meron? "  Nagtataka kong tanong.

" Misis. Nandito na pala ang anak niyo. Maari na po ba kaming umalis?" Tanong nung isang police.

" O-oo sige. Salamat." alalang-alalang sabi ni mama.

" Anak. Sinong nagsabi sayo na makipag bugbugan ka ulit ha? Tignan mo'ko anak! " Nilapit ni papa yung mukha niya saakin

" Ah-Aha-ha-ha." Hindi ko alam anong sasabihin ko.

" Ano ba naman 'yan, pati ikaw hindi mo ba nakita nagpakulay ako ng buhok. " turo niya sa buhok niya.

" Bagay ba? " dagdag niya.

"  Inuna mo pa 'yang kulay ng buhok mo! Tumabi ka nga d'yan!" Tinulak ni mama si papa sa sofa.

" Anak. Okay kalang ba? Anong nang yari sayo?"

" O-okay naman po. Medyo na dala lang sa training hehe." Pagsisinungaling ko.

" Sa susunod nak. Mag ingat ka ha, Tara dito gagamutin ko mga sugat mo."

" Hindi na ma, kaya kona. Sige po akyat na'ko" Dahan-dahan akong nag lakad papuntang kwarto ko.

Kinabukasan...

Habang naglalakad kami sa school nagtatalotalo sila kung anong magandang panoorin. Sabi ko kasi gusto ko manood at eto na nga ang resulta.

" Mas maganda yung Black Clover. " sabi ni Kuya Natsu habang nakatingin sa akin.

" Clarisse, mas maganda ang Tom and Jerry" sabi ni Moon na nasa kabilang gilid ko.

" Ang ba-baduy niyo! Mas maganda anh power pop girls." Sabi ni Aira at kumindat pa siya sa akin.

" Laswa mo!" Sabi ni kuya Natsu kay Aira at ginulo yung buhok.

" Babae ka kasi kaya gusto mo 'yon pero tama si utol ang laswa. Hahaha!" Ginatungan naman ni Moon.

Puro sila ingay habang naglalakad kami papuntang school. Bigla kong naalala yung ginawa kong assignment. Naiwan ko yun sa may sofa doon sa bahay.

" A-ah...Kuya Natsu naiwan ko yung notebook ko sa bahay."

" Bayaan mo na'yun. Malapit na tayo sa school. "

" Ha? P-pero may assignment kami doon."

" Sige. Tara sasamahan na kita bumalik sa bahay."

" Ahh...Hindi na ako ng bahala. Babye!" Tumakbo agad ako. Mas maaga pasok ni kuya kesa saakin baka malate pa siya dahil sa kaburaraan ko.

* Bogsssh *

Napatalsik ako ng may mabangga ako, " O-ouch!" Tumayo agad ako at hinawakan yung likod ko.

" Sorry m—" Napatigil siya ng makita niya ako.

May lalaking nakatayo dito sa harap ko at nagulat siya nung makita ako. Ito yung lalaking si John.

" Pochi!" Tawag niya saakin at niyakap niya ako ng mahigpit na akala mo wala ng susunod na araw.

" Kilala ba kita?" Bigala siyang bumitaw sa pagkakayakap.

" Hindi mo ba talaga ako naaalala?" 

" Pasensya na pero hindi pochi ang pangalan ko."Aalis nako nang hilahin niya ako malapit sakanaya.

Hinawakan niya ang dalawang pisngi ko. " Okay. Galit ka pa rin ba sa akin?"

" Bumalik ako dahil habang nasa malayo ako para akong mamamatay kapag naiisip ko na pagbalik ko hindi mona ako maalala, na hindi mona ako mahal. At, lahat ng iyon parang nagkatotoo. "

" Hindi ko alam sinabi mo. May nakalimutan kasi ako sa bahay. " sabi ko at tumakbo paalis.

Jubya POV

" Erza. Nakita mo ba si Clarisse?" tanong ko sakanya.

" Hindi eh, hindi pa siya pumasok si mula kahapon."

" Ganon ba? " 

" Papasok siya, may naiwan lang sa bahay." Sulpot ni Moon.

" Hi fafa Moon. " sabi ko habang nakangiti.

" Fafa ampotek." Rinig kong sabi ni Carlo pero hindi ko nalang pinansin kaso bigla ulit siyang nagsalita pero hindi kona narinig.

Clarisse POV

Nang makuha kona yung notebook ko sa bahay tumakbo agad ako pero hindi pa ako nangangalahati nakita ko na naman yung lalaki na si John kaya napahinto ako.

Anong ginagawa niya sa harap ng gate?

" Clarisse.."

" Huwag kang lalapit!" Umaatras ako bawat hakbang niya kahit malayo siya.

" Clarisse. Huwag mo naman akong iwasan. Hindi ko kaya." Malungkot na sabi niya.

" Huwag ka sabing lalapit!" Hinalungkat ko yung bag ko para hanapin yung ballpen at tinutok sakanya.

" Isasaksak ko sayo 'to, " pero mukhang hindi siya natatakot mas lalo lang siyang lumapit kaya imbis na humigpit ang hawak ko sa ballpen at nabulog ito mula sa kamay ko.

Allira POV

" Ano naturuan mona ba siya ng leksyon?"

" Syempre ako pa ba? May kakaiba nga lang sakanya."

" Lagi naman ?"

" Oo, pero iba talaga yung..." Napatinggil ako sa pagsasalita nung makita ko si Clarisse sa labas ng kotse at may kasama siya. I think it's Jc.

Mukhang maganda 'to. Ngumisi ako at pinaharuruot ang sasakyan.

Clarisse POV

Kumalma naman ako ng hindi na ulit niyang tinangka na lumapit ulit pero bigla akong nakapansin na parang may kotse na papunta sa pwesto namin.

" CLARISSE!!" sigaw niya at ang tanging nagawa ko lang ay ang mapapikit.

" Are you okay?" dahan-dahan kong minulat yung mata ko.

" Ako ang tinatanong mo, tignan mo kaya itsura mo." Gulo-gulo na kasi buhok niya at nasira yung damit niya nagkaroon ng punit hindi ko alam kung paano pero siguro sa kapit ko sakanya. Pero kumapit lang naman ako hindi ko naman sinira.

" Okay lang ako basta okay ka."

" S-salamat nga pala. Baka kung hindi mo ako natulak palayo...baka sugatan na ulit ako. Salamag ulit."

" Ayoko ng salamag mo."

" Ha? "

" Gusto kong yakapin mo ako."

Itutuloy...

The Momeries of the Troublemaker [Completed] [EDITING] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon